32. The Truth

1.2K 34 11
                                    

***

Third Person's POV

Laglag ang panga ng lahat ng tao sa kusina dahil sa ginawa ni Daniel. First time. First time lumuhod ni Daniel sa isang babae at ang matindi pa don, nagsorry sya. Lahat ng ginagawa ni Daniel ay iniisip nyang mabuti. Alam nya ang dapat na gawin sa hindi. Hindi nya pinagsisisihan ang lahat ng mga ginawa nya dahil desisyon nya yon, pero iba ngayon. Sa boses nya ay parang nagsisisi talaga syang nakita ni Kath ang katangahang ginawa nya kagabi. Sanay naman sya eh, sanay syang may makakita na nakikipaghalikan sya sa ibang babae. Pero iba yung kay Kath. Mas nasasaktan sya kapag nakikita nyang nasasaktan ang dalaga. At hindi nya alam kung bakit.

"A-a..a-ano.." hindi matuloy tuloy ni Kath ang kanyang sasabihin dahil hindi nya naman alam kung ano ba dapat ang kanyang sasabihin. Gulat pa rin sya sa nangyari maski ang mga maids na nanonood sa kanila ay hindi pa rin gumagalaw at nagsasalita dala na rin sa pagkagulat. "U-uh...u-hmm." Uutal utal pa rin sya sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Laglag pa rin kasi ang panga nya at hindi nya pa rin iyon naibabalik sa dati. Nakakaramdam na din sya ng hiya dahil kanina pa nakaluhod si Daniel sa harap nya. Gusto nyang magsalita at patayuin na ito pero walang salitang gustong lumabas sa kanyang bibig.

'Cute'. Sambit ni Daniel sa kanyang isip dahil sa reaksyon ni Kath. Nanatili lang syang nakatingin kay Kath na nakanganga pa rin ngayon. Natawa sya sa isip nya nang mapagtanto na hindi kayang magsalita ni Kath. 'Damn. She's cute.' Sabi ulit ni Daniel sa kanyang isip. 'What? Did I just... crap it. She's not cute.' bawi nya agad sa sinabi nya sa kanyang isip. Ayaw pa kasing aminin eh. Amin amin din kasi Daniel.

Ngumiti si Daniel kay Kath sabay gulo ng buhok nito bago tumayo. Nakapamulsa syang umalis sa kusina at iniwan si Kath na hindi pa rin nakakarecover sa pagkagulat. "Iha, iha." Nahimasmasan si Kath ng yugyugin sya ni manang Marcy. "Ano.. ho?" Wala sa sariling tanong ni Kath. Nahimasmasan na sya pero hindi pa rin sya gaanong bumabalik sa katinuan.

"Umalis na si Daniel, hindi ka pa ba sasabay?" Tanong ni manang Marcy sa kanya. May pasok pa sila pero hindi pa nakakapagbihis si Kath ng uniform. Parang natauhan naman sya doon kaya dali dali syang nagpasalamat dito at tumakbo paalis sa kusina. Nakita nyang nakaupo si Daniel sa sofa habang busy sa pagbabasa ng librong hawak nito. Lumapit sya agad kay Daniel. Nang makalapit na sya dito, huminto sya sa tapat ni Daniel, napaangat naman ang ulo ng binata habang nakakunot noong tiningnan si Kath. Napalunok naman si Kath dahil parang umurong ang dila nya at hindi sya makapagsalita ngayong nasa harap na nya ulit si Daniel. Ngunit, nilakasan nya pa rin ang kanyang loob. "A-anong.. ibig sabihin mo sa sinabi mo kanina?" deretsahang tanong ni Kath kay Daniel. Isinarado ni Daniel ang librong binabasa nya kanina bago tumayo, kaya napaatras ng kaonti si Kath dahil mawawalan sila ng space kapag hindi sya umurong. "Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo naintindahan yon eh ang simple simple lang naman ng sinabi ko?" balik na tanong ni Daniel kay Kath. "Eh ang gulo mo kaya! Bigla bigla ka na lang magsosorry!" naaasar na sigaw ni Kath. Naiinis sya dahil hindi naman nya maintindihan ang mga pinagsasabi ni Daniel. "Think of it." Wika ni Daniel bago itulak ng mahina ang noo ni Kath. Napasimangot naman si Kath dahil doon. 'Mag-iisip pa talaga ako para lang doon? Gulo naman eh!'  Asar na sabi ni Kath sa kanyang isip ngunit hindi na din sya umangal kay Daniel.

"Get dress."

"Ha? Ng uniform? Saglit lang, antayin mo n-"

"Hindi uniform. Basta, damit."

"May pasok ho tayo mister, saan mo naman ako dadalhin ha? Ayaw ko kayang umabsent!" Angal ni Kath sa inutos sa kanya ni Daniel. Tinaasan sya ng kilay ng binata na parang sinasabi nya na 'Ano ba ang pagkakaintindi mo? May utak ka ba talaga?'

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon