3RD PERSON'S POV
Matagal na rin hindi umuuwi sa condo si Lee. Umuwi man siya ay wala doon si Eve. Naligo siya at nagpalit ng damit. Nandoon ang kanilang kasambahay. Mabait naman ni Yaya Helen.
"Ay Sir, nandito po pala kayo. Gusto po ba ninyong kumain bago umalis."
"Hindi na.."
"Sir..."
"Hmm, bakit?" Ngunit nagdalawang isip ang matanda at hindi na sinabi ang gusto nitong sabihin kaya hindi na siya pinilit.
May mga bagong damit na bili si Eve para sa kanya ngunit hindi niya ito pinag-aksayahang tingnan. Maluho talaga si Eve. Isa iyon sa nadiskubre niya bukod sa mahilig itong gumimik sa gabi.
LEE'S POV
Nagkita kami sa condo ng araw na iyon. Humalik siya sa pisngi ko.
"Honey, I miss you..." Yumakap na naman siya sa akin.
"Baka naman puwede tayong... alam mo na." Gusto niyang makaano bago umalis.
"Magugusot ang damit ko sa ginagawa mo."
"Tsss! E di magpalit ka!"
"Halika na..."
Sa kalapit lang na subdivision ang mansion ng pamilya Hilario. Madami silang naka-de-unipormeng kasambahay sa loob ng bakuran. Nakahilera sila at tila nagkakaroon ng briefing mula sa mayordoma ng datnan namin. Sabay-sabay silang bumati sa amin. Ngumiti ako samantalang taas noo at nakaismid si Eve.
Binati ko naman ang aking mga in-laws. Tuwang tuwa sila ng makita kami. Kumapit sa bisig ko si Eve para ipakitang sweet pa rin kami.
"Have a seat?"
"Thank you po..."
"Mommy, daddy bakit po ba ninyo kami pinatawag dito?"
"Actually, si Lee talaga ang gusto naming makausap. Well, I 'll go straight to the point. We would like to ask you a favor , Lee..."
"What is it , Daddy bakit hindi? Tingnan po natin. Ano po ba iyon?"
"May export good na padating next week and we would like you to get it from Custom para sana wala nang masyadong tanong-tanong."
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Misteri / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...