***
Daniel's POV
"Ganon," Napabuntong hininga ako bago ko harapin si Clyre na ang sama ng tingin sa akin.
"Clyre.."
"Wag mo kong ma- Clyre- Clyre- dyan ha!"
"It's not what you think, okay?" Pagpapahinahon ko sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay.
"Tsk. Tsk." Sinamaan ko kaagad ng tingin si Katsumi ng bigla itong sumabat. Alam kong may sasabihin na naman syang hindi maganda sa pandinig ko.
"Wala akong ginagawa!" Tanggi nya agad habang nakataas pa ang dalawang nyang kamay na animo'y sumusuko.
"Shut. Up." Madiing sabi ko at nakangusong natahimik sya.
Humarap ulit ako kay Clyre na nakataas ang kilay sa akin ngayon. Nandito kami sa canteen sa madalas naming pwesto ng SHAYDON. As usual ay pinaguusapan na naman kami lalo na dahil may bago kaming kasama. Hindi ko masisisi ang iba sa pagtsitsismisan dahil maganda naman talaga si Clyre in or out.
"Clyre, listen to me, okay?"
"It's okay Kyle.. I'm okay."
"But.."
"Look.. hindi ako nagseselos kung yun ang nasa isip mo ngayon. Nakakapagtampo ka lang dahil nung ako ang nagpupumilit sayong gamutin yang sugat mo pilit kang tumatanggi.. pero nung sya.." nakanguso pang aniya.
"Clyre.."
"Hehehe.. ayos lang naman sa akin dahil si Kath naman yon! Hindi mo sinabi sa aking dito sya nag-aaral!" Nanlalaki pang sumbat nya sa akin.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ang akala ko ay magseselos sya sa ginawa ni Kath sa akin kanina.
"Kaklase pa nga namin yun Clyre eh!" Pagsisingit ni JC sa usapan.
"Really?!"
"Yup!"
Masaya nilang pinagpatuloy ang paguusap tungkol kay Kath na nasa kabilang mesa lang na hindi kalayuan sa amin kasama ang mga kaibigan nya. Tahimik lang kami ni Seth at sila sila Clyre lang ang nagkekwentuhan. I am not interested with their topic.
Kinapa ko ang sentido ko na may sugat na ngayon ay nilagyan ko na ng band-aid na bigay ni Kath kanina. Kung tutuusin ay ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako ngayong may sugat.
~FLASHBACK~
Maaga akong nagising dahil may kailangan pa akong gawin. Nagmadali akong maligo at magbihis pagkatapos bago kinuha ang box na nakapatong sa side table ko.
6:00 na ng umaga kaya lumabas ako ng kwarto ko dala dala ang box na kinuha ko.
Naglakad ako sa hallway at huminto sa tapat ng kwarto ni Kath. Hindi muna ako kumatok. Tinitigan ko muna ang pinto bago malipat ang aking paningin sa box na hawak ko.
Ang totoo ay cellphone ang laman nito. Bigay nila Mom kay Kath bago daw ito umalis. Kakapadala pa lang nila nito nung isang araw at ngayon ko talaga balak ibigay. Inutusan pa nila ako kung pwede namang si Manang na lang.
Matagal pa akong tumunganga sa harap ng pinto. At nung kakatok na sana ako ay biglang bumukas ang pinto dahilan para matamaan ako sa bandang sentido at tumilapon ang hawak ko.
~END OF FLASHBACK~
Napabuntong hininga na lang ako bago ubusin ang pagkain na inorder namin.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...