***Kathryn's POV
"AHHH! Di ko na kaya!" Marahas akong tumayo mula sa pagkakahiga at marahas na kinuha ang kawawa kong cellphone na nakalagay sa side table. "Bwisit ka ha.. buong magdamag na walang paramdam? At talaga inulit mo pa yung ginawa mo nung isang araw?" Bwisit na bwisit akong naghalungkay sa damitan ko na pwede kong isuot. "Tapos malalaman-laman ko lang na nasa bar ka? Anong ginagawa mo don? Alam mo namang maraming lalandi sayo don bakit ka pa don pumunta!" Patuloy ako sa pagbubulong. Gigil na gigil ako sa mga naiiisip ko.
Ewan ko kung bakit biglang uminit ang ulo ko nung sinabi sa akin ni tita Kylie kanina na nasa bar si Daniel. Balak ko na nga sana syang itext para tanungin kung asan ba sya, pero naunahan nya ako. At alam nyo ba kung ano ang laman?
I'm sorry kung wala ako dyan sa bahay. Nagkayayaan ang SHAYDON dahil kakadating lang nila galing Lambord. Hindi ko na sinabi sayo dahil alam kong kailangan nyong mag-usap ng pamilya mo. Don't worry about me, baby. Nasa bar kami ngayon.
Mabilis pa sa mabilis akong naghanda para makaalis na kaagad. Ang sabi ni tita nasa bar ng SHAYDON sila Daniel. Sinabi nya sa akin ang address kaya kailangan ko na syang puntahan don. Kailangan ko syang bakuran! Mahirap na! Baka sulutin ng iba!
Halos takbuhin ko na ang gate ng mansyon ng matapos na ako. Hindi na ako nagpaalam kanila nanay dahil alam kong sinabi na tita Kylie sa kanila yon. Isa pa nagkakasiyahan pa sila sa loob.
Saktong paglabas na paglabas ko sa pinakamain gate ng mansyon ay napahinto ako sa nakita kong taong nagaabang doon.
Prente syang nakasandal sa gwapo nyang kotse. Nakapamulsa ito at deretsong nakatingin sa mata ko. Gwapong gwapo sya sa black v-neck at sa denim pants nya. Pinartneran nya pa ito ng mamahaling sapatos na hindi ko alam ang tatak. Wala sa ayos ang kanyang buhok, pero nagsusumigaw pa rin ang kanyang kagwapuhan.
Nang walang gumagalaw at nagsasalita sa amin ay ngumiti sya.
Biglang nawala ang inis ko dahil don at bigla na lang napatulala.
"A-anong ginagawa mo dito? A.. a-akala ko ba nasa bar ka?" Nauutal na tanong ko.
Umalis sya sa pagkalasandal sa kanyang kotse at dahan-dahang lumapit sa akin. "Alam ko kasing magseselos ka kaya sinundo kita." Nakangisi nitong saad ng makarating sya sa aking harap.
Oo na! Ako na nagseselos! "Hindi ah! Asa ka pa." Napangisi pa ulit sya habang pinagmamasdan akong umiiwas sa kanyag tingin. Alam kong nahahalata nyang nagsisinungaling ako. Sya pa!
"Sige, kunwari na lang naniniwala ako." Pantitrip nya pa bago tumawa.
"Ano ba! Tinatawanan mo pa ako eh!" Pinalo ko sya sa braso dahil sa nakakainis nyang tawa. "Nagseselos na nga yung tao.." inis ko syang tinalikuran habang bumubulong.
Napaigtad ako ng maramdaman ko syang yumakap galing sa likod. Biglang umakyat ang dugo ko sa aking mukha ng maramdaman ko ang kanyang hininga sa aking balikat.
Shete Daniel! Balak mo ba akong patayin dahil sa suffocation?!
"Sorry.. ang cute mo pa kasing panoorin." Bulong nya sa mismong tenga ko.
Napahugot ako ng malalim pero hindi pa rin makapagsalita. Naramdaman kong humigpit ang yakap nya sa beywang ko kaya napahawak ako sa kanyang brasong nakapulupot sa akin. "I just missed you, baby. Just fucking damn." Napapikit ako bago pakawalan ang hangin na aking naipon.
Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Pinaghalong kilig at kaba.
Humiwalay sya sa akin at kusa akong hinarap sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang labi nya sa akin. Mabilisan lang iyon pero halos maihi ako sa kinatatayuan ko. "Hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sayo. Kaya wag ka ng magselos dyan." Seryosong saad nya pero ngumiti din mayamaya. "I love you.." malambing na sabi nito.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...