***
Daniel's POV
I was holding my cellphone since then but there was no call or text from Clyre. Hindi ko alam kung nakalimutan nya bang tawagan ako o may nangyari ng hindi maganda.
We have an agreement before I left them, I told her to monitor Kath while I am away. I want her to update me about Kath's life without me there. I want to be sure if she is okay.. or should I say if she is still single.
Gusto kong makasigurado na wala pang nakakapalit sa pwesto ko. Kasi kapag nagkataong wala pa, mag-aaply ulit ako sa trabaho ko sa kanya.
Ngayong ayos na ang lahat, wala na akong aalalahaning ayusin, wala na akong kakalabanin. Hindi na ako mangangamba sa kaligtasan nya at sa buhay ng mga tao dito sa Lambord, gusto ko ng bumalik sya sa akin.
Kasi sa pagkakataong 'to, sigurado na ako na ipapakilala ko sa kanya ang mundo ko. Ang totoong ako.
"Oh? Anong itsura yan?" Tiningnan ko si Zack na unang pumasok sa chamber. Sumunod si Diego at Seth.
As usual, umupo sila sa kanya-kanya nilang couch. Kung sa tingin nyo ay long table lang ang laman ng chamber na 'to at ibang mechanical or technology appliances, nagkakamali kayo. Malawak ang chamber. Meron itong living room kung saan madalas kaming tumatambay kung hindi naman kami naguusap ng seryosong bagay. Meron din itong comfort room, ofcourse. Lima actually. At isang kwarto. Pero yung kwartong yon, para lang yun saken. Nakakapasok sila, pero hindi nila pwede yung gamitin. Meron pa nga din itong mini kitchen, dahil halos lahat sa kanila, laging gutom. Marami pang iba pero hindi ko na iisa-isahin. Nakakatamad.
Umupo ako sa black couch (which is mine) habang nakatitig pa rin sa cellphone ko. Hoping na sana umilaw yon at lumabas ang pangalan ni Clyre sa screen.
Linggo ngayon. At hindi sya pumapalya sa pagtawag sa akin para lang sabihin sa akin ang nangyayari sa Pilipinas. Gusto ko na kapag bumalik na ako, may alam ako sa kanila kaya ko 'to pinapagawa sa kanya.
Paulit-ulit kong tinatap ang cellphone sa aking binti. Habang ang isang siko ko ay nakapatong sa aking tuhod at nakapangahalumbabang nakatingin sa ibaba habang nakakunot ang noo. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano.. pero di ko mapigilan.
"Gutom ba sya?" Rinig kong tanong ni Seth kay Zack kahit na bulong lang yon. "Pakainin kaya naten? Nang bumalik sa katinuan."
"Baka nababankrupt na." Alam kong nag-aasar ang tawa ni Zack pero hindi ko na lang pinansin. Mas mahalaga pa ang iniisip ko kaysa sa kanya. Tsk.
"Lul bro! Haha! Si Kyle? Sus.. di mababankrupt yan!" Sabi ni Diego.
Naiangat ko ang paningin ko ng biglang bumukas ang pintuan ng pagkalakas-lakas.
"PARTEH PARTEH!" Naiangat ko ang isa kong kilay habang pinagmamasdan ang sunod sunod na pagpasok ng SHAYDON sa chamber. Sumasayaw-sayaw pa sila habang nakaangat ang isang kamay na animo'y nagpoprotesta. "HAHAHA! PUTEK! SAYAW TAYO GUYS!" Panghihikayat pa ni Katsumi kanila Seth na nakataas din ang kilay sa kanila.
"Anong nasinghot nyo?" Kunot-noong tanong ni Zack.
"hala?!" Biglang sigaw ni JC kaya sa kanya napunta ang atensyon namin. Nanlalaki ang mata nyang nakatingin kay Zack na parang nagulat sya sa tanong nito. "Guys! Ano daw yung nasinghot natin?!" Baling nya sa mga kasama nya. Napairap ako sa kalokohang ginagawa nila.
"Hala?! Di ko matandaan!" Sigaw ni Lester na nakatingin pa sa kisame. Kinalabit nya si Katsumi na sumasayaw pa rin sa isang tabi. "Ikaw? Natatandaan mo?"
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...