JUSTICE' POV
Inabangan ko talaga si Lee. Late na late na siyang umuwi. Nakainom siya. Medyo susuray-suray na ang lakad niya sa hardin namin ng silipin ko siya sa bintana.
"AAAaahhhh! Danica!..." Dinig na dinig kong sabi niya sa kanyang kalasingan ngunit ng makita ako ay umayos ng tayo. Sumaludo pa ang loko.
"Salute! Good evening , General. Pasensiya na , Papa. Nagkainuman lang kami nina Kuya at Jude."
"Bakit biglang-bigla kang nagyaya ng inuman? Hindi mo man lang ako isinama sa lakad ninyo. "
"Pasensiya na Papa. Baka tayo pagalitan ni Mama" OO kasi noong minsan na isama nila ako sa Club Roman ay galit na galit si Mama. Tinuturuan daw kami ni Papa na dumayo ng inom sa lugar na iyon.
"Parang ako lang ang umiinom doon eh ikaw nga din. Nagpakalasing ka doon dahil sa akin." Sabi ko pa. "Justice, huwag mo ngang inuungkat ang nakaraan sa harap ng mga anak mo." Sabay tawanan pa kami.
Inakbayan ko siya.
"Ano bang problema natin?"
"Papa, galit ba sa akin si Mama? "
"Hindi galit ang mama mo. Nabigla lang iyon. Kailan ka ba mag-aasawa?"
"Papa, hindi pa naman po ngayon."
"Seryoso ka na ba kay Eve?" Bigla siyang huminto. Naalala niya ang babaeng iyon sa Club Roman. "Lee, kapag ganyang hindi ka makasagot, ibig sabihin, hindi ka pa sigurado sa kanya. If the reason is not as clear as your mind then better make up your mind right now. Don't play like a teenager."
"Papa, pinarurusahan ba ako ng Diyos?"
"Ano naman ang kinalaman ng Diyos sa nangyayari sa buhay mo?"
"Iniisip ko lang po na baka pinarurusahan niya ako kasi pinili ko kayong makasama kaysa maglingkod sa kanya."
"Alam mo, kung kailan ka tumanda ng ganyan... Hala, magsimba ka nga bukas. Isama mo si Leeah, hindi 'yong kung anu-ano ang sinasabi mo dyan. Hindi ka na kinilabutan sa sinabi mo. Pati ang Diyos sinisisi mo."
"Sorry, Lord."
"Umakyat ka na at baka pagod ka na."
Umakyat na rin ako sa kuwarto namin ni Lemuela. Hindi pa siya natutulog. Nakatingin na naman siya sa gate. Hinalikan ko siya sa leeg. Niyakap ko siya habang nakaback-hug ako sa kanya.
"Sweetheart, tulog na tayo. Bakit ka ba nandiyan sa bintana?" Tinatanaw na naman niya ang gate.
"Justice, iniisip ko lang na baka may nanunubok sa gate natin tuwing gabi . Baka sumisilip ang mama ni Leeah."
"Lemuela...ang aking secret agent...private investigator ka na rin ba?"
"Let's hire an investigator."
"Para saan?"
"Ipahanap natin si Madame Whitney at Butler Drexel."
"Your wish is my command." Parang napatalon sa tuwa ang asawa ko. Paharap siyang yumakap sa akin at saka ako hinalikan. Binuhat ko siya at hindi umangal. Sa sopa na lang kami dahil baka maistorbo si Leeah .
Parang gusto ko na ring maniwala kay Lemuela. Binabalewala ko kasi ang mga sinasabi niya. Minsan, hindi ko na lang siya pinapatulan dahil baka mag-away lang kami. Dito lang kasi siya sa bahay at palaging si Leeah ang kasama.
Nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi malaman ni Lemuela kung paano magbibihis. Nagmadali akong nagsuot ng pantalon. Sino ba ang istorbong ito? Nagmadali akong nagsuot ng damit. Humiga na lang si Lemuela sa sopa at nagkunwaring natutulog.
"Hmmm, bakit?"
"Papa, kukunin ko na lang si Leeah. Baka umiyak bukas kapag hindi sa akin gumising."
"Mabuti pa nga..."
"Good night... Papa, baliktad ang damit ninyo." Sabay kindat ko sa kanya.
"Istorbo ka kasi."
"Sabi ko nga... Good night."
Natawa na lang ako kay Lee. Nabisto tuloy ako.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...