***Daniel's POV
"JC, what do you want?" I asked JC when I answered his phone call. Alam kong may gusto o kailangan sya sa akin kaya sya tumawag.
(Grabehan bro! Want agad? Hindi ba pwedeng kakamustahin lang kita?)
"Shut up, JC." singhal ko sa kanya. Umupo ako sa sofa sa condo ko. Nasa condo ako ngayon dahil wala naman akong masyadong ginagawa. Pinacancel din naman ng Ashton High ang pasok ngayon, kaya wala akong magawa kundi ang magkulong sa condo ko. I liked when I'm alone. It's peaceful.
(Okay, okay! Nandidito kami ng SHAYDON sa isa sa mga mall nyo. Namamasyal lang dahil wala kaming magawa.)
"So?" Walang emosyon na tanong ko. Wag nyang sabihin na ikekwento nya sa akin ang mga nangyayari sa kanila.
(Kasama ko si Seth ngayon. Nasa park kami malapit sa mall nyo. Sila Diego, nasa mall sila. Naghiwalay muna kami eh, kaya kami ni Seth ang magkasama. At alam mo ba kung ano ang nadatnan namin?)
"Ofcourse not. Wala naman ako dyan." I said or more like I stated the fact. Malamang hindi ko alam dahil wala naman ako doon.
(Ano ba yan! Nambabara ka eh! So yun na nga, nadatnan namin dito yung dalawa sa tauhan ni Drex. Myembro ng Argon. Pero ang nakakabigla, sugatan sila. Yung isa tulog tapos yung isa naman nakahalumpasay sa sahig habang dinadaing yung sakit na nararamdaman nya. Nadatnan namin sila ng ganon.)
"What's your point, then?"
(Ang point ko lang, hindi ka ba nagtataka? Sino ang gumawa sa kanila non? Sigurado akong may kalakasan yung taong nakaharap nila dahil malubha yung natamo nilang sugat. Kadalasan kasi, tayo lang ang nakakagawa sa kanila sa ganitong kalalang sitwasyon. Knowing Drex, hindi sya basta basta nagpapatalo.)
"Wait, What? Malalang sugat?" Paano sila makakatamo ng malalang sugat? Kilala ko si Drex. Madumi sya maglaro at ginagamit nila yun para walang masugatan sa kanila as much as possible.
(Oo Daniel, yung isang tulog, malala ang tinamo nya. Nabalian sya ng buto banda sa kanan nyang kamay. Feeling ko nga, mapuputol yun eh. Tapos may malaki pa syang pasa sa pisngi at tingnan ko pa lang yon, alam ko ng masakit. Kaya siguro sya nakatulog. Yung isa naman na hindi pa rin tumitigil sa kakasigaw dahil sa sakit, nakatamo sya ng sugat sa hita nya. Bala ng baril yung tumama sya kanya kaya hindi sya makatayo at makalakad. Hawak hawak pa nya yung -you know- nya, kaya siguro kanina pa sya sumisigaw.)
Malala nga. Simple lang ang pagatake ng taong gumawa sa kanila non pero alam nya kung gaano kasakit ang mararamdaman nila. Some questions run in my mind right now, sino ang gumawa sa kanila non?
"So, what do you want me to do?"
(Hindi ka ba nacocurious? Kung sino ang gumawa sa kanila non? Argon yung binangga nya Daniel! Kahit walang kwenta yung mga yon, napakadumi nilang maglaro. At kung hindi sya sanay, matatalo yung taong yon kapag nahanap sya ni Drex.)
JC has a point. Matatalo sya kapag hindi sya sanay sa laro ni Drex. "Asan na yung mga tauhan ni Drex? Nandyadyaan pa rin ba?" Tanong ko kay JC bago isuot ang Jacket ko. Kahit ayaw ko, kailangan kong pumunta sa kanila. "Oo, pero tumawag na kami sa mga pulis at padating na ang mga yon." I immediately ended the call. Kinuha ko ang susi ng kotse bago ako lumabas ng condo ko. I'm little bit curious kung sino ang gumawa sa tauhan ni Drex non.
Pagkadating ko sa parking lot, pumasok agad ako sa kotse ko at pinaandar yon ng mabilis. Doon kami sanay eh. After all, I'm a car racer. Gabi na din pala. Tsk. Dapat natutulog ako ngayon eh. Dumaan ako sa kalsada na walang masyadong dumadaan na kotse. Eto din kasi ang short cut para makarating sa mall. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko dahil maluwang ang kalsada. Wala akong kaagaw sa espasyo. Pero habang nagdadrive ako, may nakita akong babae na naglalakad sa gitna ng dilim. Akala ko sa una, normal lang kaya hindi ko pinansin. Pero maya maya lang, bumagsak sya sa kalsada. Sa una, wala akong balak na huminto. I don't know who is she, and I don't care who is she. Pero katawan ko na ang kusang kumilos. Inihinto ko ang sasakyan sa gilid at lumabasa sa kotse. Pumunta ko sa dereksyon ng babae. Nakahiga na ito sa sahig. Nagdalawang isip pa ako kung lalapitan ko sya o hahayaan na lang. Pero.... nilapitan ko pa rin sya. At nagulat ako sa nakita ko...
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...