***
Genemy's POV
"Hoy Kath! Ano yon ha? Bakit ka nila hawak na dalawa?"
"Oo nga! Akala ko ba, crush mo lang si Daniel? Eh bakit nung dinatnan namin kayo parang magshota na kayo?"
"Ang higpit pa nga ng hawak sayo ni Daniel eh, para bang ayaw ka nyang pakawalan. Ano bang status nyong dalawa?"
"Guys.. a-ahh..u-uhm.. tawag dito.." hahaha! laughtrip yung mukha ni Kath ngayon ah! Hindi nya alam kung sino ba yung una nyang sasagutin, paulanan ka ba naman ng tanong nila Sofia, Cristine at Julia, samahan mo pa ng tingin nilang makahulugan.
Hindi na ako sumama sa pagiintriga nila kay Kath. Aba, ang haba kaya ng hair nyang si Kathy! Biruin mo, dalawang papabols ang nabingwit? Hindi lang basta basta papabols, dalawang lalaking pinakatinitilian pa talaga dito sa Ashton High. Gusto nyo bang malaman kung ano ang nangyari? Sige. Ikekwento ko sa inyo..
*FLASHBACK*
"Hoy Cristina! Nasaan na ba kayo nila Sof at Juls? Ilang oras na po akong naghihintay dito, hello?"
(Eto na Genemy, antay ka pa ng kaunting oras, padating na kami nila Juls. Hintayin mo na lang kami sa Gate!)
"Oo na! Kaloka! Pinaghihintay nyo yung beauty ko! Bilisan nyo lang dahil ayaw ko pang masunog ang aking napakagandang face." Tirik na tirik ang araw tapos pinaghihintay ako ng tatlong yon. Nasa school na ako at hinihintay ko sila. Ang babagal kasing kumilos ng mga yon. Kanina ko pa pinipigilan ang aking sarili na humuli ng aking fafa, kahit kating kati na ako. Ang dami kasing gwapo dito sa Ashton High.
Pero syempre baka tanggalan pa ako ni Cristine ng buhok kapag hindi ko sila hinintay, amazona yung babaeng yun eh! Feeling ko nga hindi na yon magkakaboyfriend. Napakabrutal kasi.
Ang daming tumatakbong estudyante patungo sa building namin. Pansin ko rin na ang daming tao doon, kumpulan sila at pawang may pinapanood na labanan. Kating kati na ang mga napakaganda kong mata kong makichismis, kailangan kong maging updated dyan noh!
"Hoy Genemy! Nandidito na kami ha? Hindi mo na ako kailangang tawagan ng ilang beses!" Biglang sumulpot si Cristine sa harap ko na nakataas ang kilay. Sinapian na naman sya ng katarayan nya.
"Ang babagal nyo kasing kumilos! Gosh! Kayo kaya ang paghintayin ko ng mahigit kalahating oras sa gitna ng tirik na araw? Ano keri nyo yon?" Angal ko sa kanya. Grabe talaga mga ati! Buti na lang at hindi pa nasunog ang aking skin, kundi kakalbuhin ko itong mga to ng isa isa.
"Ahh, Guys? Bakit ang daming tao sa building natin?" Biglang tanong ni Sofia habang nakatingin sa mga taong nagkukumpulan sa building namin.
"Hindi ko knows, kanina pa sila andyan eh. Baka may bagong papabols." Sagot ko pero nakatanggap lang ako ng batok galing kay Cristine. Amazona talaga tong gaga na to!
"Puntahan natin." Aya ni Julia. Sumunod naman kami sa kanya dahil gusto ko ding malaman ang nagyayari doon. Malay mo talaga may papabols doon, oh edi jockpot ako nyan! Marami pa ang nagdadatingang estudyante kaya ang hirap makasingit. Pero dahil may pagka-amazona nga itong aking mga kasama, sumingit sila sa mga taong nagsisiksikan.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa unahan. Pinagpawisan ako doon ah! "OMYGOSH!" Sabay na reaksyon naming apat, sabay ng paghawak namin sa aming bibig. O-to-the-M-to-the-G! Tama nga ako! May papabols nga dito! Pero hindi lang yon! May hawak silang babae! And guess who?
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...