***Daniel's POV
Gabi na din ng makauwi ang SHAYDON. Pinilit pa nilang dito na lang ulit matulog pero hindi ako pumayag. Ofcourse, nandito kasi si Kath. May babae akong kasama. At kahit kaibigan ko pa sila, mabuti na ang sigurado. Baka topakin si Lester, mahirap na.
Aaminin kong naging masaya ang araw ko. Mas masaya siguro kung nandidito sina mom and dad. Well, sama mo na din si Clyre. Masyado kasi silang masipag.
Matapos kong ihatid si Kath sa kwarto nya ay pumasok agad ako sa kwarto ko. Pero bago yon, sinilip ko din ang mga magulang nya. Pagpasok ko ay agad akong naglinis. Matapos yon ay umupo ako sa kama ko. Kasabay ng pagkuha ng cellphone.
Compose message
To: ClyreAre you okay there?
Ipinunas ko sa aking buhok ang twalyang nakasabit sa aking balikat habang naghihintay ng text ng kapatid ko. Dalawang araw ko na din syang hindi nakikita. Yun talaga, napakagala.
Message received
From: ClyreOum kuya! Wag kang mag-alala sa akin! Nga pala, kamusta pala si Master S? Sayang! Hindi ko man lang sya nakita.
Compose message
To: ClyreYou can visit him anytime. Kapag hindi ka na busy.
Message received
From: ClyreOkiee! Uhmm, sige kuya! Gagawa muna kami. Malapit na din naman kasing matapos.
Compose message
To: ClyreJust call me if there's something wrong happen.
Humiga agad ako sa kama bago itinapon ang cellphone sa aking tabi. Nakangiti kong pinagmasdan ang kisame. Kung sa tingin nyo ay nababaliw na ako, siguro nga ay pwede nyo yung sabihin. Isa lang naman ang kinababaliwan ko. Si Kath lang at wala ng iba.
*ring ring ring ring!*
Nahinto ako sa pagiimagine ng tumunog ang cellphone ko. Walang tinginan ko yung kinuha bago sinagot ang tawag. "Who are you?" Tanong ko sa normal kong boses.
[Chill, Daniel Kyle!] Sagot ng nasa kabilang linya. Tiningnan ko ang caller I.D. si master S pala.
"Bakit kayo napatawag Master S?"
[Oh well, gusto ko lang ipaaalala sayo ang pinagusapan natin kanina. Hay.. base sa pagkakita ko sa girlfriend mo, mukhang wala pa syang alam sayo Daniel Kyle. Kailan mo ba sasabihin ang sekreto mo sa kanya?]
Alam kong may karapatan si Kath na malaman ang lahat ng tungkol sa akin. Alam kong karapatan nya yon. Pero natatakot ako sa mgiging reaksyon nya. Natatakot akong iwan nya.
F L A S H B A C K (eto po yung umalis si Daniel at iniwan nya si Kath sa SHAYDON dahil pupuntahan nya si Master S. Yung nasa airport pa sila.)
Mabilis akong lumapit sa isang itim na sasakyan ng makita ko don ang lalaking nagaantay.
"Master.." nakangiting bati ko nang makalapit na ako sa kanya.
"Daniel Kyle." Masayang bati nya bago ako yakapin. Pinaalis nya ang mga tauhan nyang nagbabantay sa kanya. Nakapwesto sila hindi kalayuan sa amin. "Hahaha o iho? Bakit wala ka kanina? Bakit yung SHAYDON lang? Sumunod ka lang ba?"
"Sorry Master S. Kasama ako ng SHAYDON papunta dito, kasama din ang girlfriend ko."
"Talaga? Eh asan na sya ngayon? Gusto ko syang makilala." tuwang tuwang wika nya.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...