OHANA

133 7 0
                                    

AVA'S POV



Hindi ko pala kayang ipaubaya si Lee sa iba. Nagpunta ako sa simbahan kung saan siya ikakasal ng umagang iyon. Lihim akong nagmasid habang nakikita ko ang kawalang pag-asa sa magiging kinabukasan namin ni Leeah. Alam kong hindi siya tanggap ni Eve. Pero balak naman ni Mama Lemuela na manatili na lang si Leeah sa pangangalaga nila.



Hindi ba talaga kami para sa isa't isa ni Lee?



Noong bigyan ako ng pangalawang buhay at mabuo sa sinapupunan ko si Leeah, inisip kong kami talaga ni Lee ang tinadhana sa isa't isa ngunit anong biro ito? Isang masakit na biro.



Iiwan na niya ako at mangangako sa altar, sa mga tao at sa harap ng Diyos, higit sa lahat na mamahalin niya ang babaeng katabi niya ngayon sa hirap at ginhawa, sa kalusugan at karamdaman hanggang sa paghiwalayin sila ng kamatayan. Paano na ako?



Tama lang ito. Ano bang iniiiyak-iyak ko? Hindi siya magiging sagabal sa mga plano ko.



Napaiyak talaga ako . Hindi ko kaya. Sana nga ay hindi ko na sinubukang magpunta pa dito. Para akong muling namatay sa nangyari. Nasa 2nd Floor ako ng simbahan. Nandoon ang choir. Nakaupo ako sa may hagdan at umiiyak. Hindi ko napansin si Jazzy.



Nilapitan niya ako. Iyak ako ng iyak. Hindi ko alam kumbakit niya ako pinuntahan. Hinawakan niya ang kamay ko.



"Best, di ba ito sana ang gusto mo... Ito sana ang matagal mo nang pangarap. Ikasal kay Kuya." Pinahid niya ang luha ko.


"Hindi ko alam Best na ikaw pala talaga iyan." Tinitigan niya ang aking mga mata. "BUhay ka nga... Buhay ka nga..."


"Jazzy..." Niyakap niya ako ng mahigpit. Nakikiluksa siya sa kabiguan ko dahil alam niyang masakit sa kalooban ko ang nakikita kong pagpapakasal ni Lee.



Akala ko , wala nang makakapansin sa akin. Mukhang nakita pa ako ni Mama Lemuela.



"Danica..."


'Jazzy" Humagulgol ako sa sobrang tuwa. niyakap ko siya ng mahigpit. "Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit ngayon mo lang sinabi?


"Jazzy, it's better this way..."


"I know Kuya loves you very much." Ipinakita ko sa kanya ang singsing na isinuot sa akin ni Lee ng gabing magkita kami.


"Ibinigay ito sa akin ni Lee at nangako siya. Magtitiwala ako...Ava loves Lee so as Danica does..." Lalo akong napahagulgol. Minabuti ko na ring umalis kaagad. Hindi ko kakayanin. Baka mamaya ay bigla pa akong mag-iskandalo. Nakakahiya.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon