55. Hangin

972 16 1
                                    


***

Kathryn's POV

"Oh bebe Kath! Wala ka na bang naiwan?" tanong ni Cristine, umiling naman ako.

"Wala na.."

"Sa wakas! Makakalabas ka na rin!" Sigaw ni Sofia na nakapagpangiti sa akin. Isang linggo din ako sa hispital. May mga sugat na gumaling pero madami pa rin yung hindi. Pero ang sabi ng doctor, gagaling din naman daw agad sa susunod na dalawang araw.

Nagaayos kami nina Julia ng gamit dito sa kwarto ko. Habang sina Daniel at yung SHAYDON, kinakausap yung doctor. Si tita Kylie at sina mama naman, nasa mansyon nila Daniel, doon daw sila nagaantay dahil daw pinaghahandaan daw nila ang pagdating ko.

Maagang umuwi sina Julia ngayon, pinayagan naman sila ng mga profs at ng Dean sa Ashton High dahil alam naman nila ang nangyari sa akin. Nalaman ko nga din kanila Julia na balak daw sana akong puntahan ng mga fans namin ni daniel at ng ibang teachers ko, ang kaso hindi pumayag ang pamilyang Ashton. Baka daw hindi ko pa kayang iadopt ang napakaraming bisita. Kaya naman daw through social media na lang silang kumukumusta sa akin. Tumaba nga ang puso ko dahil sa effort na ginagawa nila.

Matapos naming maghanda ay agad na kaming lumabas. Ilang hakbang palayo sa kwarto ko ay nakasalubong namin sina Daniel.

"Oh! Sakto lang pala ang pagdating namin eh." Saad ni JC bago tulungang buhatin ang dalang bag ni Cristine. Nakita ko pa kung paano sya kumindat, pinangunutan naman sya ng noo ng kaibigan ko.

"Kaya ko." Mataray na saad ni Cristine kay JC habang kinuha pabalik sa kanya ang bag. Nakangising kinuha naman iyon ni JC na parang wala lang sa kanya ang pagtataray ni Cristine.

"Ako na.." nakangising saad ni JC. "Oh.. wag ka ng makulit, hahalikan kita, sige." Banta ni JC habang nakangisi ng akmang hahablutin ni Cristine pabalik ang bag. Napairap naman ito bago ibigay ng buo ang bag kay JC at nauna ng umalis. Na parang nakalimutan nya na kasama nya kami.

"Hahaha, pagpasensyahan nyo na. Ang hirap suyuin ng kaibigan nyo." Nakangiting saad ni JC bago sundan si Cristine na nagwalk out.

Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan. Bakas sa mukha namin ang pagtataka.

"May namamagitan ba don sa dalawang yon? Bakit parang.. wala namang naikekwento yung babaeng yon?" Takang tanong ni Sofia habang nakaturo pa ang isang daliri sa dinaraanan ng dalawa.

"Yung babaeng yon talaga.. nakahuli ng fafa, hindi naman nagsabi. Tinarayan nya lang. Eh kung ibinigay nya lang sa akin, matutuwa pa ako! Pinapahirapan nya si bebe JC ko.." - Genemy.

"Hayaan nyo na sila, mukhang tinamaan si JC boy eh." Saad ni Diego sabay akbay kay Julia. Napangiti naman yung bruha kong kaibigan.

Nagulat na lang ako ng may humablot ng dala kong bag. Tiningnan ko ang may gawa at sino pa ba? Yung boyfriend ko lang naman.

"Namiss kita.." bulong nya sa tenga ko bago ako hapitin palapit sa kanya. Napangiti na lang ako at hindi na sumagot. Kinikilig eh.

"Ang tamis! Ilan na lang ba tayo dito ang walang lovelife? Nakakainggit eh!" Reklamo ni Katsumi habang palipat lipat ang tingin sa amin ni Daniel at kanila Julia. Kaya pala, parehas pala kaming nakalapit sa aming boyfriend. Napatawa na lang ako at si Julia ng magkatinginan kami.

"Ako free! Baka gusto mo akong itake?" Malanding saad ni Genemy habang lumalapit ng marahan kay Katsumi na agad namang tumakbo papunta sa likod ni Seth.

"Yuck! Kung ikaw lang din ang makakatuluyan ko, mas pipiliin ko na lang ang mamatay!"

"OA mo naman fafa!"

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon