JAZZY'S POV
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Anglakas ng instinct ni Papa, akalain mong hindi siya nagkamali sa kanyang hinala. Inatake na naman si Ava ng kanyang mga so called hired killers. Nakakatakot! Hindi na siya tinantanan ng trahedya. Hindi lang simpleng aksidente, talagang buhay ang kinukuha sa kanya.
Bakit ba gusto siyang ipapatay? May nagawa ba siyang atraso sa kung sino at kailangan siyang patahimikin? May kasalanan ba siya?
Gusto lang niyang magbagong buhay gamit ang bagong mukha at bagong pagkakakikilanlan pero sino ang makapagsasabing hidni pala siya ligtas sa kahit na anong karahasan.
Naging alerto kami ni Mama. Naging mapagmatyag kahit nag-aalala kami kay Kuya Lee. Kasama namin siya ni Leeah. Pasimple siyang nagpapahid ng luha habang nakikinig sa seremonya.
Hindi ko pa naikuwento na ganyan din noon si Ava ng ikasal siya kay Eve. Hinawakan siya ni Leeah.
"Daddy, don't cry..." Hindi niya naiintindihan na ang pagpapakasal ni Ava ay hudyat ng pagkakalayo nilang mag- ina sa kanyang tunay na ina. Hinila niya ang barong ni Kuya pero hindi siya pinansin ng kanyang ama.
"Leeah, sit beside me and be quiet."
Hindi rin mapakali si Papa sa kanilang upuan. May micro-ear reporter siya at naririnig ang anumang usapan mula sa mga pulis na mayroon nito. Ina-update siya kung ano ang nangyayari sa labas, kung wala bang kahina-hinalang kilos na ikakapahamak ni Ava...lalo na ni Ava.
Nakita ko sa paligid ang kagalakan na makita ang pag-iisang dibdib nina Ava at Simeon. Kami-kami lang nina Kuya, nina Mama at Papa ang hindi pabor sa pangyayari ngunit sino ba naman kami para pigilan si Ava upang lumigaya sa lalaking tulad ni Simeon.
Ako ang dating inirereto ni Sgt. Espiritu kay kay Simeon. Isang taon lang ang tanda ko sa kanya. Pero hindi kasi si Simeon ang tipo kong lalaki. Kaya binu-bully siya ni Kuya Lee kapag lumalapit sa akin. Nakalakhan na nilang dalawa ang alitan na iyon nang dahil lang sa akin. Palibhasa ay nayayabangan din si Kuya Lee kay Simeon kaya hayun, pati yata si Ava ay pinagawayan nila. Balita ko nga , nagkatutukan pa isla ng baril sa Firing Range ng academy.
Nabigla na lang ako ng sabihin nina Papa at Mama na ikakasal na sina Ava at Simeon.
"Akala ko ba sa susunod na taon pa?"
"Hindi ko alam kung sino ang nagmamadali? Si Simeon ba o si Roman?" Natatawang sabi ni Papa.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...