MOTHER'S TEST

125 8 0
                                    

LEMUELA'S POV



Naghanda ako ng masarap na almusal ng umagang iyon. Inimbitahan namin si Mira sa isang almusal upang magkaharap-harap kami at malaman ang estado ng kanilang relasyon kung may relasyon nga ba sila ni Lee. Ayokong pinatatagal ang isang relasyon na walang patutunguhan. Iyon ang mentalidad ko.



Maaga ding gumising ang aming munting prinsesa at marunong na siyang maglakad. Hawak siya ng kanyang ama. Hindi ko alam kung nakakahalata ba si Lee sa hitsura ng bata. Habang lumalaki si Leeah nagiging kamukha niya ngunit ang mga mata at labi maging ang ngiti nito ay kuhang kuha kay Danica.



"Careful, Leeah...Good morning. Mwaaah!" Hinalikan ko siya.


"Mwaaahhh!" Sabi din niya. Gaya-gaya na siya sa mga salita. Humalik si Mira kay Lee ngunit hindi tumugon ng halik ang aking binata. Ayaw naman humalik ni Leeah kay Mira kaya hindi na sila nagpilitan pa.


"Mabuti at maaga ka Mira."


"Thanks for inviting me over for breakfast. I would love it, Lee." Tumingin siya kay Lee pero busy ang binata ko sa bata. Inilalagay niya ito sa high chair. Nagpupumiglas si Leeah dahil mas gusto niyang kandong siya ni Lee kapag nag-aalmusal sila. Ayaw niyang umupo sa high chair. Umiiyak siya at nagmamakaawang kunin doon.



Bumaba na rin si Jazzy. Nagulat siya at umismid ng pasimple ng makita si Mira.



"Hello, Leeah, bakit umiiyak ang inaanak ko? " Hinalikan niya ang pamangkin. Pinahid ang luha nito at kinuha sa upuan.


"Jazzy, bago ka umupo dyan, tawagin mo na ang Papa mo sa taas."


"Yes, Ma..." Mabilis na umakyat si Jazzy sa ikalawang palapag kasama si Leeah at sabay silang bumaba ni Justice. Karga na ni Justice ang apo.


"Good morning everyone"Sigaw ng hari sa tuktok pa lang. Sinenyasan kong bumaba na lang at manahimik.


"Uy, may bisita tayo.."


"Good morning po, General."


"Kailan ka pa nakabalik? Balita ko nag-schooling ka?"


"Tatlong araw pa lang po ako ulit dito."


"Sige, let's eat. Lee, lead us to prayer , please." HInawakan ni Lee ang maliliit na kamay ni Leeah at ginabayan ang bata na magdasal.


"In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit...Amen...Bless us o Lord...." Muling nag-antanda ng krus ang mag-ama.



Malaki ang kaibhan nila ni Justice. Samantalang noon, napakadalang naming makasama si Justice sa agahan. Hindi niya masyadong nasubaybayan ang mga bata kaya ako ang tutok na tutok sa kanila. Ayokong sabihin niyang hindi sila natuturuan ng tama sa hapag-kainan. Heto si Lee.



"Let's eat." Pero hindi man lang ikinuha ng pagkain ni Lee si Mira. HInayaan niya itong kumuha ng kanyang pagkain. Abala siya kay Leeah. Sinusubuan siya ni Mira ngunit sinabi niyang kumain na lang siya at mamaya na lang siya kakain pagkatapos ni Leeah.


"Bakit hindi mo siya ikuha ng yaya?" Sabi ni Mira.


"Gusto kong maging hand-on daddy." Nice, Lee...


"O bakit hindi ka kumain Mira?" Saka lang siya sumubo ng pagkain. "Hayaan mo na lang si Lee. Una talaga niyang pinakakain si Leeah ng almusal. Huli siyang kumakain."



Kumain siyang hindi man lang kinakausap ng lalaki.


Hindi rin siya iniimikan ni Jazzy.



"Mama, rice pa po please." Iniabot ni Mira ang kanin.


"Thanks, Sgt. Domingo." Biglang natawa si Mira.


"Puwede namang Mira na lang. Masyado ka namang pormal. Kapag ikinasal kami ng kuya mo, ate mo na rin ako."



Nasamid ako sa sinabi niya. Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa. Nakakainis lang ang komento niya at muntik na akong mawalan ng gana.



Napa-make-face si Jazzy sa likod niya.



I would say na sa stage pa lang na ito, wala na si Mira. Hindi siya papasa sa aming dalawa ni Jazzy at mukhang hindi rin kay Lee at Leeah. What's keeping her from hanging along Lee? May inaasahan pa ba siya?


THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon