ALIVE AND KICKING!

124 4 0
                                    

AVA'S POV



Sinusuwerte pa rin ako at hindi ako napuruhan. Kung gumana ang takot ko ng oras na iyon, mapapraning na naman ako. Anti-depressant na naman ang lalantakan ko.



Pero inisip ko na kasama ko si Leeah. Hindi siya puwedeng masaktan habang nasa poder ko dahil nakasalalay doon ang tiwala ni Lee na iingatan ko siya. OO naman, kahit buhay ko pa ang itaya ko sa kanyang kaligtasan. Ilang beses ko na iyong pinatunayan. Ang pag-iwan ko sa kanya sa pangangalaga ng iba ay isang kamatayan at hindi na iyon mauulit pa.



Kinabukasan ay nagkamalay na ako sa ospital. Bumungad sa akin ang magandang bulaklak ni Simeon. Siya daw ang bumuhat sa akin ng madatnan niya akong nakahandusay sa sahig. Masama naman ang tingin sa kanya ni Lee. Gusto ko sana siyang hampasin ng unan pero masakit ang balikat ko.



Pag-alis niya saka dumating ang mga imbestigador. Natutulala sa akin si Sgt. Tupaz.  Ngayon lang niya ako nakita. Hindi siya makapaniwala na ako si Ava. Akala daw niya ay ako ang ikinasal kay Lee. Ako daw ba ay si Danica din. Pero hindi ko siya inimikan. Alam niya ang sagot sa mga katanungang iyon dahil daig pa nila ang mga reporters sa paghahagilap ng nawawala, ng mga ebidensya para buuin ito. Ngayon, ipakita nilang magagaling silang mga investigator or else , kakantyawan ko na naman si Prof. Lorenzo. Nahilo ako sa paulit-ulit nilang tanong. Sinukuan ko na sila ng isandal ko na ang ulo ko sa unan. Hindi ko na kaya. Imbestigador, doktor at nurse ay paroo't parito... Aaahhhh! Nakakahilo talaga! Matapos kong magpahinga, dumating si jazzy ng bandang hapon. Hindi rin umalis si Leeah sa tabi ko. Hindi pa rin bumalik si Lee. Masyado siyang abala kahit Sunday.



Nagulat ako ng dumating sina Jino at Jhopet. Ang aking mga buddies... nag-alala rin pala ng mabalitaan ng bahay ko ang pinasok ng mga killers. Nakita daw nila ang TV Footage na isinagawa ng isang istasyon. Narinig nila ang sabi ng mga imbestigador. Nagpainterview sina Papa at Mama. Ininterview din si Jazzy at ako.Walang pagnanakaw pero pagpatay talaga ang pakay nila.



"Astig ka talaga, Ava..."


"Suko talaga kami sa iyo."


"Salamat sa pagdalaw ninyo ha!"


"O hindi ka nanaman papasok nyan. Di bale, kami na ang bahala sa mga notes mo."


"Salamat, malaki talaga ang tulong ninyo sa akin, mga buddies."



Sinabayan nila akong kumain ng hapunan. Maaga akong nakatulog. Hindi ko na kailangan ng alak dahil may mga kasama ako ngayon. Katabi ko rin si Leeah sa pagtulog kahit sa ospital.



May benda pa ang paa ko dahil sa bubog na natapakan ko. Wala akong magawa kundi hayaan si Lee na bumuhat sa akin. Minsan ay si Simeon kapag wala si Lee. Kapag nandiyan silang pareho, gusto kong itusok ang dextrose sa kanilang dalawa dahil asal-teenager sila . Mga papansin lang, ako ang madidisgrasya sa ginagawa nila.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon