LEE'S POV
Para akong basang sisiw na humahanap ng kanlungan. Iisang kanlungan lang ang alam ko. Isang lugar kung saan mas lubos ang aking kaligayahan at payapa ang aking diwa, sa tabi ni Ava. Muling tumulo ang aking luha habang mag-isa ako sa loob ng kotse. Nagmamanman at naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Nasa di kalayuan ako habang tanaw ang kanyang tirahan. Kapapasok lang ni Simeon at may dala siyang pagkain. Mukhang nagbabahay-bahayan na ang dalawa. Nai-imagine ko kung ano ang possible nilang gawin habang solo nila ang buong bahay. Heto ako sa labas at nagmamatayag sa kanila. Nababaliw na talaga ako. Ano ba ang ginagawa ko dito?
Kanina pa akong tinawagan ni Mama.
"Lee, kanina ka pang hinahanap ni Leeah. Dumaan dito si Ava pero hindi naman makakatulog ang anak mo hangga't wala ka pa. "
Pagdating ko naman. Sesermunan pa ako ni Mama. Di tulad ng dati na ipaghahain pa niya ako ng pagkain.
"Bakit ngayon ka lang? Maaga ang tapos ng klase sa academy di ba? Saan ka pa ba pumupunta? Gabing gabi na... Bigyan mo naman ng oras si Leeah. Kung nandito lang si Ava, kampante ako na mabibigyan siya ng atensyon ng kanyang ina." Hindi ako makaimik. Hands on kasi talaga si Ava. Kahit alam kong pagod na siya sa klase, inaasikaso pa rin niya si Leeah. Matiyaga siyang nakikinig sa kuwento ng anak. Oo ng oo, tawa ng tawa at nakikipagkulitan. Tuwing aalis siya , uunahin niyang isipin si Leeah. Isasama niya ito sa pamamasyal basta't pumayag ako. Hindi ko din kailangang mag-alala sa kanya. Masaya siya at nakakatulog kahit wala ako basta't tabi sila ni Ava .
Nakakapanibago. Palagi akong naninibago tuwing bumabalik si Ava sa bahay niya.
Bigla kong napansin na pabalibag na ibinagsak ni Simeon ang gate. Pinaharurot niya ang kanyang kotse. Mukhang nag-away silang dalawa.
Sina Jino at Jhopet ang nakukuhanan ko ng impormasyon pagdating kay Ava. Sa iisang presinto lang ang dispatch nila. Sila ang nagrereport sa akin kung ano ang ginawa niya buong maghapon.
"Mukhang nag-away ang dalawa." Iyon ang unang report ni Jino ng umagang iyon.
Hindi ko natiis si Ava. Dinalaw ko si Kuya Ice sa presinto niya. Nagulat pa si Kuya.
"Lee, anong ginagawa mo dito?" Hindi siya abala ng mga oras na iyon.
"Wala lang..."
"Hoy umayos ka ha! Akala mo hindi ko alam. Huwag mo akong lokohin. Dinadalaw mo ba si Ava?"
"Nandiyan ba siya?"
Ipinahanap ni Kuya Ice si Ava. Nasa Crime Lab daw ito at may kinukuhang resulta ng specimen na ipinasuri niya. Saglit lang at may kumatok. Nakauniporme ang babae at tulad ng dati, nakapusod ang kanyang buhok.
"Salute..." Sabi ni Ava. Nakakatuwa siya. Ang seksi niya sa kanyang uniporme.
"Abah, masyadong smart." Sabi ko. Nagulat siya at hinanap ang nagsalita.
"Lee, bakit ka nandito?"
"May dalaw ka." Habang nakaupo si Kuya . Inoobserbahan kaming dalawa.
"Hanggang dito ba naman?"
"Anong magagawa ko? Na-miss kita."
"Isumbong ko kaya kayo kay Papa. " Nagulat kaming dalawa ni Kuya. Kapag nga naman nalaman ni Papa ang ginagawa namin sa kanya, lagot kami!
"Teka..."
"Busy ako sa opisina tapos..."
"PO1 Osborne... ipinatawag kita hindi lang dahil sa kanya. Gusto kong ayusin ninyo ang ginagawa ninyong report sa buy bust operation na nilalakad ninyo"
"Yes Sir." Tumayo pa rin siya ng tuwid habang kausap ni Kuya.
"Mga senior mo ang kausap mo ngayon ..."
"Sir Yes Sir..."
TUmayo ako sa harap niya at sinusubukan ko ang kanyang pagsunod kay Kuya. Inilapit kong mabuti ang mukha ko. Na-miss ko ang labi ni Ava.
"Natatakot ka ba?"
"Hindi...Mukhang gigil na gigil ka nga eh. Halik na. Iyon lang ba ang gusto mo." Biglang natawa si Kuya. Kilala talaga ako ni Ava. "Kayong magkapatid, wala talaga kayong magawang matino. Iniistorbo ninyo ako sa ginagawa ko." Halos patakbo siyang lumabas ng opisina ni Kuya.Natawa na lang ako sa sarili ko.
Talagang nakakapraning si Ava. Nakakabaliw siya.
No doubt kaya ako pinuntahan ni Simeon. Takot siyang maagaw si Ava. Hindi ako makapaniwala na may tulad niya ang makikipagpatayan para kay Ava. Buwisit na 'yon, tutukan ba naman niya ako ng baril. E di tinutukan ko din siya. Huwag niyang ipamukha sa akin na kinakapatid ko siya at mas matanda ako sa kanya. Age doesn't matter kahit sa pag-ibig. Pinagalitan tuloy kami ni Sgt. Espiritu. Mas kinatkatan niya ako ng sermon.
"Ikaw , Lee. Alam ba ng papa mo ang ginagawa mo ha! Mahiya ka nga. May asawa ka ng tao pinipilit mo ang sarili mo kay Ava.Akala mo hindi ko alam ang ginagawa mo. Pati 'yong paghila-hila mo kay Ava sa mga suluk-sulok dito sa building natin, alam ko" Tinamaan ng magaling, may mas matinik na espiya pala itong si Sgt. Espiritu. Okay fine...
"Huwag naman Sir." Desidido kasi siyang isumbong ako kay Papa. Matinding magbigay ng parusa si Papa. Minsan lang siyang magalit pero magtatanda ka talaga. Nakakatakot! Hindi niya ako sasantuhin ngayon.
Lalo akong malalagot kapag si Ava na ang nagsumbong.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...