AVA'S POV
Bigla akong natigilan. Hindi ako makapagsalita. Hinahalikan pa rin niya ako. Sawa na rin ako sa mga nakaw na sandali...tulad ng mga sandaling ito. Gusto ko ng isang pagsasamang may basbas ng Diyos, kinikilala ng simbahan sa harap ng maraming tao lalo na nang mga taong mahal namin at malapit sa amin.
"Huwag kang mag-alala, magbasbas tayo galing kina Mama at Papa." Hindi basbas nila ang gusto ko.
Itinulak ko si Lee at tuluyan akong nawala sa mood. Nakakainsulto di ba? Parang okay lang sa kanya ang lahat. Hindi iyon ang normal na pagsasamang gusto ko. "Magagalit ka nanaman? Bakit ba sa tuwi ko na lang babanggitin sa iyo na pakakasalan kita lagi ka ring nagagalit ?" Tinalikuran ko siya. Papasok sana ako sa loob ng banyo para mag-shower at makapagbihis na rin. Iniisip kong baka gising na si Leeah. "Harapin mo nga ako... Huwag mo akong tinatalikuran. Sabihin mo sa akin ang totoo." Halos mabingi ako sa sigaw niya sa akin. Ramdam kong galit siya. Ayoko sanang magalit siya pero hindi ko masabing hindi okay sa akin ang mga kondisyon niya
"Magpakasal kang mag-isa kung gusto mo...." Sabi ko sa kanya. Lalo kong nakita ang galit sa mukha niya kahit lampshade lang ang bukas.
"Avaaaa!" Hinila niya ang braso ko.
"Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo, Lee. Paano mo ako magagawang pakasalan , aber?"
"Bakit ba hindi ka sa akin naniniwala?"
"Tigilan mo muna ako, puwede ba? Pagod ka lang. Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang mga bagay-bagay.
"Gusto ko ngang magsama na tayo. Masama ba iyon? Iyon din naman ang gusto mo di ba?" Pinilit niya akong yakapin. Inaamo niya ako para lang pumayag ako. "Please naman, Ava. Don't make things hard for me..."
Yes, but he is making things hard for me. Hindi na niya naisip ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin. Kilala ang pamilya nila at wala ni isa sa pamilya nila ang dumungis sa pangalan nila. Ni walang tiwali sa kanilang trabaho at lalong walang immoral ang namumuhay sa kanila. Siya lang siguro ang kauna-unahan. Ako ang mas nahihiya. Tumulo na ang luha ko. Pilit akong niyakap ni Lee.
"Ava, please...make up your mind, honey...Please..." Lumuhod siya sa harapan ko. Kahit naaawa ako, hindi ako sang-ayon sa gusto niya.
Kinuha ni Lee ang mga papeles...
"Heto, para maniwala ka...I planned of this long time ago..." Tinapig ko ang kamay niya.
"I don't care how you planned it. As long as I know and you know that Eve is there... you're marriage can not be void. Ilayo mo nga sa akin 'yan. " Sarap isampal sa mukha niya ang mga papel na iyon.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...