1. The Start

5.6K 61 20
                                    


WARNING: MARAMING WRONG GRAMMARS AT SPELLINGS ANG ISTORYANG ITO. NAWA'Y PAKIINTINDI NA LAMANG SAPAGKAT HINDI PA PO ITO NAAAYOS.

Bear with me guys. This is my first ever story so don't expect too much. Sorry for the typo's and grammatically errors. Just enjoy. Love you all.

***

Kathryn's POV

"Uyyy bestie, tara na bilis maiiwan ka, sige ka." sigaw ng dakila kong bestfriend. Si Julia Meryn Alcantara. Mayaman yang adik na yan pero mabait. Maswerte nga ako sa kanya eh.

"Saglit eto na oh, atat lng atat? Di makapag intay eh." sigaw ko pabalik sa kanya at tumakbo agad papunta sa bus. Baka kasi mamaya magwala pa tong kaibigan ko eh hahaha. Ibang klase pa naman 'tong magalit.

"Napakabagal mo talaga ano, mapag iiwanan ka ng panahon nyan eh." pangaral nya sakin. Sus, kasalanan ko bang mabagal ako? Nasa lahi kasi yan hahahaha.

"Sorry naman, ganyan talaga ako. Di ka pa ba nasanay." sabi ko. Inirapan nya naman ako. Taray ng lola nyo... umirao sa akin?

"Nuka ba naman bestie, ano yang suot mo?" Sigaw nya na naman sakin. Ano bang nangyayari dito, sinapian ata to eh o sadyang meron sya ngayon kaya ang init init ng ulo. Pati ako ay nadadamay sa kanya, ako pa tuloy yung nakita..

"Ano bang problema, ayos naman ah." Ayos naman talaga yung suot ko eh diba? Normal lang na white t- shirt tapos ripped jeans at saka flat shoes, ano kayang problema neto. Pati suot ko ngayon, sinisita na ganon? Bigyan ko kaya sya ng manika para hindi na ako yung mapapansin nya.

"Dapat nag dress ka eh, alam mo namang mas bagay sayo yun." sabi nya sakin habang nakataas pa ang isa nyang kilay. Pinasingkitan ko naman sya ng mata.

"Hoy para sabihin ko sayo, fieldtrip ho eto, FIELDTRIP." Sabi ko sa kanya, eh sa totoo naman eh, fieldtrip to tapos magdedress. Ano kaya yon? Magmumukha akong baliw don? Baka masilipan pa ako, o di kaya marape. Wag na! Marami pa akong pangarap aa buhay.

"Ayyytt basta pagkapunta natin dun at binigyan tayo ng free time ni maam, bibilhan kita ng napakaraming damit." sabi nya sakin habang pumapalakpak pa.

"Kahit wag na uy." sabi ko bago sya nilagpasan. Hayaan natin syang magday dreaming don. Kunyari, hindi ko kilala. Hahaha. Shhhh.

May fieltrip kasi sa School namin which is Ashton High kaya ngayon eto kami nasa Bus. Ang dami ngang sumama na estudyante eh. Yung destination namin is yung hotel ng mga Ashton, isang sikat at napakayamang pamilya non, at yung paaralan kung saan ako nag aaral eh pagmamay ari din nila kaya pinayagan nila kaming libutin yung isa sa pinakasikat na hotel sa bung mundo, ang Arctel Hotel. Excited na ako kasi makikita ko na yon! Waaah!!!

Matapos ang ilang minuto eh nandidito na din kami kaya lumabas na kaming lahat sa bus. Hahahaha nakakatawa nga eh andaming nadadapa pano ba naman kasi nagtutulakan sila. Parang mga nakawala sa kulungan.

"Class behave!! Kailangan wala kayong gawing masama dito dahil nakakahiya yon para kay Sir Ashton maliwanag ba?" sabi ni Maam Ledesma sa amin. Sya kasi ang teacher na nakaassign para sa section namin eh at wala namang problema kasi mabait naman sya. Sa katunayan nga eh teenager pa lang yan si Maam. Maganda naman, pero wala pang boyfriend.

Pagkatapos ng mahabang habilin sa amin ni Maam eh pumasok na agad kami sa loob ng hotel para masimulan na namin itong libutin dahil sa sobrang laki nito eh paniguradong aabutin kami ng gabi ngayon.

Pagkapasok na pagkapasok agad namin, lahat kami ay napanganga sa sobrang ganda ng loob ng hotel. Nakaorganize lahat ng gamit dito at yong mga lights eh saktong sakto sa theme nitong hotel nila. Pangmayaman talaga tong hotel na toh hayyyyy.

Sa loob ng hotel, mayroong nag aantay sa amin na isang lalaking nakatuxedo pa. Siguro sya ung maggaguide sa amin dito. Kinausap muna sya ni Maam Ledesma at pagkaraan ng ilang minuto sinimulan na din namin ang paglilibot. Bawat sulok ng hotel puro 'wow' lang ang maririnig mo mula sa amin. Sobra kaming napapahanga ng kagandahan nitong Arctel Hotel.

Pagkatapos ng 6 na oras mahigit, natapos na din namin ang paglilibot. Bakas ang pagod sa aming mukha pero kahit ganon eh masaya din naman kami.

"Okay Class, bumalik na kayo sa bus kakausapin ko muna si Sir Ashton para magpasalamat." sabi ni Maam kaya yung iba kong kaklase eh tumakbo agad papuntang bus. Naguunahan panigurado yan sa upuan.

"Bes tara na, ano pang ginagawa mo dyan?" Tanong sakin ni julia.

"Bes saglit, yung wallet ko nahulog ko ata." sabi ko sa kanya habang kinakapa ko yung pantalon ko. Huhuhuhu, hindi pwedeng mawala yon! 100 na nga lang laman, mawawala pa diba? Langya naman oh, kukupitan pa ko ng isang daan.

"Hala! Pano yan, san mo ba nahulog yun?" tanong nya sa akin. Bakas na din ang pag aalala sa mukha ni Julia. Mahal na mahal talaga ako nitong bestfriend ko.. pero hindi talaga ako mapakali dito..

"Doon ata sa 15th floor nitong hotel eh, kinuha ko kasi yung cellphone ko non, kasi tumatawag sila mama, hindi ko namalayan nahulog na pala." sabi ko. Waah! Nakakainis na talaga!

"Ano ng gagawin natin, tara hanapin na natin sa taas." sabi nya at akmang hahatakin na nya ako ng pigilan ko sya.

"Hindi na Julia, ako na lang, pumunta ka na sa loob ng bus at baka maiwan ka pa." sabi ko sa kanya. Pero ayaw nya pa ding pumayag.

"Ayaw ko, pano ka? Ikaw yung maiiwan tapos wala ka pang pamasahe pauwi." sabi nya sakin at patuloy nya pa rin akong hinihila pero hindi pa rin ako nagpapahila. Napakakulit talaga nito ni Julia. Aiisst!

"Ano ka ba bes, kaya ko yung sarili ko, parang hindi mo naman ako kilala eh. Kaya ikaw, pumunta ka na doon baka nandoon na din si Maam parehas pa tayong maiwan ng di oras nyan." sabi ko pero may lahing makulit talaga sya eh ayaw nya pa rin pero sa huli nanalo pa rin ako hahahaha ako pa!..

"Basta bes, tatry kong sabihin kay Maam na hintayin ka namin ha at pag hindi naman, tumawag ka kaagad sa akin kapag nakauwi ka na." Hayyy, ang bait talaga nitong bestfriend ko kaya mahal na mahal ko toh eh. Hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko sya.. hehehe.

"Yes Maam." sabi ko sa kanya and I give her a assuring smile para sa ganon eh hindi na sya mag alala. Niyakap muna nya ako bago kami maghiwalay ng landas.

____________________________________________________________________________________

Enjoy...

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon