AVA'S POV
Hindi ko sinabi kahit kaninuman ang nangyari sa presinto. Nasa mansion ako ng gabing iyon. Ipagpapaalam ko kay Lee na ipapasyal si Leeah bilang kabayaran sa pag-iyak nito ng umalis ako . Kinausap ko muna sina Mama at Papa. Tahimik sila habang nasa library kami.
Umiiyak ako dahil mukhang napasubo na talaga ako kay Lee. Hindi ko na siya mapigilan lalo na sa mga nangyayari sa aming dalawa na higit p sa tunay na mag-asawa.
"Mama, I can never go with any other man except Lee. I am sorry. Pumayag na akong makisama sa kanya kahit magmukha akong kerida niya."
"Ava..."
"Papa, I am sorry. Mahal na mahal ko lang talaga si Lee. I couldn't imagine a day being away from him. I don't care how you would see me now. I just love Lee. I am willing to be with him even if ..." Kahit humantong pa kami sa kasalanan.
Pareho silang napabuntunghininga. Walang kumilos. Nakatingin lang sila sa akin.
"Ava, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bakit kailangan mong... Hindi mo na ba talaga makokontrol si Lee?"
"Mama, hindi naman kami magsasama..."
"Anong gagawin ninyo? Maglalaro? Magbabahay-bahayan? Kung kailan ninyo maramdaman ang init saka ninyo gagawin?" Sabi ni Mama. "Hindi namin kukunsintihin ang kalokohan ninyong dalawa."
"Mama..." Tinalikuran ako ni Mama. Tinapik ni Papa ang balikat ko pero tumakbo ako at niyakap siya.
"Mama, sinakap kong iwasan. Pinilit kong pinaniwala ang sarili ko na mapapalitan ni Simeon si Lee sa puso ko... pero, Mama... hindi ko po pala kaya."
"Ava..."
"Mama, naramdaman na po ba ninyo 'yung kahit anong pigil mo... hindi pa rin puwede kasi dito... heto o,
" Itinuro niya ang kanyang puso..." Si Lee pa rin po ang isinisigaw nito...Mama... Papa." Bumaling ako kay Papa. Pinahid ko kaagad ang luha ko."Sorry po talaga. Alam ko, you are expecting me to do the right thing. Yes, I tried. I really tried even if it hurts me a thousand time. Hindi ko lang talaga kaya. "
Tahimik silang lumabas. Nadatnan ako ni Lee sa loob at pumasok siya.
"Ava...Bakit ka nandito, Sweetheart?" Tanong niya. "Umiyak ka...Bakit?"
"Ha a e, ikaw talaga ang sadya ko. Baka gusto mong ilabas natin si Leeah this weekend. No... napuwing lang ako..." Lumang tugtugin na iyon. He wasn;t born yesterday not to think what really happened.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...