REVELATION

110 3 0
                                    


AVA'S POV



Simula ng araw na iyon, naging mailap sa akin si Simeon. Tuluyan kong hindi binuksan ang aking cellphone. Alam kong masama ang loob niya. Hindi ko puwedeng ipagpilitan ang sarili ko kung talagang hindi niya matatanggap ang bahagi ng pagkatao ko na pinipilit kong kalimutan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung si Ava lang ang mamahalin niya at hindi ang kabuuan ko bilang si Danica Bridge Mayers na dating naging biktima ng rape at pinaniniwalaan ng lahat na patay na.



Dumating ang wedding gown ko sa mansion pati ang mga wedding invitations pero hindi ko alam kung paano at kanino ko ipamimigay iyon. Pinadalhan din ako ng mga resibo ng pagkabayad ng reservation para sa reception hall na gagamitin sa aming kasal.



Nakatakda na ang kasal namin ni Simeon . Kinumpronta niya ako tungkol sa matagal na niyang tanong. Hindi na ako makakatanggi ngayon. Yaman din lang na gusto niyang malaman ang totoo.



"Sino ka ba talaga? Sino ang ama ni Leeah?" Gusto lang niyang makasigurado na walang manguggulo sa aming kasal at walang manggugulo sa aming relasyon pagkatapos ng kasal na iyon.


"Paano kung magbago ka?"


"Sasabihin mo lang ang totoo at pawang katotohanan lang."


"Si Lee ang tunay na ama ni Leeah."


"Paano nangyari iyon?"



Kahit masakit sa kalooban ko, muli kong ikinuwento sa kanya ang nakaraan hanggang sa paghiwalayin kami ng trahedya.



"Ikaw? Si Danica Bridge Mayers... ang girlfriend ni Lee..."


"OO.. Si Leeah ay bunga ng pagmamahalan namin ni Lee bago ako ma-rape ni Kai."


"Kaya ako galit na galit kay Kai ng makita natin siya sa Club Roman" Kasi sa Club Roman kami noon nag-inuman nina Simeon. Napagalitan nga ako noon ni Lee at sumama ang loob ko sa kanya.



Umalis si Simeon ng hindi nagpapaalam . Humagulgol ako ng iyak. Si Lee ang una kong sinabihan pagkatapos mag-walk out ni Simeon. Sinabi ko ang lahat kay Lee sa telepono.



"Akala ko, matatanggap na niya ako. Hindi siya nagsalita. Iniwan niya ako huhuhu. Paano pa ako makakakapanibagong buhay kung walang tatanggap sa akin bilang si Danica at hind si Ava? aaaahhhhhh! Ayoko nang mabuhay! Gusto ko nang mamatay! Aaaahhhh huhuhu" Inihagis ko ang cellphone sa sobrang galit ko.



Hindi ko inaasahan ang pagtalikod ni Simeon. Umalis siya na hindi umiimik. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa ginawa niya. Umaasa akong iba siya sa mga lalaking nakilala ko. Higit kaysa kay Lee pero...Pinaghinaan ako ng loob kaya si Lee ang nasumpungan ko.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon