***
Kathryn's POV
Nanlaki yung mata ko sa ginawa nya at sa tanong nya kaya naitulak ko sya kaagad. Napatingin ako sa SHAYDON na nakangisi sa amin pero halata mo pa ring nagulat sila. Tiningnan ko naman si Daniel na nakapoker face at nakapamulsa na nakatingin sa akin.
"HA! KAPAL NAMAN TALAGA NG MUKHA MO EH NOH?! WALA AKONG GUSTO SAYO! AT LALONG HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SAYO!" pero syempre.. joke lang yun! Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya, na nafall na talaga ako kahit noong hindi nya pa itinatanong.. kasi.. hindi pwede..
Naalala ko bigla yung sitwasyon namin.. Mahirap lang pala ako at mayaman sya.. mayamang mayaman..
"A-ahh a-ano.. kailangang ko ng umalis." Sabi ko sa kanila ng nakayuko sabay kuha ng tray at lakad paalis. Nakitang kong kumunot yung noo nya siguro dahil bigla akong nagbago ng mood. Hindi ko na lang pinansin at tuluyan ng umalis. Biglang kumirot yung bandang dibdib ko..
Ba't kasi sa kanya pa ako nahulog eh.. ba't sya pa yung napili ng puso ko.. ang layo ko sa kanya.. ang layo..
Pagkalabas ko sa kwarto nila, sumandal muna ako sa pintuan sabay hingang malalim. Kailangan kong pakalmahin yung sarili ko kasi pakiramdam ko naiiyak ako ngayon..
Naiiyak ako sa katotohanang hindi kami pwede. Na hindi ko sya pwedeng mahalin o magustuhan man lang.. kasi unang una, wala naman syang pakealam at sinasaktan ko lang yung sarili ko.. pangalawa, mahirap ako at mayaman sya.. sobra.. pangatlo, ang hirap umasa. at alam kong alam yun ng karamihan sa inyo
Naglakad na din ako paalis doon at tinuon na lang sa trabaho yung atensyon ko. Masakit pa rin isipin.. pero anong magagawa ko? Wala na eh.. hulog na ako. Pero susubukan ko.. susubukan kong bumangon. Gusto pa lang to, kung pipilitin ko, makakabangon ako.
Napaka pafall naman kasi ng lecheng Daniel na yun! Hindi naman magawang panindigan!
"Huy, ayos ka lang?" Tanong ng kasamahan ko sa trabaho. Si Mandy. Ate Mandy actually. Pero ang sabi nya, Mandy na lang daw kasi isang taon lang naman daw yung agwat namin.
"Ayos lang.. ayos lang ako." Sagot ko pero mukhang hindi sya nainiwala.
"Weh? Neknek mo! Anong problema mo? Pwede mo naman akong kwentuhan eh." offer nya. Nakaupo kami ngayon sa counter. Wala na din naman kasing umoorder kaya nakakapagpahinga kami ngayon.
"Mandy. Naranasan mo na bang mahulog sa isang taong hindi ka kayang saluhin?" Diretsahang tanong ko. Uminom muna sya ng tubig bago ako tingnan. Kailangan ko ng advice ngayon na. Hindi ko naman pwedeng tawagan si Julia at papuntahin dito kasi for sure, natutulog na yun ngayon.
"Oo." Sagot nya.
"Anong naramdaman mo?" Ang tanga Kath! Malamang masakit!
"Nung una masakit. Pero nagawa ko namang makabangon eh. Kaya ayun, madaling humupa yung nararamdaman ko. Bakit? Ayun ba yung dahilan kaya parang hindi ka maayos ngayon?" Tanong nya pabalik sa akin kaya tumango ako.
"Pero gusto ko pa lang naman yun. Kaya makakabangon din ako kagaya mo." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"Pero hindi lahat nakakabangon tandaan mo yan." Yun na nga eh! Ang hirap naman ng sitwasyon ko ngayon.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...