NO DIRECTION

193 10 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Matapos ang pagpupursigi ni Lee sa paghahanap ng hustisya para kay Danica, lalong naging mailap ang pagkakataon upang patunayan sa korte na nagkasala nga ang grupo. Ilang beses na palpak ang kanilang operasyon. Nakailang tawag na rin ang akademya sa kanya at pinababalik na siya para magturo.



Ibinagsak ni Lee ang kanyang folder. Napayuko siya sa lamesang nakapuwesto sa gitna ng opisina.



"Gaspar, mukhang mahina na ang lead natin sa imbestigasyong ito. " Sabi ni Lee.


"Nakakaisang taon pa lang tayo para mawalan ka kaagad ng pag-asa."


"Bakit kahit anong gawin natin parang sinasabotahe ang tropa natin?" Si Mike naman ang nagsalita. Umuusok ang ilong sa galit at pagkapikon. Ipinatong ang itim na cap.


"Masyadong malakas ang mga kalaban natin. Na-penetrate na rin nila ang iba nating mga kasamahan. Mukhang pinagkakaisahan nila tayo." Sabi naman ni Sgt. Ivan Gomez at iniabot ang maliliit na cup ng kape sa kanyang mga kasama.


"Nahalata mo rin ba?" Sabi ni Gaspar.


"Magpapalamig muna ako sa akademya. Babalik na muna ako sa pagtuturo..." Nagsindi ng sigarilyo si Lee.


"Huh, kaialn ka pa natutong manigarilyo."


"Nininerbyos lang."


"Masama 'yan sa kalusugan , Sarge. Huwag ganyan. Alam mo kahit anong problema natin, lagi mo kaming sinasabihan na lahat ay may solusyon. Sinasabi ko din sa iyo, lahat ay may solusyon. Maaaring hindi ngayon. Maaaring inaalat tayo ngayon kahit maging sa lead pati sa mga assets natin pero tandaan mo, bilog ang mundo . Weder weder lang. Hindi sila mananatiling nagtatago. Hindi nila maitatago kailanman ang katotohanan.Mananagot ang mga may kasalanan. Tandaan mo 'yan..."


"Gaspar, ganito pala ang pakiramdam ng namatayan. Si Danica pa lang nagkaganito na ang buhay ko."


"Kasi pare, first love mo siya. Ni hindi ka nakaranas masaktan dahil masyado kang pihikan. Pero heto, ang pag-ibig ay isang sugal. Kahit hindi ka marunong, natuto ka ring magmahal. Iyon ang importante doon." Sabay tapik ni Gaspar sa likod ni Lee.


"Uwi na tayo. Kailangan din natin ng pahinga." Napangiti na lang si Lee.


"Yan ang gusto ko sa iyo eh, ngumiti ka palagi para mas gumaan ang trabaho natin."


"Salamat, Gaspar..."



Pero iyon ang huling pasok ni Lee... Bukas ay tapos na ang leave na kanyang hiningi sa akademya. Balik turo na naman siya.



Pumasok si Lee sa kotse. Umupo doon ngunit muling tumulo ang kanhang luha. Nakakaisang taon na rin ngunit hindi niya maibigay ang hustisya para sa kanya.



"Wait lang, Danica... Lalabas din ang katotohanan...Makatarungan ang Diyos sa lahat. " Pinahid niya ang luhang iyon sa kanyang mga mata at binagtas ang daan patungo sa kanila.



Isang taon na rin ng mangyari ang malagin na krimen na ioyn na tumapos sa buong mag-anak ng mga Mayers. Isinugod pa si Danica sa opsital, na-comatose ng tatlong linggo ngunit binawian din ng buhay ayon sa medical records nito, brain hemorrhage ang tuluyan nitong ikinamatay at ilang komplikasyon dala ng traumang tinamo nito.



Pero lahat ng iyon ay bahagi lang ng isang malaking palaisipan at hindi tinatanggap nang pamilya Lorenzo. Sino naman ang lolokohin nila eh mga pulis ang mga ito? Matitinong pulis at kilala kung sino ang bulok at hindi.



Paghahandaan niya ang pagdating ng araw ng pagtutuos.


THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon