EYE OF THE TIGER

110 3 2
                                    

JAZZY'S POV



Lalo kaming nawalan ng oras ni Ava para mag-bonding ngunit sa presinto kami nagkikita at nagkakasama. Madalas pa rin siyang pumunta sa mansion para dalawin si Leeah. Minsan naman ay natutulog siya sa amin para makasama pa rin si Leeah during weekends. Halos 100m to 200m away na siya kay Kuya Lee. Para kasi silang magnet ni Kuya. Alam ko kahit sa ganoong kalayo, may spark ang mga tinginan nila sa isa't isa. Pinigilang kumawala at itinatago at kinikimkim na lang sa kani-kanilang mga sarili.



Madalas maging sibil silang mag-usap tungkol sa mga school matters ni Leeah. Kapag may parent's conference o kuhanan ng card, salitan sila sa obligasyon nila kay Leeah. Off-limits na magsama sila dahil alam ng madla na may asawa si Kuya. Alam ng school na anak ni Kuya si Leeah by Baptism dahil lumalabas na adopted siya pero syiempre alam namin ang kuwento niya. Sayang, bakit ba kailangan pa nilang magkalayo at sapitin ang ganito ka – komplikadong relasyon. Well, hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Sana pareho silang natuto sa kani-kanilang pinagdaanan sa buhay.



Nasa kantin kami ng umagang iyon ni Ava. Kumakain kami ng almusal. Kagagaling ko lang sa operation, panggabi kasi ang shift ko. Nadatnniya kao sa presinto kaya sinamahan ko si Ava na mag-almusal.



"Friend, halika, almusal muna tayo."


"Mabuti pa nga para pag-uwi ko, tutulog na lang ako."


"Kumusta ang operayon" Tukhang " ninyo."


"Grabe, mahirap kapag panggabi. " Nag-stretching muna ako. Kung sa bahay iyon, tiyak na pinagalitan na ako ni Papa. Bawal na bawal iyon sa amin.


"Sa tingin mo, magiging matagumpay ba ang president sa kampanya niya na magiging drug-free country tayo in 100-days?"



Masyadong talamak ang patayan ngayon. May iba akong kasamahang pulis na talagang malalaas ang loob nila para itumba ng harap-harpaan ang mga pipitsuging drug users. May ibang vigilante ang naglipana ngayon upang pumatay. Anglakas nga ng loob nila eh. Akala mo kung sinong makapanghusga. Para bang binigyan sila ng karapatang pumatay at linisin ang mga masasama sa sarili nilang paraan. May iba na mismong ipinapapatay ng kanilang samahan , ng kanilang boss o ng mismong drug lord para hindi na maikanta kung sino ang mas nakatataas sa kanila. Iba na ang takbo ng buhay. Pati media, pinasasama ang imahe ng mga pulis pero aminado ako na may pulis talagang handang pumatay para lang mabawasan ang salot sa lipunan.



Magiging matagumpay ang isang plano kung hindi mo hahayaang mawasak ang pamilya. Kung buo ang pamilya ng mga batang biktima o kung may trabaho lang ang bawat ama at ina ng tahanan para suportahan ang kanilang pamilya, walang kakapit sa patalim upang magbenta ng droga. Walang kabataan ang gagamit nito dahil hindi nila poproblemahin ang kanilang pamilya. Mananatili sila sa loob ng kanilang tahanan kung lahat sila ay nagmamahalan.



Malakas daw ang bentahan ng droga. Kahit kanino puwede mong ibenta. Talo – talo na, basta ang mahalaga , magkaroon ng pera. Hindi maganda.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon