SIMEON'S POV
Mas naging abala kami sa mga operasyon ng pulisya sa pagsugpo ng laganap na droga sa bansa. Mahigpit ang bilin ng bagong president sa kanyang unang SONA. Binalaan niya ang mga drug dealers at mga pushers na sumuko sa kapulisan. Puspusan ang ginagawa naming pagkatok sa bawat bahay ng mga pinaghihinalaang drug pushers. Bawat baranggay ay may listahan ng pinaghiinalaan at talagang adik sa lugar. Nakakalungkot dahil napakadaming kabataan ang lulong sa masamang bisyo at sa ipinababawal na gamot. Nang minsang umikot kami sa isang baranggay sa Tondo at ipinabatid sa lahat na sumuko na kaysa umabot pa sa kabaong ang usapan. Masyadong matindi at mabigat ang parusa. Hindi pagkabilanggo kundi kamatayan kaagad. Maraming kabataan ang natakot. Talagang halos buong maghapon kami doon. Armado din kami dahil puwedeng magkaroon ng gulo. Mahirap, atleast sigurado kami.
Pero hindi ko kalilimutang kumustahin si Ava na pinagkukuhanan ko ng lakas at inspirasyon ngayon. Tuwing naaalala ko si Ava, lalo akong lumalakas at nagiging inspired sa trabaho.
"Hi, Ava... Kumusta? Kumain ka na ba?"
"Pagud na pagod ako pero dahil nakausap na kita, okay na ako. I miss you. "
"See you when I see you"
Ngayon ako mas nagpakita ng pagiging maalalahanin kay Ava. Dati kasi, medyo awkward pa at palagi niya akong inaasar. Niloloko niya ako na pare-pareho daw bolero ang mga pulis. Hindi ko daw siya madadaan sa mga paglalambing na ganoon. Hindi siya madaling mapapaniwala kaya ang pinagtiyagaan ko talaga siyang ligawan kahit sa cellphone dahil istrikto daw si Ninong Justice at palagi siyang inaaway ni Lee. Gusto ko ngang tanungin kumbakit siya inaaway ni Lee. Kahit sa academy eh masama ang tingin sa akin ni Lee. Partida, kinakapatid ko pa siya tapos pareho pa kaming pulis. Grabe siyang magselos , kung selos bang matatawag iyon.
Mabuti ngayon at mas open na kami sa isa't isa.
Gusto din naman naming makilala ang isa't isa kaya sumang-ayon na ako sa kagustuhan niyang ma-engage siya sa akin pero bigyan pa siya ng dalawang taon para mas makasiguro sa akin. Bigla akong natawa sa sinabi niya.
"Malay ko , baka madami ka na palang niligawan habang estudyante pa lang ako."
"Ava,ibahin mo ako."
"Alam mo, narinig ko na rin 'yan kay Sgt. Lorenzo. Anong pinagkaiba ninyo?"
"Ava, loyal ito. Stick to one. "
"Stick to one o stick to many?"
"Bakit hindi ka naniniwala? May masamang experience ka ba sa mga lalaki dati? Ilan na ba ang naging boyfriend mo?"
"Mmm, let me think... "Sabay bilang pa niya. Mukhang madami na siyang naging boyfriend. "I think, dalawa. Pero madami akong pinaluha at pinaasa. Maraming na-fall at halos nagalit sa akin. Gusto mo bang sumunod sa yapak nila?"
"NO WAY! Hindi ko ugali ang manloko ng babae. Sabi ni Mama, mahalin daw ang mga babae."
"So kaya ka naging mapagmahal at madami kami?"
"Hindi naman niya sinabing mahalin ang lahat ng babae. Ang sabi niya, magmahal ng iisang babae. "
"Sigurado ka..."
"Trust me, Ava. I will not make you cry."
"Sus, baka naman may dumaan lang na seksing babae, limot mo na ako."
"Ava, I love you. Trust me. Love me..."
Napakasaya ko noon ng tanggapin niya ang aking proposal. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan ng ibigay niya ang kanyang daliri sa akin para isuot ko ang singsing na binili ko para sa kanya. Dati, madalas kong makitang may nakasuot na singsing sa daliring iyon ngunit napansin ko na wala na iyon. Hindi ko alam at hindi ko pa siya natatanong kung nasaan ang singsing na iyon. Sa kanya ba iyon o may nagbigay lang sa kanya. Ordinaryong singsing ba iyon o parang engagement ring din?
Pero hindi ko na iyon pinansin. Mas mahalaga sa akin ngayon na tinanggap niya ang alok kong kasal kahit dalawang taon pa iyon.
Magagawa na namin ang mga bagay na normal sa isang relasyon. Makakapamasyal na kami ng walang inaalalang may magagalit sa kanya pag-uwi. Hindi na namin kailangang magtago at maglihim o ubusin ang oras namin sa cellphone. Puwede na kaming kumain sa labas at manuod ng sine at hindi na siya mag-aalalang may guwardiya pagdating sa mansion. Bumalik na rin siya sa dati niyang inuupahan pero mas kinakabahan ako dahil baka siya Balkan ng mga taong gustong pumatay sa kanya.
"Bakit ka pa kasi bumalik dito?"
"Simeon, huwag mo akong alalahanin. Pulis na ako. Subukan lang nila ulit na pasukin nila ako dito..."
Hinalikan ko si Ava. Natawa ako dahil parang nahihiya pa siyang humalik sa akin. Alam kong marunong siyang humalik. It doesn't matter kung nahalikan na siya ng iba o may nakauna na sa akin. Minsan dala ng pagiging mapusok ng mga kabataan, nagkakamali sila ngunit para kay Ava, biyaya si Leeah sa kanya. Nararamdaman kong nanginginig siya kapag nagkakadikit kami ng balat o kapag niyayakap ko siya. Minsan, parang ayaw niyang magpahawak sa akin. Iniiwasan niya ako at di ko alam kung may phobia ba siya? Inuunawa ko na lang atleast nakakahalik naman ako sa kanya kahit hindi niya ako magawang halikan.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Детектив / ТриллерHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...