3RD PERSON'S POV
Sumeryoso si Ava sa pag-aaral sa kanyang ikatlong taon sa akademya. Bantay-sarado siya ni Senior Intructor Roman Espiritu para sa kanyang binatang si Simeon Espiritu. Bantay-salakay naman si Lee sa kanya ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya pinahintulutan ang lalaki.
Para silang nagbabanggaang tipak ng higanteng bato na pilit pinipigilan ni Bernardo Carpio. Nagkakasakitan sila tuwing nagkakasukatan ng kani-kanilang mga lakas. Sori na lang kapag napuruhan si Prof. Lorenzo ng isang solidong suntok mula sa kaliwang kamao ni Ava at sipa mula sa kanyang judo skills. Kiss lang naman ang pamatay na armas ng lalaki.
Hindi niya maiwasang maging professor si Lee kaya pikit-mata niyang tinanggap ang mga subjects na iyon. Tuwing mali-late siya, hindi na siya nagpapasindak sa propesor kaya pinag-iinitan siya ng mga kaklase niyang babae. Hinid kasi siya mapilit na mag-push up.
"Bakit ba ganyan siya kay Prof. Lorenzo? May past ba sila?" Dinig na dinig ni Ava ang comment ng kaklase. Si Elsa Ramirez iyon, first year pa lang ay aminado siyang crush niya si Prof. Lorenzo. Kaya galit na galit din siya kay Ava .
"Hoy, kung crush mo si Sir, e di ikaw na... Huwag mo akong pinakikialaman."
"Wala ka kasing galang sa professor natin."
"E di ikaw na...I salute you...." Sinaluduhan niya ang babae.
"Bitter ka ba sa kanya?'
"Ako ba talaga, hindi mo tatantanan... Mistress niya ako , may angal ka!" Sinipa pa niya ang upuan ng kaklase. Talagang walang urungan ito. Dinig na dinig ng mga kaklase ni Ava ang sinabi niya na mistress siya ng kanilang professor kahit joke lang naman iyon. Nakarating iyon sa administration kaya ipinatawag si Ava,ang babaeng kaaway niya at si Professor Lorenzo.
"Sorry Sir joke ko lang po kasi iyon. Ito kasing mahaderang ito hindi ako tigilan. Superhero ka ba? Huwag kang magpulis. Mag-abogado ka na lang para kay Sir Lee. Halatang halata ka na may gusto ka sa kanya."
"Miss Ava..."
"PO! "
"Puwede ba, tumigil ka nga muna sa pagsasalita. Nakukuriri ang tenga ko sa iyo!" Si Sgt. Raul Escudero, Discipline Officer ng academy.
"Kasi Sir...."
"Kasi.. kasi...Kasi... kasi tumigil ka muna! Itikom mo ang iyong bibig" Pinandilatan na rin siya ni Lee ng mata.
"Ikaw naman , ano bang problema mo?" Kay Elsa naman siya humarap.
"Kasi po madalas siyang ma-late pero hindi siya nagpu-push up..."
"Di ba nga, mistress niya ako . Kung pinag-push up niya ako , out side the kulambo siya, gets mo!" Sigaw ni Ava. Joke lang pero nagawa pa rin niyang mag-joke ng seryosong bagay.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...