LEE'S POV
Naging matamlay ang relasyon namin ni Eve simula ng malaman kong tunay kong anak si Leeah. Hindi kami madalas makalabas dahil alam kong busy din siya sa kanyang clinic. Sweet at malalahanin si Eve. Kapag nakakalimot akong tumawag sa kanya, palagi siyang tumatawag sa akin. Palaging nagpapaala na kumain na . Palaging tinatanong kung nasaan ako, kung kumain na ba ako , kung okay lang ba ako sa araw na iyon at kumusta sa trabaho ko. Masaya pero parang kulang. Sana, si Danica ang ganoon sa akin. Siya ang gusto kong nagtatanong sa akin ng mga ganoon.
Sinubukan kong maging malapit sina Eve at Leeah kaya naisip kong isama siya sa mansion . Nang Sabadong iyon, niyaya ko ang aking klase sa mansion para sa aming team building dahil malawak ang aming bakuran. May obstacle course kasi kami sa bakanteng lote na iyon. Inimbitahan ko rin si Eve para makilala ang mga estudyante ko. Napuno ng kantyawan sa likod ng mansion. Kinantyawan pa ako ng isang halik, mabuti at game naman itong si Eve.
Kompleto ang lahat. Nandoon din ang paborito kong estudyante. Masama ang kanyang titig sa akin. Napabuntunghininga ako at napatingin sa akin si Eve.
"Bakit?"
"Wala naman. Sige ihahatid ko na kayo ni Leeah sa mansion. Doon muna kayo habang isinasagawa namin ang training nila. Stay here for tonight, para mas masolo kita. " Bulong ko sa kanya pero wala lang. Kunwari ko lang iyon. Kitang kita ko ang sama ng tingin ni Miss Maganda sa akin.
Sa loob ng mansion, naghihintay si Mama habang may kausap si Papa. Lumapit siya sa akin.
"Okay na ba ang mga estudyante mo? "
"Dito na po muna sina Eve at Leeah. Mainit sa labas eh. Eve, baka gusto ninyong maligo ni Leeah...."
"Well just stay here, Honey."
"Just in case, baka mainip ka."
"We'll see..."
"Okay ka lang ba Iha. You can take a rest for a while at ako muna ang bahala kay Leeah. Margaret, pakisamahan muna si Doktora sa Master's bedroom. " Hindi na ako umimik. Hinayaan ko siyang umakyat at iniwan kami ni Leeah.
"Better think about it , Lee. " Umiling si Mama.
Pagbalik ko sa training ground, nakita kong nagwa-warm up na ang mga estudyante ko. Namumula na ang pisngi ni Ava. Nag-time out siya at naglagay na sunblock sa kanyang mukha. Nang makita siya ni Jazzy, sinigawan siya nito.
"Hoy, hindi ka nagpunta sa swimming, Miss para mag-sunblock." Sabi ni Jazzy.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Misteri / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...