***Kathryn's POV
"Mali ata yung dinadaanan naten?" nakatunghay ako sa bintana ng kotse ni Daniel. Hindi pamilyar sa akin yung dinadaanan namin kaya ko nasabi na mali yon. Hindi kasi ito ang daan papunta sa mansyon.
Pauwi na kami galing sa sementeryo. Nagtagal pa kami ng dalawang oras doon para makipagkwentuhan sa magulang ni Daniel. Nagkwento din kasi sya sa mga alala nya sa magulang nya. Kaya eto, inabot kami ng pasado alas dose.
Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa tumatawag sa akin sina nanay. Maging sina tita kylie kay Daniel eh gabi na wala pa rin kami sa mansyon. Siguro nagpaalam si Daniel sa kanila nung papunta kami o bago kami umalis.
May tiwala naman ako sa kanya eh.
"May pupuntahan pa tayo." Sagot nya.
"Ha?! Ng ganitong oras?! Seryoso ka ba?!"
"Oo."
"At anong pumasok sa utak mo para mag date sa ganitong oras?!"
"Sinabi ko bang magdedate tayo?"
Okay. Ouch. Ouch talaga. Pisti.
"S-sorry.."
"Joke."
"Peste ka!" Hinampas ko pa sya sa braso dahil pinagtripan nya ako. Nakakainis! Akala ko pa naman napahiya na ako eh!
"Tinutupad ko lang ang hiling mo." Sabi nya matapos tumawa.
Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Anong hiling?"
"Sabi mo gusto mo akong makitang makipagkarera diba? Eto, tinutupad ko na."
Biglang nagliwanag ang mukha ko sa tinugon nya. Napapalakpak pa ak osa sobrang tuwa. "Talaga?"
"Oo."
"Yiiieee! Excited na ako!!!! Kasama ba ang SHAYDON?"
"On the way na rin sila."
Wahhh! Exciting 'to men!
***
*lunok*
*lunok*
"E-eto ba talaga yung lugar? S-sigurado ka ba?" Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Daniel pagkababa ko sa sasakyan nya.
Napatawa naman sya bago tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanyang braso at hinawakan nya ako sa balikat. "Wag kang matakot. Nandito naman ako eh."
"Baka kasi may m-multo!" Takot ako sa multo! Pramis! Mahihimatay talaga ako kapag may nakita akong multo dito!
"Wala yan."
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, lalo lang akong kinilabutan. Ang dilim dilim at ang tahimik tahimik sa lugar na 'to. Malawak sya at malinis din. Kitang kita ang patag na kalsada. Na para bang ginawa talaga iyon sa pakikipagkarera. Ang lamig ng hangin kaya bahagya akong nanginginig. Iba pa yung panginginig ko sa takot. Ang creepy kasi dito! Ito ang lugar na perfect para sa mga horror films. Mapuno sya at talagang walang nagdaraang sasakyan. Para din kasi itong tago. Hindi mo talaga makikita kapag gabi depende na lang kung alam mo ang lugar na ito.
Napalingon ako ng makarinig ng mga tunog ng kotse. Napapikit ako sa mga ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan na padating. Kanya kanyang hilera sila sa likod ng kotse ni Daniel. Ang gaganda ng mga kotse. Mamahalin.
Lumabas sa mga kotseng iyon ang SHAYDON. Lahat sila nakaporma. Puros pa sila nakaitim. Si Katsumi ay may shades pa. Inaalala ko tuloy kung makakakita pa kaya sya nyan eh madilim na nga may shades pa sya.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...