LEE'S POV
Inabot kami ng isang buwan sa pagbabakasyon. Hindi na ako binigyan ng summer class dahil nag-leave na rin ako. Enrollment na naman at makikita ko na ulit si Ava. Natanggap ko ang mga tawag nina Jino at Jhopet habang nasa ibang bansa kami.
Tinanggap ko ang overseas call na iyon pagkatapos naming magniig ni Eve sa kama.
"O, Jino... bakit ngayon ka lang tumawag?"
"Sir, nagbakasyon din po kasi ako eh."
"Kumusta ang pinapa-follow up ko sa inyo?"
"Hayun, Sir... naku parang sinugod ng mga magnanakaw ang bahay ni Ava Baby."
"Umayos ka ngaaa!"
"Sir, Yes, Sir...Pagpunta po namin doon, eh lasing na lasing si Ava. Mahilig pala siyang magputing long sleeves. No bra at all pero in red panty... "Sobra naman ang pagkadetalye ng report ng mga ito, lalo tuloy akong nainis. Loko 'tong mga ito... Nag-init ang pakiramdam ko sa balitang iyon.
"Sir, basag 'yong tv ni Ava kasi binato niya ng bote. Grabeng uminom si Ava. Dami ng basyo ng bote sa kusina niya. Mukhang hindi niya pinapapunta doon 'yong sinasabi ninyong Valerie... Wala po kaming nakikitang sampaguita girl doon sa kalapit ng simbahan sa kanila."
"Tapos..."
"Sir, nakita namin siyang nagpupunta sa Club Roman..."
"Ah, ganoon ba? O sige, salamat."
Kalalapag lang ng eroplano namin sa paliparan. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit paano ay nag-survive ako na hindi nakikita si Ava. Pero sa larawan ni Danica sa wallet ko, makaka-survive na ako. Excited akong makita siya dahil may pasalubong ako sa kanya.
"Daan tayo sa mansion."
"Ikaw na lang kaya ang magdala ng pasalubong natin kina Mama at Papa."
"Sumama ka para wala silang masabi."
"Alam mo, matagal ko nang alam na ayaw sa akin ng mama at papa mo kaya kung ayaw nila sa akin e di huwag nila. Kawalan ko ba iyon. I can not please everybody."
"Sino ba si Danica in the first place? Isa lang ang Danica na kinainisan ko buong buhay ko at hanggang ngayon ay hinding hindi ko magugustuhan. Buti nga at patay na siya eh." Nabigla ako sa sinabi niya. "Kilala mo ba 'yong rape victim dati... si Danica Bridge Mayers... Iyon ang Danica na kinaiinisan ko talaga!" Bad vibes talaga ang masasagap ko kapag si Eve na ang nagsalita. At bakit naman kaya niya kinaiinisan si Danica? Didiretso na lang daw siya pag-uwi. Pagod na siya at ayaw niyang makipagkuwentuhan pa. "Umuwi ka nang maaga ha!" Hinawakan na naman niya ako sa baba. Nakakainis talaga ito!
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Misterio / SuspensoHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...