JUSTICE' POV
Nagulat kami ng isama ni Lee si Eve sa pagsisimba. Magiliw naman ang dalaga ngunit palagi siyang nakadikit at nakakapit kay Lee. Hindi niya pinapansin si Leeah. Binati naman niya kami pero parang plastic ang dating pagdating sa bata. Hindi rin mapigilan ni Jazzy na hindi bumulong sa amin ni Lemuela.
"Mama, bakit siya isinama ni Kuya?"
"Itikom mo na nga lang ang bibig mo, Jazzy."
'Yes, Mama. "
"Hawakan mong mabuti si Leeah at baka mawala sa simabahan. Madami pa namang magsisimba ngayon."
"Opo."
Mukhang busy talaga si Eve dahil kahit sa loob ng simbahan ay hindi niya naiwasang hindi sagutin ang tawag. Matagal siyang bumalik pero hindi siya hinanap ni Lee. Hawak kasi niya noon si Leeah. Hindi rin siya nagtagal sa salu-salo at hindi na siya nakilala ng iba pang kapatid ni Lee. Iyon na sana ang pagkakataon upang pormal siyang makilala ng mga ito. Willing naman silang tanggapin si Eve ngunit may emergency daw. Pinagbulungan tuloy siya ng magkakapatid at maging ng aking mga manugang. Close silang magkakapatid kaya close din ang aking mga manugang lalo na si Xity at Shandy.
Nagulat kami ng dumating si Ava. Si Leeah ang mas natuwa sa kanyang pagdating. Nahiwagaan din ang aking mga anak at maging ang aking mga manugang.
"Papa, mukhang angsaya-saya ni Lee kay Ava." Sabi ni Shandy.
Naalala ko noon, naibilhan ko din si Lemuela ng damit ng madalas ko siyang papuntahin sa kuwarto ko at nagkakasukatan kami ng katawan. OO, nakakapagtaka nga naman.
Tinabihan ko si Lemuela. Kinuha ko ang kanyang kamay at kontento siyang pinanunood ang mag-ina habang walang kaalam-alam si Leeah na ang kalaro niya ay walang iba kundi ang kanyang tunay na ina.
"Papa, tingnan mo si Danica. She is taking the advantage na hindi siya nakikilala nina Lee at Jazzy..."
"Nakakaawa, Lemuela. Kailangan pa niyang magbalat-kayo para lang makalapit sa bata. Kailangan pa niyang burahin ang tunay niyang katauhan para magkaroon ng bagong buhay. Mag-isa lang siya ngayon at tiyak malungkot iyon.
Pasubaybayan natin siya kay Gaspar"
"Alamin natin kung saan siya nakatira.Kung anong estado niya ngayon."
"Kasasabi lang ni Jazzy na mukhang may balak na yatang magpakasal nina Lee at Eve. Ano ang gagawin natin?"
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...