NEW FACE OF THREAT

127 8 0
                                    

WHITNEY'S POV



Alam kong naghihintay lang ng tamang pagkakataon ang lahat ng ito. Tinawagan ko si Danica at sinabing nandito na daw siya sa Pilipinas.



"Tamang tama, kapapanganak ko lang..."


"That's great Whitney. I shall come and see you. Saang ospital ka nanganak?"


"Inabutan na lang akong dito sa bahay eh."


"Hay, delikado ang ginawa mo."


"Okay naman po ang anak ko."



Dinalaw kami ni Danica. Pero matagal bago siya nagpakita. Nagulat kami sa pagsulpot ng isang babaeng hindi namin kilala ngunit nakangiting pumasok sa loob ng aming kabahayan. Madami siyang dalang pasalubong. Nanganak ako ng isang sanggol na lalaki. Nilapitan niya ang baby ko pero iniiwas ko ang bata sa kanya.



"Ano ka ba, Whitney? Si Danica ito?"


"Danica, imposible..."


"Miss baka naman po nagkakamali kayo ng dinadalaw."



"Ava ... Savana Osborne na ang legal name ko."


"Ha!"



Hindi kami makapaniwala. Ibang iba na ang mukha niya sa dating Danica na aming nakilala. Hindi ako makapaniwala. Lalo siyang gumanda ngayon. Wala nang bakas ng mga saksak sa kanyang braso. Mahaba na ang kanyang buhok at napakaseksi pa rin niya. Magbago man ang kanyang mukha, ang boses, ang ngiti at ang mata ay hinding hindi mo maikakaila, siya nga si Danica Bridge Mayers.



May bakas na ng sigla sa kanyang mga mata at tunay ang kanyang ngiti. Ngunit nakakatakot ang ngiting iyon. Hindi ako komportable na wala siyang plano laban sa mga lumapastangan sa kanya. Iniwan muna kami ni Drexel para ikuha ng makakain ang aming bisita.



"Danica, kumusta naman ang buhay mo ngayon?"


"Nag-aaral na po ulit ako. "


"Talagang magbabagong buhay ka na ha!"


"Dapat lang po siguro. Kaya nga ako binigyan ng Diyos ng bagong buhay."


"Kukunin mo na ba si Leeah sa mansion?"


"Pinag-iisipan ko pa kung kukunin ko si Leeah. Hindi pa ako sigurado, Whitney.


"Itutuloy mo pa ba ang mga plano mo laban sa kanila." Nakita kong nagbago ang mood ni Danica. Hindi siya umimik. Titig na titig siya sa aking sanggol .


"Anong pangalan niya?"


"Whinxel (Wincel) Osborne...Uy, gagawin kitang ninang ha. Kapag naparehistro na namin siya at okay na ang lahat... Teka, may contact number ka ba? Saan ka ba tumitira ngayon?" Sa hotel daw siya tumitira ngayon. Ayaw na niyang balikan ang mansion nila sa Hillsborough. Ibinigay naman niya ang kanyang contact number.


"Whitney, huwag mong ibibigay sa iba ang number ko ha!"


"OO naman po. Bakit ko naman po gagawin iyon? "


"Just in case lang..."



Hindi ko maintindihan ang kanyang mga balak. Sumalo siya sa hapunan namin sa bahay. Matipid ang pagdidetalye niya ng mga nangyari sa kanya sa America. Mahirap ipakuwento ang lahat kaya hindi ko siya pinilit magkuwento. Kung ano lang ang gusto niyang ikuwento, iyon lang ang aking pinakikinggan. Ni hindi niya binaggit ang eksaktong hotel kung saan siya tumutuloy. Hindi niya binanggit kung saan siya nag-aaral ngayon.



Her beauty brings danger. Kaya delikado ang mahuhulog sa kanyang patibong dahil hindi mo alam kung ano ang kapahamakang dala nito.



Kinabukasan, nagulat kami ng kumatok ang dalawang lalaking naka-jacket ng kulay itim sa aming pinto. Kinabahan kaagad kami ni Drexel.



"Good morning ,Ma'am, Sir. Mga pulis po kami" Syiempre, kahit sino naman eh talagang kakabahan. Napakaaga naman ng mga pulis na iyon. Mga imbestigador daw sila. Kilala nila kami ni Drexel.


"Pasok po kayo. Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?"


"Magtatanong lang po kami ng mahahalagang bagay sa inyo tungkol sa babaeng ito. Nais po sana naming hingin ang inyong buong kooperasyon para na rin sa kahilingan ng mag-asawang Lorenzo"



Pagkasabi noon ay hindi na ako nagdalawang isip.



"Naku, Sir tamang tama... Puwede ko po bang personal na makausap si Mrs. Lemuela Lorenzo , 'yung mama ni Lee?"


"Anumang pag-uusapan natin ay magiging confidential at makakaasa kayong makakarating lahat kay Ma'am Lemuela. " Ini-record kaagad ang aming usapan bilang kanilang ebidensiya. Saka ko lang naisip tanungin ang mga pangalan nila.


"Sgt. Gaspar Tupaz po..."


"Ako naman po si Sgt. Gomez."


"Sir, pakisabi po... totoong buhay si Ma'am Danica. Nandito na po siya. Nakabalik na po siya. Nag-aaral na po siya ulit."


"Makakaasa po kayo."


"Sir, kung kailangan ninyo akong iharap sa kanila, mas mainam po." Siniko ako ni Drexel. Pero hindi ko napigilan ang aking sarili. Matagal ko nang gustong makilala ang mag-asawang iyon at higit sa lahat gusto kong makita si Leeah.



Nagkatinginan kami ni Drexel. Gusto naming mabuhay sa tama at tuwid na daan si Danica. Iyon lang ang bukod tangi naming gustong mangyari ngayon. Gusto naming mabuo niya ang kanilang pamilya. Ang pamilyang balak nilang dalawa.


THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon