AVA'S POV
Hindi na ako mapakali. Bandang alas dose pa lang ay hindi na ako mapalagay. Lalo lang akong kinabahan. Napapikit ako habang tanaw ang gate ng mansion. Nakabantay ako doon sa pagdating ni Lee at Leeah. NIlapitan ako ni Mama . Abala si Papa sa pagpaplano kasama si Kuya Ice, si Kuya Jude at Ate Justine. Nandoon din si Jazzy, Gaspar,Ivan, Jino at Jhopet. Iniwan ko sila sa loob ng library.
"Ava, halika na Iha. Tapos na silang kumain lahat. Kain ka na." Pero wala akong ganang kumain.
"Mama, bakit ang tagal ni Lee? Baka kung ano na ang nangyari kay Leeah, Mama?" Niyakap ako ni Mama para pakalmahin ang kalooban ko. "Mama, parang mamamatay ako kapag hindi sila nakauwing pareho. Hindi ko na kayang bawiin kay Lee ang mga nasabi ko na. Mahal na mahal ko siya at ayokong mawala siya sa akin. Natatakot po ako, Mama."
"Ava, manalig ka sa Diyos na iingatan niya si Leeah. Hindi niya hahayaang mapahamak ang ating anghel."
"Mama, paano kung gawan siya ng masama ni Kai?"
"Anak, gaano mo kakilala si Kai?"
Mabait si Kai. Mabait siya sa bata. Iyon ang alam ko. Hindi ko nga alam kumbakit siya naging barumbado. And later on, lalo akong nadismaya sa kanya, sa ugali niya at sa pakikitungo niya sa aking pamilya dahil lang sa droga.
"I couldn't trust that man."
Lalo akong nag-alala ng bandang hapon, hudyat na kailangan na namin siyang i-rescue dahil tiyak na may nangyari na sa kanya. Hindi ako makakapayag na umuwing isang malamig na bangkay si Lee o si Leeah.
"Ava, stay here..."
"NO, I can't do that , General " Sabi ko pa pero may biglang pumukpok sa batok ko. Hindi ko na alam ang nangyari. Nagising ako sa loob ng kuwarto ni Lee at hindi ako nagpaawat. Si Kai ang kailangan kong mahanap. Siya ang pananggalang ko kay Eve para ibalik sa akin si Leeah at Lee.
"Avaaaaaa!' Dinig kong sigaw ni Mama habang pinaharurot ko ang aking motor. Naka-black driving suit ako ng oras na iyon. Kargada ako ng isang 45 caliber at kinuha ko ang pistol na dati kong pag-aari. Kinuha ko iyon sa basement.
Humanda ka, Eve. I will come and get you. I will kill you.
Sa Club Roman ako unang pumunta ngunit nalaman ko kay Mr. Manager na hindi daw napapagawi doon si Kai mula pa kahapon. Tiyak na nasa condo siya ni Eve. Madaling araw ako pumuwesto sa isang kubling taguan sa parking lot ng HallyuTowers.
Hindi ako maaaring magkamali, si Kai ang nakikita ko. Nakakapagtaka dahil mag-isa lang siya. Puting overall, blue turtle neck na panloob, kumpleto ang bling bling niya sa leeg, puno ng silver rings ang kanyang daliri at panay na naman ang lollipop ni Adik. Bilang na ang mga oras mo...
Nagmadali siyang nagbukas ng kanyang kotse at mabilis din ang kilos ko. Nakita ko sina Papa. Isang malakas na hataw sa ulo niya. Iyong tiyak na hilo siya at mawawalan ng malay. Sa loob ng kotse na siya natumba kaya itinulak ko siya at pinosasan. Nilagyan ko ng busal ang bibig at mata para hindi niya makita kung saan ko siya dadalhin.
Sa isang abandonadong gusali , malayo sa abalang siyudad, kung saan madalas kaming inaalarma na mayroong fratwar, isang riot dahil sa fraternity. Doon ko din siya dinala na para bang magtutuos kami. Tinawagan ko kaagad si Eve. Hindi pa nagkakamalay si Kai.
"Hawak ko ngayon si Kai."
"Hindi ako marunong magbiro, Eve. I mean it when I said it."
"Si Kai kapalit ni Leeah or I will shoot him now. " Dinig ko ang pagmamakaawa niya. Dinig ko ang sigaw ni Leeah. Ipinarinig ko sa kanya ang tunog ng baril, pinatamaan ko ang semento at nagising si Kai.
"Sa iyo na rin si Lee kung gusto mo. Mahalaga sa akin ang anak ko."
Magkikita daw kami sa Twin Tower... Ibig sabihin sa Skycraper Tower, katabi lang ng HallyuTowers. Sa roof top kami magkikita bandang alas siyete ng umaga. BUkas, Sabado... Tamang tama, hindi traffic at konti lang ang nasa trabaho. Kadalasang wala trabaho ang mga empleyado ng Skycraper Tower tuwing Sabado at Linggo.
Whatever you want , Eve... Just give back my daughter....
Kailangan kong isakripisyo si Lee sa pagkakataong ito. Hindi ako magmamakaawa para sa kalayaan niya. Huwag lang ang anak ko. Huwag lang ang walang muwang na si Leeah.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...