EUREKA!

108 2 0
                                    

LEE'S POV



Hindi ko inaasahan ang araw na iyon. Pababa ako ng hagdan ng hindi ako mapansin nina Gaspar at Ivan. Mukhang galing sila ng presinto. Ismarte sila sa uniporme nilang suot at hawak ang kanilang mga cap. May makapal na folder silang dala. Wala silang lingon – likod. Dire-diretso sila sa loob ng library. Kitang kita ko si Papa. Tiningnan ang kaliwa't kanan ng lugar bago isara ang pinto. Hmm, napaiisip tuloy ako. Kailan pa sila nagpupunta dito ng ganitong oras? At bakit? Para saan? Hindi na nila trabaho ang magreport kay Papa unless may lihim na ipinapatrabaho sa kanila.



Pinindot ko ang numero ni Kuya Ice.



"Kuya, kita tayo sa Club Roman mamaya. Classified." Ganoon din ang sinabi ko kay Jude. Pareho sila ng tanong sa kabilang linya sa magkahiwalay na tawag ko sa kanila.


"BAKITTT!" Nandoon ang pag-aalala. Alam nila ang ibig kong sabihin. Pareho silang pumayag makipagkita sa akin pagkatapos ng trabaho. Inalis ko muna ang alalahanin ng magkita kami ni Ava sa bahay niya.



Late na daw siyang pumasok dahil sumama ang kanyang pakiramdam.



"Baka naman buntis ka na." Bulong ko habang nakayakap sa kanya at naglalagay ng belt. "Ava, baka puwede namang mag-round one tayo." Gusto ko sanang masundan na namin si Leeah. Sayang nga lang at nakunan siya noon at medyo matagal na rin iyon.


"Lee, ano ba?"


"Sige na...Saglit lang naman tayo eh." Talagang hindi ko na mapigilan ang pagnanasang ito. Mas gusto kong nasa mansion na lang si Ava para hindi na ako pupunta pa dito sa bahay niya.


"Lee, may trabaho tayo. Hindi ka ba papasok sa academy? Late ka na." Itinulak niya ako pero nahawakan ko siya sa balakang. Itinaas ko ang kamay ni Ava tulad ng mga nasusukol namin dati na mga criminal at itinumba siya sa kama.


"Saglit lang tayo sabi eh. Bakit ba pinahihirapan mo pa ako?"


"Alam mo, adik ka din eh. May pagka-maniac pa."


"Kasi naman, dito na lang ako uuwi."


"Hindi nga puwede di ba? Atsaka huwag mong makakasanayang umaalis ng mansion ng kalagitnaan ng gabi ha! Kapag nalaman ni Mama na dito ka natutulog lalo na akong hindi makakapasok sa mansion."



Ibinaba ni Ava ang kanyang blue pants at ibinaba ang zipper ng aking maong at inilislis sa bandang puwetan. Inilabas niya ang aking tigas na tigas na alaga at itinusok niya ng kusa sa kanyang alaga kahit hindi pa ito gaanong basa. Ilang saglit lang... nakakatatlong taas-baba pa lang siya at naramdaman ko na ang kakaibang sarap . Nagpaikot-ikot pa siya sa ibabaw at lalo akong nasarapan. Upong –upo si Ava sa ibabaw habang nakabukaka na tila ba ikinikiskis ang labi ng kanyang alaga sa dalawa kong itlog. Anak ng... mapapamura ako sa sarap at tiyak na makakatawag ako ng santo sa sobrang sarap na romansang ginawa niya.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon