DANICA'S POV
Alas onse ang flight ko. Hindi ako nagpakuha ng tiket sa mas maagang oras. Baka makakilala pa rin sa akin kaya hindi ako nagpakakampante. Nagsuot ako ng malaking black sunglasses at naka-wig ako. Isang shoulder bag lang ang dala ko.
"Drexel, puwede bang dumaan muna tayo sa Villa Lorenzo?"
"Maa'am, sigurado po ba kayo? Baka po kayo mamukhaan doon?"
"Gabi na..."
"Sige po..."
Gusto ko lang sanang sulyapan ang bakuran na iyon sa huling pagkakataon.
"Anak, babalik din kaagad si Mommy. Ingat kayo ni Daddy. Magpapakabait ka!" Ibinaba ko ang binata at nasulyapan kong naglalakad sa bakuran ng ganoong oras sina Lee at Leeah.
"Bakit kaya?"Pero bigla akong napaiyak. Naglalakad na ang anak ko. Ilang buwan na lang at magsi-celebrate na siya ng first birthday niya. Madami akong mapapalampas na mahahalagang bagay sa anak ko pero okay lang iyon. Ang mahalaga isa na siyang ganap na Lorenzo at nakikita kong mahal na mahal siya ni Lee.
"Butler Drexel, puwede na po tayong dumiretso sa airport."
Pinahid ko ang luha ko. Umusal ako ng dasal na ingatan ng Diyos si Leeah at ilayo sa anumang kapahamakan.
Habang nasa loob siya ng mansion, mananatili siyang ligtas.
Inihatid ako nina Attorney Navarro at Madame Whitney kasama si Butler Drexel. Ibinigay niya sa akin ang passport ko.
"Doon mo na lang sa loob tingnan." Tumango ako.
Ibinigay ko ang aking passport sa isang immigration Officer para i-check ang aking passport.
Dahil na rin sa damage na dala ng panggagahasa sa akin hindi na ako komportable sa kondisyon ng aking pagkababae kaya masyado akong conscious. Nag-undergo ako ng labiaplasty upang ayusin ang aking ari. Hindi ako sigurado kung magagawa ko pang makipag-sex balang araw ngunit nagbaka-sakali na rin ako. Hindi ko naman itatago ang totoong nangyari sa akin. Humanap ako ng pansamantalang matitirhan sa San Diego. Sa on-line ako naghanap ng certified ospital na mapagkakatiwalaan ko sa ganitong klase ng surgery. Sinabihan ako na mahal daw ang surgery na iyon ngunit ng sabihin kong biktima ako ng rape at gusto kong magbagong buhay at gusto kong maging komportable ako kapag nakikipagsiping sa partner ko, hindi na nila ako inusisa ng pagkadami-daming tanong. Pinayuhan ako na ang surgery na ito ay napakamahal.
"I am willing to take the operation as soon as possible." Desidido ako sa ginagawa ko. Humanap na ako ng surgeon na puwedeng magsagawa ng operasyon na rehistrado sa General Medicine Council upang makasiguro akong eksperto talaga ang doktor na iyon sa klase ng operasyon hinahanap ko.
Ginamitan ako ng local anaesthetic with sedation. Sila na ang bahala na ayusin ang sobrang balat na inirereklamo ko .Puwede naman itong tanggalin ng scalpel o kaya ay laser at itahi ng sinulid na natutunaw din naman. Dalawang oras lang ang itatagal nito at puwede na akong umuwi. Sa bahay na rin ako puwedeng magpagaling sa loob ng dalawang linggo.
"Senyorita, kumusta ka na po dyan?" Tanong ni Whitney. Tinawagan niya ako.
"Okay lang po ako..."
"Senyorita, may maganda po pala akong balita. Buntis na rin po ako sa wakas.Angsaya-saya po namin ni Drexel."
"Sabi ko sa iyo eh. Mukhang nahihiya ka lang sa akin eh. Masaya ako para sa inyong dalawa. Kailan ka manganganak?
"Mukhang December din po yata ako manganganak."
"Ikumusta mo ako kay Drexel ha!"
"Ingat po kayo dyan..."
"OO..."
Natuwa ako sa balitang iyon ni Whitney. Magiging nanay na rin siya.
Sinunod kong ipinabuo ang aking utong na ginupit ng mga animal. Tatlo hanggang apat na buwan daw ang reconstruction nito. Nagtiyaga naman ako. Puwede daw kumuha ng laman sa akin at iyon din ang gagawing areola ko. Kung gusto ko daw ibalik ang natural na kulay ng areola ko , ipatatattoo ko na lang daw. Go kaagad! Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Pagkatapos lang ng dalawang linggo at okay na ang akong labiaplasty, reconstruction naman ang pinagdaanan ko.
Huli kong ipinagawa ang tinatawag nila sa siyensiya na scar revision surgery . Gusto kong ipatanggal ang marka ng madaming saksak na tinamo ko sa mga walanghiyang iyon. Hindi iyon ganoon kadali dahil halos tatlumpung saksak ang aking tinamo ngunit hindi ko ininda ang tusok ng injection. Pinatulog nila ako upang hindi ko maramdaman ang anumang sakit. OO, sana maging manhid din ako sa anumang sakit kapag natapos ko ang surgery na ito.
Mabuti naman at madali lang daw ang ginawa nilang surgery sa akin bagama't madami. Kailangan ko lang ng mga topical cream para pumantay ang kulay ng mga sugat ko dati sa kulay ng balat ko ngayon. Pasalamat ako dahil hindi ako posibleng magkaroon ng keloids.
Huli kong ipinaayos ang bagong mukha ni Savana Osborne. Yes, Savana Osborne should come out as an ideal woman any man can think of. Hindi siya puwedeng maging kamukha ni Danica.
Yes, I shall be known SAVANA "AVA" OSBORNE....
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...