SERIOUS AVA

135 9 1
                                    

AVA'S POV



Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral sa Police Academy.



Magpapanibagong buhay ako sa ibang mukha. Sisiguraduhin kong magbabayad ng mahal ang mga taong umapi sa akin at sa aming pamilya. Iisa –isahin ko sila. pagbabayarin ko sila sa kanilang kahayupang ginawa.



Hindi ko sila uurungan. Laban pala ang gusto nila ha. Tingnan natin kung sino ang unang susuko kapag ako naman ang gumanti.



Savana Osborne ang gamit kong pangalan. Ava for short.



Paglabas ko ng simbahan, nakakita ako ng bata, naaalala ko ang aking anak. "Kumusta na kaya siya?" Malaki na siguro si Leeah. Tiyak kong inaalagaan siyang mabuti ni Lee. Hindi. Hindi ko siya iisipin. Hindi puwede. Hindi sila puwedeng makasagabal sa mga plano ko.



Hindi ko nakakalimutan ang misyon ko. Sa gabi, hinahanap ko ang kuta ng mga kampon ni Satanas, tumatambay ako sa Club Roman dahil alam kong madalas doon sila naglalagi. Minsan ng babar- hopping akong mag-isa. Baka may matyiempuhan ako kahit isa man lang sa kanila. Kilala ko silang lahat sa mukha.



Pero wala akong makita ni anino nila. Sabagay , wala na silang anino dahil ang kaluluwa nila ay kasalukuyang sinusunog na sa impiyerno, nandito pa lang sila sa lupa. Ang mga halang ang bituka ay walang puwang dito sa lupa at kailangan na silang ipasundo kay Satanas para nababawasan ang bilang nila dito.



Ito ang pinagpupuyatan ko tuwing gabi. Tahimik akong tumatambay sa loob ng mga bars at disco para lang mapag-aralan ang mga kilos nila, nang sa gayun ay makapagplano ako ng maayos at maisasagawa kaagad ang aking mga plano. Inaabot ako ng alauna sa kalye samantalang napakaga pa ng klase ko. Sabagay habang sakay ako ng aking motorbike ay mabilis akong makakauwi lalo pa't wala nang traffic ng ganoong mga oras. Dumaan ako sa Hillsborough Subdivision. Matagal ko nang hindi napapasok ang bahay. One of these days, makakabalik din ako doon. Dadalawin ko din pala sina Mama at Papa at Angel. Nakailang buwan na ako dito pero hindi ko man lang sila nadalaw. Baka magtampo na sila at mapanaginipan ko pa sila.



Kung ano lang ang bigla kong naisip at bigla akong huminto sa tapat ng Villa Lorenzo. Hindi pa rin nagbago ang rehas na bakal ng mansion. Berdeng berde ang kanilang lawn. I miss going inside. Marunong na kayang mag-drive si Jazzy? Saglit lang ay may napansin akong kotse na nag-signal at bumisina , malayo pa lang. Akala ko ay didiretsuhin na niya ang gate. Tamang tama lang ang paghinto niya. WOW! si Jazzy 'yun ah... Nataranta si Policarpio sa pagbubukas ng gate. Mabilis na ipinasok ni Jazzy ang itim na Mercedez Benz. Isasara na sana ng guwardiya ang gate ngunit isang malakas na busina sa malayo ang muling narinig. Saka ko pinasibad ang motorbike. May isang kotse ang muling pumasok dito. Ngunit nakita ko sa rear view mirror na may lalaking bumaba at tila ba tinanaw pa ako habang papalayo. Isa itong malaking kalokohan. Ano naman ang nagtulak sa akin upang magpunta pa doon?



Pag-uwi ko ay lumagok muna ako ng tatlong shotglass ng hard liquor upang makatulog ako. Ahhhh! Nag-iinit ang katawan ko....Gusto ko nang matulog...



Kinabukasan, mas masungit ngayon si Prof. Lee sa klase na parang may dala-dalang problema agang -aga. Walang patawad sa mga babae. Istrikto sa kanyang mga estudyante at walang joke joke sa klase. Pero hindi niya puwedeng apihin si Ava dahil palaban pa rin ang babaeng ito .



"We will have a group report..."Tulad pa rin ng dati. Puwede bang ibahin naman niya ang teaching strat niya. Nakakainis ang ganitong turo. Dito din ako na-bad trip sa kanya noo eh. Tapos rape case na naman ang napunta sa grupo ko. Hindi talaga ako tatantanan ng ganitong klase ng kaso.



Investigation pa rin ang subject niya and then partly Forensic. Nagtanong na naman siya. "Any question..." At muli ko siyang tinanong in confident English. Napakunot ng noo si Lee pero sinakap niyang maging professional sa pagsagot. In the end , pinahagingan niya ako na huwag manunubok ng guro para huwag mapahiya.



Kaya paglabas, sinundan pa niya ako...Abah, dinadarag niya ako. "Next time huwag ka nang magtanong kung alam mo naman ang sagot."



"I asked questions for clarification. Bakit ka pa nagtanong kung labag pala sa loob mo ang pagsagot? What's your point, Prof. Lorenzo?"


"You are just testing my capacity. Are you questioning my credibility?"Dati sinabi niya iyonn sa harap ng klase at talagang hindi ko siya inurungan kahit kuya siya ng bestfriend ko.


"No I am not. Masyado kang pikon. Huwag ka na lang kayang magturo."


"What did you say?"


"Hindi ko inuulit ang sinasabi ko. Ewan..."



Iniwan ko na lang siya. Nagmadali akong bumaba papuntang kantin. Nakaka-bad trip. Hindi pa rin pala siya nagbabago. Pikon pa rin tuwing magtatanong ako. Hay naku... tsk! tsk! tsk! Pero ang malaking problema dito, kapag napipikon si Lee... marunong gumanti at sa bandang huli, ikaw din ang maiinis. Huwag niya akong subukan ngayon.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon