REAL MAN CRY

126 5 0
                                    

LEE'S POV



Hindi ko din inaasahan ang pagpuntang ito nina Sgt. Espiritu kasama si Tita Alexa at si Simeon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang malaman kong mamamanhikan pala sila kay Ava.



Napakunot-noo ako. Paano nangyari iyon? Naging sila ba? Kailan pa? Gaano na katagal? Bakit hindi ko alam?



Samantalang matapos mapahiya si Ava ay hindi ko na nakita si Simeon sa academy . Ni anino ng kumag na iyon ay hindi ko man lang nasulyapan. Wala nang nagpupunta sa kanya tuwing umaga para magbigay ng bulaklak. Wala na ring sumasabay sa kanya tuwing lunch. As in totally, out of sight na si PO1 Espiritu kaya kampante ako na hindi siya nagbago ng nadarama pa sa akin.



Pero ng ibigay niya sa akin ang singsing, isa lang ang ibig sabihin noon... hinihiling na niya ang kanyang kalayaan sa akin. Kalayaan? Malaya ba ako para ibigay ang kalayaang gusto niya? Pareho kaming bilanggo ng aming pagmamahal sa isa't isa. Madali bang mabago ang sitwasyon? Hindi ganoon kadali, maliban lang kung ipauubaya mo na ang lahat para lang sa pag-ibig.



Mukhang hindi na rin makakapaghintay si Ava. Ano nga ba naman ang hinihintay pa niya sa akin? Hihintayin ko bang mamatay muna si Eve bago kami magkatuluyan?



Bakit kailangan niyang maghintay sa akin ng walang dahilan samantalang may asawa na ako pero heto at humaling na humaling sa kanya. OO, walang ibang aangkin sa katawan ni Ava kundi ako lang. Walang ibang may karapatan sa kanya kundi ako lang. Hindi ko siya kayang ipaubaya kahit gustuhin niyang lumaya. Akin pa rin si Ava. Akin pa rin ang pinakamamahal kong si Danica.



Hindi ko siya isusuko kahit pa kay Simeon.



"Anong problema mo?"


"Anong problema ko? Kaya ba ibinalik mo sa akin ang singsing dahil sa kanya. Anak ng putsang buhay ito! Whew! Hindi mo na ba ako mahintay. Danica...huwag namang ganito."


"Bitiwan mo ako, Lee. Malabo ang pangako mo sa akin. Wala akong nakikitang bukas. Ayoko ng ganito. Ayoko!"



Madaya nga naman ako. May asawa na ako tapos dalaga pa ang maghihintay sa akin na parang ako na lang ang lalaki sa mundo samatalang maganda si Ava at imposibleng walang mabihag sa kanyang kagandahan.



Tama, si Simeon. Tiyak kong magkakagusto rin kay Ava dahil gusto rin siya ng kanyang Papa para sa kanya . Alam kong alaga ni Sgt. Espiritu noong first year pa lang siya para sa kanyang anak na si Simeon.



Iba rin itong si Simeon. Dinaan niya sa santong dasalan si Ava. Tiniyaga niya ang dalaga. Mukhang nagbunga naman ang pagtitiyaga niya. Sino naman ang mag-aakalang may relasyon pala sila. All of a sudden, pupunta na lang siya dito sa bahay para mamanhikan. Weeeeiiii! Parang hindi pa ako makapaniwala. Ilang araw lang pagkatapos ng graduation ,heto na siya. Bakit? Bakit ako kailangang magpaapekto? Hindi ako sumabay sa hapunan nila. Pinuntahan ako ni Leeah sa kuwarto ko ngunit nag-lock ako at hindi ko siya hinayaang makapasok. Pag-alis ng bisita saka ako bumaba at uminom sa likod bahay. Anong gagawin ko ?

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon