FB: COURAGEOUS DANICA

153 10 0
                                    


DANICA'S POV



Binigyan ako ng pangalawang buhay at ng isa pang buhay.





Magdadasal naman ako para muli akong makatulog. Ang trahedyang ito ang nagturo sa akin upang magdasal. Natuto akong tumawag sa Diyos na ingatan niya ang batang nasa sinapupunan ko habang pinagdadaanan ko ang lahat ng traumang ito. Huwag nawa siyang panghinaan ng loob na tulad ko.



Heto ako at bilanggo ng kahalayang ginawa ni Kai. Pero kailangan ko lang ng sapat na panahon upang muling makabangon. Sapat na panahon upang mabuo kong muli ang aking sarili. Babangon ako sa lusak kung saan nila ako inilugmok. Hindi ako mananatiling putik sa paningin nila. Ang putik na ito ang dudumi sa mabaho na nilang mga pangalan. Ipamumukha ko sa kanila na hindi nila kayang durugin ang aking kalooban.



Nang tuluyan akong gumaling, hindi ko na nakita sina Mama at Papa pati sina Angel. Tinapat kaagad ako ni Butler Drexel , "Ma'am Danica, wala na po ang mama at papa ninyo. Wala na rin po si Angel"



Napapikit na lang ako. Umiyak ako. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakaratay sa aking kama. Hindi ko alam kung anong petsa na.



Nandoon din si Atty. Navarro. Inasikaso niya ang hospital bills ko. Makakalabas na rin ako. Doble ingat ang ginawa nila sa akin dahil kasalukuyan akong buntis. Hindi ko alam kung gaano kaligtas ang aking anak. Araw-araw daw iyong dinadasalan ni Madame Whitney ang aking tyan. Pinagpi-pray over niya ako at isinasama sa dasal sa simbahan upang maging ligtas kaming pareho. Binubulungan ang aking tyan na kumapit lang . Siniguro ng aking obygyne na anumang gamot na ibinibigay sa akin ay hindi makakaapekto sa aking pagbubuntis.



Naniniwala akong anak namin siya ni Lee. O kung anak man siya ni Kai, hindi ko din siya balak ipalaglag. Hindi niya iyon kasalanan. Kami na lang dalawa ang magkakampi sa mundo ngayon.



Hindi ko muna dinalaw sina Mama at Papa at si Angel dahil maselan ang aking kondisyon. Kailangan ko pa ng lakas ng katawan at lakas ng loob . Hindi ako dapat panghinaan dahil may buhay sa aking sinapupunan. Sinikap kong maging positibo sa bawat araw. Pinilit kong maging masigla . Hindi ako tumitingin sa salamin ngunit ang dating balat ko ay wala na. Tadtad ako ngayon ng pilat, mga sugat at marka ng tinamo kong saksak at paso. Tumubo na rin ang buhok ko ngunit wala pa ring lakas ang mga tuhod ko. Hindi ko pa kayang tumayo mag-isa at nakadepende lang ako sa tulong nina Madame Whitney at Butler Drexel.



Kailangan kong magpa-theraphy para makalakad ako ng tuluyan. Mahina ang aking mga kalamnan dahil sa matagal na pagkakaratay sa kama. Hindi madaling magpagaling kung buong katawan mo ay puro benda at mukha akong mummy ng Egypt. Mabuti nga at gumising ako after 3 weeks.



Ipinanganak ko si Leeah through normal delivery at iyon ang hudyat upang mas lalo akong magsikap bumangon mula sa pagkakalugmok. Ako ay muling babangon upang ipaalam sa kanila na ang putik na ito ay siya ring magbubunyag ng kanilang baho sa lipunan. Kung hindi man at magiging mailap pa rin sa akin ang hustisya, ako na ang bahala.



Kailangan kong itago ang mga marka ng sugat na ito na magpapaalala sa akin araw –araw sa kahayupang ginawa sa akin na nagdulot ng kamatayan sa aking kapatid. At ang Danica na nakilala nila ay tuluyang maglalaho at buburahin ko sa mundo ang kanyang mukha.



Tuluyan kong papatayin si Danica.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon