PERFECT SUSPECT

106 1 0
                                    

AVA'S POV



Naging masigasig kami sa paghahanap ng suspek. Mas ginanahan akong sumama sa mga operasyon namin kasama sina Jino at Jhopet at naging busy kami sa pag-iimbestiga. Lahat kami ay nagbigay ng sarili naming kuru-kuro tungkol sa nangyaring pagsakote sa suspek. Iisa lang ang suspek. Maliksi siya at mukhang magaling ang kanyang estratehiya . Natakasan niya kaming tatlo ng aking mga kasamahan. Magaling isyang magmotor at dehado ako sa kanya. Delikado ang kanyang paraan, medyo nakakatakot kasi pang drag racing yata ang alam niya.



Hindi nakaligtas ang maliit na impormasyon kay Kuya Ice. Halos pareho kami ng kasuotan ng babaeng suspek. Ang motor ay hindi maikakailang akin din , kahit wala itong plaka. Iyon ang detalyeng hindi ko sinabi sa kanya. Diskumpiyado pa nga sila dahil sina Jino at Jhopet ang kasama ko. Baka iniisip nilang pinagtatakpan lang ako ng dalawa. Kaya lang may mga pulis akong nakasalubong na parehong rumesponde sa pinangyarihan ng krimen at testigo ko sila.



Dumaan ako sa mansion, nandoon din si Lee at nagkataong kauuwi lang nila ni Leeah galing ng school. Tuwang tuwa ang anak ko.



"Good afternoon, Sarge. " Pormal akong sumaludo kay Lee pero balewala ang ginawa ko dahil kinabig niya ako sa beywang at mahigpit na hinawakan doon saka siniil ng halik na akala mo ay miss na miss niya ako samantalang magkasama kami noong nagdaang gabi.



Titig na titig si Leeah at tuwang tuwa siya sa kanyang nakita. Bata pa lang ay kilig na kilig na siya.



"Mommy..." Niyakap niya ako at hinalikan. "Bakit ngayon ka lang po pumunta dito?" Tanong niya.


"Hmm, masyadong busy sa presinto, anak."


"Totoo, Daddy?" Tanong pa niya kay Lee as if pareho kami ng trabaho.



Sinalubong din ako ni Mama at Papa kaya napilitan akong lumapit at humalik sa kanilang pisngi.



"Bakit nga ba?" Sabat ni Mama. Hindi ako makangiti lalo na ng akbayan ako ni lee at niyaya akong pumasok sa mansion.


"May miryenda po ba sa loob? "


"Oo naman..." Sabi ni Mama at sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Nasa likuran namin sila.


"Tigilan mo nga ang pag-akbay sa akin." Sabi ko, sabay kurot sa tagiliran ni Lee. Napaiktad ito at biglang nagtatawa. "Hindi ka na nahiya kina Mama at Papa."


"Huwag na tayong magkaila. Ililihim pa ba natin eh tumatanda na ako, Ava." Nagulat ako sa sinabi niya. OO, ilang taon na ba si Lee ngayon at hanggang ngayon ay hindi mo masasabing masaya siya sa buhay niya. Tuwing magkasama kami , saka ko lang siya nakikitang ngumingiti at humahalakhak ng todo sa sobrang saya.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon