THE FUGITIVES

137 9 0
                                    

AVA'S POV



Hindi ko alam kung bakit kailangan kong masaktan. Sabi ko naman, tama lang na maghanap na talaga siya ng bagong mamahalin at ng babaeng magiging ina ni Leeah.



Nagulat ako sa announcement ni Eve. Magpapakasal na sila. I should know... all the while I was really hoping na totoong ibi-break na ni Lee si Eve pero why should I expect. Nababaliw na rin ba ako? Nakalimutan ko na rin ba ang paghihiganti dahil lang kay Leeah? Bakit parang gusto ko na siyang kunin? Bakit parang gusto ko nang mabuo ang aming pamilya?



Mahirap ngayon ang sitwasyon namin. Why did I jump into this kind of illicit love affair with Lee Lorenzo kung alam ko namang sa bandang huli ay talo ako? Pero ganoon talaga. Hindi naman lahat ng tao ay nananalo pagdating sa pag-ibig. Minsan, may talunan at luhaan. Natural lang na makaranas ng kabiguan.



Syiempre, nasaktan ako. Grabeh ang sakit! I enjoyed each time Lee is with me. Even those nights when he has to come a spend some nights with me. We would even eat and watch movie together. Hindi ba niya nahahalata na ako si Danica o hindi lang niya mapaniwalaan ang puso niya?



Nawalan ako ng ganang pumasok. Naka-absent ako ng dalawang linggo. Malapit pa naman na ang finals. Next year third year na ako. Pagpasok ko, katakut-takot na sermon ang inabot ko kay Sgt. Espiritu. Hindi daw niya ini-expect na magpapabaya ako sa klase ko.



"Tama, ganyan nga, Sargent. Pagalitan ninyo para matuto." Sulsol pa ni Sgt. Lorenzo habang sinisermunan ako ng nakatatandang police.


"Ikaw, Prof. Lorenzo, tantanan mo itong alaga ko. Irereto ko siya sa anak ko. Manahimik ka at malapit ka ng ikasal. Anghilig ko sa mas bata sa iyo."


"Huh, Prof naman...ano bang sinasabi ninyo? Sino naman sa mga anak ninyo ang magugustuhan ni Miss Ava?"


"Hoy, huwag kang masyadong GGSS...Hindi lang ikaw ang pogi dito. Madami pa at mas deserving kay Miss Ava."


"Tssss! Ewan... di sige, magreto kayo kahit sampu pa...Wish ko lang makapili siya kahit isa."



Tinalikuran na kami ni Lee. Fourth year student na pala ang anak ni Sgt. Espiritu... si Simeon Espiritu... running for cumlaude ang guwapong anak ni Sgt. Espiritu. Kaya pala masyado rin siyang mabait sa akin. Iyon pala ang balak niya.



Hinabol ko lahat ang requirement ko sa mga subject dahil sa dalawang linggo kong pag-absent. Kahit hindi ko na i-comply ang requirement kay Lee, halik lang ay puwede na. Syiempre, nakiusap na lang ako kay Prof. Roman Espiritu... tutal gusto naman yata niya akong maging manugang.



Biyernes ng araw na iyon. Napagod ako sa mga ginawa kong research para lang makapagpasa sa mga professors namin. Inexercise ko ang aking mga daliri. Mabuti at tinulungan ako ni Jino at jhopet. Nasa loob na ako ng kotse at bigla akong napabuntunghininga. Nahulog masyado ang loob ko kay Lee ng ganoon kadali. Habang nagpapahinga ako sa loob at bago ko buksan ang makina, nagulat ako ng kumatok siya sa lugar ko. Nagbaba ako ng bintana ngunit binuksan niya ang pinto at pinababa ako. Hinila ako ni Lee at ipinasok sa kanyang kotse. Tinted black ang gamit niya.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon