HIS POINT OF VIEW

848 26 1
                                    

***

I stared at the blank wall. Reminiscing my happy memories in this world. I don't want to die.. yet. Not yet..

I am the leader of the famous group, SHAYDON. I am also the leader of the secret organization, DRIOVIS. And now, I will be become the king of this country, LAMBORD.

Sinuot ko ang black gloves ko at ang itim kong sumbrero bago lumabas ng kwarto. Nang makababa ako sa first floor, bumungad agad sa akin pagkabukas ng elevator ang mga tauhan ni Master S na naghahanda na para sa laban. Bawat isa sa kanila ay may dalang armas na maaari nilang gamitin mamaya. Sinigurado namin na lahat ng hawak nila, ay kaya nilang kontrolin.

Lahat ay may suot ng itim na leather Jacket na may tatak sa bandang kanan sa taas na 'DON'T DIE.'

As much as possible, gusto ko na walang mamatay sa amin pagkatapos. Gusto ko na kompleto pa rin kami. Kaya iyan ang naisip ko para paalalahanan ang bawat isa sa kanila.

Ibinaba ko ang cap ko at pumunta sa practice room kung saan naghahanda ang SHAYDON.

"Kyle.." Nagsitayuan silang lahat ng makita ako. Pumorma sila ng isang linya paharap sa akin.

Inisa-isa ko silang tinitigan. Walang emosyon ang mga mata nila. Sa simpleng pagtingin, makikita mo na kaagad na wala silang awa.

Bumuntong-hininga ako bago pasadahan ng paningin ang SHAYDON. Ito ang totoong kami. Ito ang SHAYDON na kilala ng karamihan. Mga walang awa. Kayang pumatay. Walang pinipiling oras para kumitil ng buhay.

"This is the last," paalala ko.

Biglang lumamlam ang mga mata nila. Sabay sabay silang ngumiti sa akin. "Yeah.. this is the last." Ito na ang huling araw na papatay kami.. ito na.

"Bilisan nyo, aalis na tayo." Huling sabi ko bago sila talikuran at nakapamulsang naglakad papunta sa pintuan. Bago ako tuluyang makalabas, binigyan ko sila ng huling sulyap. "SHAYDON.." tawag ko sa kanila. Napahinto na naman sila sa kani-kanilang ginawa at sabay sabay na tumingin sa akin. Ngumiti ako ng tipid bago itinuro ang burda sa kanilang jacket. Sabay sabay silang napatingin doon. ".. don't die." sabi ko.

Napangiti sila bago sumaludo. "Sama-sama tayo dito, Kyle. At naniniwala akong hindi pa ito ang huling pamamalagi natin sa mundo." Sabi ni Diego.

"No one can defeat us.."

"I know.." Tumango ako ng dahan-dahan. "Pero kung ito na nga ang huling araw naten, sana naman kahit papaano naging masaya kayo."

"Basta sama-sama tayo! Panalo!"

Natawa na lang ako bago tuluyan ng lumabas.


I hate this feeling..

***

Nang magdilim na ang gabi, tahimik na nagsibabaan ang mga tauhan ni Master S sa mga kanya-kanya nilang kotse. Ipinarada muna namin ang mga sasakyan namin kanina sa hindi mataong lugar. Ngunit kitang-kita ang kuta ng Dark Guild.


Ilang myembro din nila ang nakita naming pumasok doon. Prente pa sila at mukhang wala talaga silang alam na nandidito na kami.

Sinenyasan ko sina Lester at JC na asikasuhin ang iba naming kasama. Bumaba silang dalawa sa sasakyan. Sumunod kong inutusan si Katsumi na i-clear ang daan papunta sa base ng Dark Guild. Sya ang magaling sa larangang yon.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon