***Daniel's POV
Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay matapos kong ihatid pauwi si Kath. Hindi ko alam na ganito pala kasaya ang magkagirlfriend. Ilang beses ko pang itinanggi yon kay Mom, ako rin pala ang susuko sa huli. Pero hindi naman ako nagsisisi na kay Kath ako naging marupok eh. Tanging sa kanya lang.
"Oh, iho.. nandidito ka na pala." Sulpot ni manang Marcy sa harap ko. Nakangiti sya habang nakatingin sa akin. Sabay kaming umupo sa sofa sa sala. "Ganda ng ngiti ah.. hindi ako sanay. Pero mukhang alam ko na kung sinong nakapagpangiti sayo ng ganyan."
"Don't mind me, Manang."
"Asus," nakakaloko ang ngiti at tingin ni manang Marcy sa akin. Kahit anong pilit ko namang itago ang ngiti ko, hindi ko pa rin mapigilang lumabas. "Masaya talaga ako dahil sya ang nakatuluyan mo.. protektahan mo sya Kyle."
"I will, manang.." sa mga sinabi ni Kath sa akin, gumaan ang kalooban ko doon. Masayang masaya ako dahil sya ang naging girlfriend ko. Kahit pa ang sekreto namin, na kinatatakutan kong malaman nya dahil natatakot akong iwan nya ako dahil don.
"Iho, tawagan mo pala ang mommy mo, may mahalaga atang sasabihin. Tumawag kasi kanina dito eh." Saad ni manang bago pumunta sa kusina. Nginitian ko naman sya bago kinuha ang phone at itype ang number ni Kath. Sa kanya muna..
Composed Message
To: Kathryn Ashton <3I love you, babe.. goodnight. See you tomorrow.
Pagkatapos kong itext si Kath ay agad ko namang idinial ang number ni Mom. Wala pang tatlong ring ay sumagot agad ang nasa kabilang linya. "Mom."
[Anak? Hello anak! Kamusta ka? Ano? Kamusta kayo ni Kath? Ayos lang ba sya sayo? Naku Kyle! Wag na wag mo talagang sasaktan yan si Kathryn! Malilintikan ka sa akin!]
Hindi ko nga kayang makita syang umiyak, saktan pa kaya? "Hindi ko yan gagawin Mom."
[Mabuti naman! Wag mo ng papakawalan yang si Kath, Kyle!]
"Yeah.." hindi naman ako tanga para gawin yun. "Bakit nga po pala kayo napatawag?" Tanong ko.
[Ay, oo nga pala! Wait- hon! Ikaw na magsabi dito sa anak mo!]
Humiga ako sa sofa habang ang phone ay nanatili sa aking tenga. Ipinatong ko ang aking siko sa aking batok habang nakatingala sa kisame. [Son..] how I miss my parents. "Dad."
[How are you?]
"I'm fine.. more than fine."
[Inlove na inlove ah?]
I rolled my eyes when I heard my dad's teasing voice. "Whatever Dad.. anyway, ano po bang mahalaga nyong sasabihin?"
[Be ready Kyle.]
"For what?"
[For Master S's come back."
***
Third Person's POV
Sinipa agad ni Katsumi ang pinto sa VIP room ng bar ng SHAYDON sa sobrang pagkaexcite. "Ako muna!" Nagunahan pa silang limang pumasok mula sa pintuang yon. Dahil nga sa wala ng pinto, hindi na sila nagabala pang isarado yon. "Kyle!"
Nag-uunahan silang umupo sa tabi ni Daniel na prenteng nakaupo sa isang mahabang couch. Ininom nya muna ang isang basong alak bago ihagis ang basong walang laman sa pagmumukha ni Katsumi. Mabuti na lang dahil nakailag sya. "Ang ingay mo." He said with a bored tone. Napakamot naman ito ng ulo bago umupo ng maayos sa tabi nya.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...