EVE'S POV
Hindi ko inaasahang makakasalubong ko sina Ava, Lee at Leeah papuntang Hongkong nang araw na iyon. Nasa terminal sila ng araw na iyon. Maaga silang magtse-check in.
Mabuti at hindi rin siya nakita ni Kai. He is well-guarded... Para akong napa-paranoid . OO, hindi ko alam na pinuntahan pala ni Kai si Ava sa presinto matapos naming magkasagutan sa Club Roman. Nagkataong nakita siya ni Mike, asawa ni Mira. Sinabi niya sa akin na nakita niya si Kai ng umagang iyon sa presinto sa Crime Investigating Department at may dalang bulaklak.
Nakakapagtaka naman. Si Mike na rin ang may sabi na kasama sa investigating team si Ava at malamang si Ava ang kanyang pinuntahan. Gusto ko sanang kumpirmahin kay Kai ngunit tiyak na iinit na naman ang ulo niya at isang linggo niya akong hindi sisiputin sa condo. Ayoko! Ayokong maging second choice na lang palagi. Noong buhay si Danica, I had always been the second best. Kapag magkaaway silang dalawa, ako ang pupuno sa pagkukulang niya.
Sa tingin ko naman ay sapat na ang mga panahong iyon. It's my turn to get the number one spot in Kai's heart. I will definitely win this time. But just because Ava is here, I will go back to where I was before, always the second. I think he was hit hard on her. Maganda kasi si Ava. Kakaiba ang kanyang charisma kaya nga pati si Lee ay nahumaling sa kanya. Paano kasi may karanasan na at sa tingin ko, isa yon sa mahalagang asset niya, maging magaling sa kama... I should know, tiyak na nagsama na rin sila ni Lee sa kama. Nagkasukatan ng galing at imposibleng pa-virgin effect pa siya at pa-hard-to-get na parang first time niyang makipaglaro at magkasala sa kandungan ng iba lalo na nang may asawa.
And Kai has fixed his eyes on Ava. How could he even go to the precinct with a nice flower arrangement? That is really something. Bakit lahat ng sa akin ay nahuhumaling sa kanya? Lahat ng mahal ko, mahal si Ava. Bakit?
Halos dalawang buwan kami ni Kai sa Hongkong. May inasikaso siyang transaksyon doon at isinama niya ako.
May mga kasamahan naman akong OB sa aking clinic na titingin sa aking mga pasyente. Hindi ko iniisip kong kikita ako o hindi. Ang mahalaga, magkasama kami ni Kai.
Pero nang makita ko silang tatlo nina Ava at Leeah, bahagya akong nainggit. Anak lang ang wala sa amin ni Lee. Ah, sana naging masaya din ako. Wala akong magagawa, hindi ko kasi feel mag-alaga ng anak ng iba. Kahit anong gawin ko, hindi naman talaga kami magkakaanak ni Lee.
I swear, I missed Lee. He could have been good ... no, very good in bed. I like his gentleman style. He drags me to bed passionately. He made love with me so endearingly. But with Kai, with so much aggressiveness, that's more like it. Whichever style is best , iisa lang naman ang hantungan noon, sa kama pa rin.
Pagdating sa condo, hindi ko na pinalampas ang lahat. Hindi rin ako makatiis.
"Kai, tell me honestly... Are you interested in Ava?"
"Do you want to know the truth, my darling Eve?" Naghuhubad siya ng damit ng mga oras na iyon. "Yes, I like her. I feel like we are connected with each other." Nakatalikod siya sa akin. Gusto kong maiyak sa sinabi niya. Again?
" What are you talking about?"
"I don't know why I feel like I know her before na parang matagal na kaming magkakilala at may koneksyon kami sa isa't isa."
Isang salita pa niya at papatak na ang luha ko sa sobrang habag sa sarili. Hindi na ba matitigil ang kompetisyon ko sa iba. Palagi na lang may umaagaw ng atensyon ni Kai.
Hindi ako makakapayag. Ako ang tatapos kay Ava. Hindi na ako hahanap ng hired killer na palagi naman ding palpak kumilos. Ako ang mismong tatapos sa buhay niya.
Ibabaon ko sa katawan niya ang lahat ng balang mayroon sa 45 caliber na gamit ni Kai.
I will surely kill her.
Paghahandaan ko ang araw na iyon. Tiyak na hindi maglilipat ang taon ay paglalamayan siya. Malamang ay abutin sila ng isang linggo sa Hongkong. Hindi naman puwedeng magtagal ng pag-absent si Leeah sa klase maliban lang kung semestral break nila ngayon sa school. Tama, sembreak nila ngayon.
Hinawakan ko ang baril ni Kai. Hinawakan ko ito ng mahigpit at itinutok sa salamin. Kunwari ay kaharap ko na si Ava.
"Hindi mo makukuha sa akin si Kai, Ava. Akin lang siya. AKIN!"
"Eve, what are you doing?" Tanong ni Kai. Kinuha niya sa akin ang baril. "I told you not do hold this. Are you out of your mind? "
Hindi alam ni Kai na matagal na akong nag-aaral ng pagbaril. Kapag wala siya ay sumisimple ako sa target shooting. Yes, who told him that I don't know how to hold a gun? Wait ka lang, Kai. You will be surprised kung ano ang kaya kong gawin.
Masusorpresa ka kung sino ang kaya kong patayin sa harapan mo para matigil ang ilusyon mo.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mistério / SuspenseHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...