SAVANA OSBORNE

133 8 0
                                    

DANICA'S POV



Hindi ko inaasahan na nasa Club Roman pala si Lee. Siya lang ang una kong nakita. Of all people na sasalubong sa akin, siya pa ang unang bumungad sa akin.



Hindi ko alam kung paano itatago ang aking nerbiyos. Susko po, bigla niya akong tiningnan. At pareho ng tingin niya noon sa akin na parang may ginawa akong kasalanan.



Sinubukan kong sakyan ang bagong motor na bili ko. Full- motor gear syiempre para safe. Ayokong madisgrasya kapag motor ang dala ko. Napadaan lang ako doon dahil kinakabahan ako. Gusto kong uminom. Nagpabili din ako ng Black Mustang na puwede kong gamitin tuwing papasok ako. Napadaan lang ako doon.



Bakit sila nagpunta ng Club Roman? Sabi ni Roy, sina Just ice at Jude lang ang madalas uminom dito at dati si Tito Justice at si Sgt. Espiritu. Bakit kasama si Lee? At mukhang si Lee ang naghihintay. Siya siguro ang nagyaya.



Hindi pa rin nagbabago ang init ng halik ni Lee. Nagulat ako sa ginawa niya. Napapikit tuloy ako ngunit hindi ko nagawang tumugon. Baka mabisto ako. Lorenzo has been very keen observers.



Tahimik akong bumalik ako ng Pilipinas . Matapos gumaling ng buo kong katawan, handa na akong harapin ang bagong buhay.



I am Savana Lewis Osborne. Half- Canadian, Half-Filipino. Nasa Pilipinas para maging pulis. Para maghiganti.



Nag-abiso ako kay Attorney na dadating ako pero hindi ako didiretso kina Whitney at Drexel. Sa hotel muna ako magpapalipas ng gabi at diretso ako sa Police Academy.



Huli na ako sa klase. Nakaisang linggo na ring nag-uumpisa ang klase. Huli na ako sa enrolment pero susubukan kong makapasok. Hindi puwedeng hindi ako makapasok ngayon.



Nakapasok ako sa academy ng ganoon kadali dahil tinulungan ko si Sgt. Espiritu sa mga addict na humarang sa kanya sa kalye. Pinadali niya ang proseso ng aking pagpapaenrol. Nakabalik na pala siya sa pagtuturo at malamang balik na rin sa presinto si Lee. Mas okay kung gayon.



At heto, muli kong binagtas ang mga hagdanang iyon na dati naming inaakyat ni Jazzy. Hinihingal kami sa pag-akyat sa second floor dahil doon ang klase namin sa umaga. Masaklap lang dahil nali-late kami at kuya pa niya ang professor namin noon. Those were the days. Who would have thought na babagtasin kong muli ang hagdang ito ng mag-isa. Kaga-graduate lang ni Jazzy. Hindi ko na siya naabutan. Tatlong taon din ang inabot bago ako tuluyang naka-recover.



Magsisimula pa lang akong muli. I can make it better this time.

.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon