18. I don't know

1K 26 0
                                    


***

Third Person's POV

"Kain pa iha"

"Wag kang mahihiya Kath. Kuha ka lang ng gusto mo"

"Marami pa naman dito kaya magpakabusog ka"

"Kath eto oh, tikman mo masarap yan"

"Eto din iha, masarap din to"

Hindi alam ni Kath kung anong gagawin nya. Nginitian nya na lang ng alanganin ang dalawang babae sa harap nya ngayon. Yung mommy ni Daniel at yung head ng mga maid. Kanina pa kasi sya kinukulit ng mga ito. Sa katunayan nga, punong puno na yung plato nya sa sobrang dami ng pagkain na nilagay nung dalawa. Hindi pa rin makapagsalita si Kath dahil hindi nya alam kung ano ba ang itatawag nya dito. Ang sabi kasi ng mommy ni Daniel sa kanya, tita Kylie na lang daw ang itawag ni Kath sa kanya, at tito Dave naman sa papa ni Daniel. Manang Marcy naman sa matandang babae.

Wala sa kusina si Daniel pati na rin ang papa nito. May pag uusapan daw kasi sila. Nagpaalam din naman sila kay Kylie pero dahil nga busy ang mommy nya sa pag aasikaso kay Kath, pinabayaan nya na lang ang mag ama. Tutal naman daw eh malaki na sila. Sa kabilang banda naman, nakaupo ang SHAYDON. Nakatingin lang sila sa tatlong babaeng nasa harap nila ngayon habang sumusubo sila ng pagkain. Ang creepy nga kasi hindi talaga nila pinipikit o hinihiwalay yung titig nila kanila Kath. Haha. Naninibago kasi sila sa naging asal ni Kylie kay Kath. Kilala si Kylie bilang isang masungit at perfectionist na babae. At hindi din sya masyadong napapalapit sa mga babae, marunong kasi syang kumilatis sa mga totoo o nagpapanggap lang. Makulit sya kapag sa mga kaclose nya o sa mga nagugustuhan nya. Kaya ganun na lang ang reaksyon ng SHAYDON nung nakita nilang ganun ang tita nila.

Samantala, sa bakuran naman ng bahay nila nandodoon ang mag ama. Matatanaw mo mula dito ang nangyayari sa kusina. Kaya kahit malayo sila, alam naman nila kung ano ang nangyayari doon.

"Finally huh?" Nakangising saad ni Dave sa anak nya. Inirapan lang naman ni Daniel yung papa nya. Natawa naman ng kaunti si Dave dahil sa inasal ng anak nya. Ganun talaga silang mag ama. Kung magturingan sila, eh akala mo magkaibigan lang.

"Stop it dad"

"Why? Wala akong ginagawang masama"

"Stop smirking. It's creepy"

"Oh well. Masanay ka na. Porket may dinala ka lang na babae dito"

"I didn't br--"

"Oh c'mon, don't deny it son"

"Oh c'mon dad, I'm just telling the f*cking truth!"

Pero sa halip na paniwalaan sya ng sarili nyang ama. Tumawa lang ito. Medyo nairita naman doon si Daniel. Sa katunayan nga eh minumura na nya si Kath sa isip nya. Kung sino pa kasi yung kinamumuhian nya, sya pa yung makikita ng magulang nya sa bahay nila.

"Don't be too harsh son"

"She doesn't deserve my respect!"

Ngumisi lang si Dave sa anak nya at naglakad na patungo sa asawa nya. Naririnig nya pa yung curse ng anak nya pero natatawa na lang ito. Kasi nakahanap na daw sya ng babae para sa kanya talaga.

"Oh hon! Tara bilis! Papakilala kita sa future daughter-- este kay Kath!"

Tumango lang si Dave kay Kylie at umupo sya sa tabi nito. Balik na naman sya sa blankong expression nya. Hay, sa kanya talaga nagmana si Daniel. At speaking of Daniel. Dumating na din sya sa kusina at umupo sa kabilang dulo ng lamesa. Si Kath naman sa kabilang dulo din. Halata mo pa rin na naiirita sya sa pagmumukha ni Kath kasi nakakunot ang noo nito at hindi maipinta yung mukha. Badtrip na badtrip sya ngayon.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon