***
Katsumi's POV
Oh, hello sa inyo! Akala nyo ba patay na kami? Oh no no no no! Isa lang ang tatandaan nyo, WALANG MAKAKATALO SA SHAYDON! *kamay sa dibdib*
"Mahal na prinsipe! Mahal na prinsipe!"
"Kyaaaa! Mahal na prinsipe lumabas kayo dyaaan!"
"Ang prinsipe ang kinakausap mo umayos ka nga dyan!"
"I love you na mahal na prinsipe! Hinding hindi ko na talaga iiwan ang bansang 'to!"
"Mahal na prinsipe lumabas na kayoooo!"
Natawa na lang ang gwapong si ako sa mga taong halos hindi na magkamayaw sa paghawak sa kanilang cellphone habang nakaabang sa labas ng palasyo upang salubungin ang paglabas ng mahal na prinsipe nila.
Iba talaga ang kamandag ni Daniel, pati sa ibang bansa dinadala.
Pasimple akong pumasok sa loob ng palasyo para hindi makasalubong ang mga taong hindi na magkamayaw makita lang ang kanilang iniidolo. Mahirap na.. baka ako naman ang pagkaguluhan nila. *wink*
Nang makapasok ako sa loob ng gate ay paprente prente pa ako sa paglalakad papasok. Ang sarap ng hangin eh! At saka ang ganda ganda kaya dito sa palasyo. Ang daming guards. Ang daming kawal. Hahaha ang daming nagaasikaso!
"Hey bossing!" Bati ko kay boss pagkapasok ko sa King's chamber. Oha, may tawag pa kami sa meeting place namin dito sa loob ng palasyo.
Ito ang King's chamber. Kung saan nagaganap ang malaking pagpupulomg ng hari at ng mga pinagkakatiwalaan nyang opisyal para sa mga plano nya sa bansa.
Inikot ni bossing ang swivel chair nyang black paharap sa akin. Nakaharap kasi sya sa glass wall kung saan kitang kita ang mga nagkakagulong tao sa labas.
"Wala pa sila Zack?" Tanong ng pogi kong boss sa akin.
"Wala pa boss! Pati nga sila Lester ulul wala pa rin eh." Natatawang sabi ko bago umupo sa aking napakalambot na upuan. Hay.. sarap talagang umupo sa upuan! Umupo sa napakalambot na upuan.
Bumalik ulit si Daniel sa pagtingin sa mga tao. Dahil inggitero ako, tumabi ako sa kanya at nakitingin din sa labas. Tutal kaming dalawa lang naman dito, hahaha hindi ako late ngayon! Achievement!
"Anong balak mo boss? Hindi mo pa rin ba sila lalabasin? Araw araw na yang mga yan nandyadyan ah.." kamot ulong saad ko. Totoo yon, hindi lumilipas ang isang araw na hindi napupuno ng tao ang gate na yan.
Sa sobrang kagwapuhan ko yata kaya nagkaganon.
"Once is enough." Natawa ako sa naging sagot ni Daniel. Naalala ko tuloy ang unang beses nyang pagharap sa mga tao. Grabe! Iyon yung unang taon nya sa pagkakaupo sa kanyang trono. Nakabroadcast pa naman sa lahat yung interview nya na yon na kaming SHAYDON rin naman ang kumuha. Nilahad nya ang lahat ng gagawin nya para sa bansa doon, maging ang dahilan kung bakit sya ang magiging hari. Pati yung gulong naganap naisama nya rin. Kaya nga simula nung araw na yon, dumagsa na yung mga tao dito. Bukod kasi sa nainlove sila sa itsura ng prinsipe, humanga din daw sila sa kakisigan ng binatang prinsipe. Plus pa daw na sya ang dahilan kung bakit sila nakalaya na. Sya daw ang hero nila.
"Hahahaha! Damot damot naman this boy! Isang ngiti mo lang naman eh! Solve na yang mga yan!"
Sa loob mg tatlong taon, wala syang ibang inatupag kundi ang pagsasaayos ng bansang ito. Tinanggal nya ang lahat ng krimen. Lahat ng masasamang gawain. Pinalitan nya din ang mga nasirang tahanan at establisyemento na sinira ng dati naming kalaban na Dark Guild (pero di na ngayon dahil friends friends na kami eh hehe.) Ipinaayos nya ang mga nasirang lugar. Gumastos sya ng napakalaking halaga para maging maayos ang bansang nasasakupan nya.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...