***
Kathryn's POV
No!!!! Hindi maaari!!! SYA?! sya yung anak ni Sir Ashton?! Yang mayabang na yan?! Waaah! lord bakit?!!!
Pagtingin nya sa direksyon ko biglang kumunot ang noo nya. Pinakatitigan nya ako bago humakbang. OMYGOD! OMYGOD! lumalapit sya!!! Tulong!!!! huhuhu. Naglakad sya papunta sakin kasama yung mga kaibigan nya. Nakakatakot yung mga tingin nya! Parang......parang papatay. Waaah! Ano ng gagawin ko? Yung tapang ko nung nasa condo nya kami ay nawala. Kitang-kita ko na ng malinaw ang mukha nya. Walang emosyon at napakaseryoso. Mahirap basahin ang mata nya, ang mga kilos nya ay nakakahanga.
Nu ba naman kasing pinasok mo kath eh. Nakakainis! Ang tanga ko lang dahil hindi ko alam na sya pala ang anak ni Sir Ahston. Kung ano ano pa yung pinagsasabi ko sa kanya kagabi. Napakaimportante nya pala talagang tao. Nakakahiya ka Kath! Sobraaa!
Unti unti din namang nagbibigay ng daa yung mga estudyante para makadaan sila. Nasa bandang dulo kasi kami ni Juls eh! Kaya ewan ko kung ako ba yung pupuntahan nya!! O talagang assuming lang ako. Bawat paghakbang nila ay napapalunok ako. Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko kahit gustong-gusto ko ng umalis. Nakakainis dahil nahihila nila ang mata ko. Ang mata naming lahat dahil hindi namin maalis ang paningin namin sa kanila.
Ang swabe ng mga kilos nila. Ipinapakita non kung gaano sila kayaman. Kung gaano sila kaimportante. Kung ano ang antas nila sa buhay. Kung ano ang kaya nilang gawin. Pero mas kahanga hanga ang nagagawa nung nasa gitna. Sino pa ba? Syempre, yung anak ni Sir Ashton. Kase, yung simoleng galaw lang para sa kanya. Nakakahanga na yun para sa amin. Para din syang may magnet, kapag kasi naglilibot ang mata ko, sa kanya pa rin ang bagsak nito.
At tama nga ako! Ako nga yung pinuntahan nya! Nakilala nya pa ako nun?! Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang napako ako sa kinatatayuan ko ngayon. Nakatitig lang ako sa kanya. Sa mukha nyanv sobrang seryoso. Nakakapangilabot.
Ramdam ko ang mga masasamang tingin ng mga babae sakin. Eh pano ba naman kasi, nasa harap ko yung tinitilian nila!.vTapos... tapos yung lalaki.... ang sama ng tingin nya sakin parang papatayin nya ko ng di oras. Isang maling galaw ko lang!!! nasa hukay na siguro ako. Kung hindi ako magiging alerto.
"So..." cold na sabi nya ng hindi nakatingin sa akin. Nakatingin sya sa susi nya na pinapaikot nya sa kanyang daliri. Yung mga kaibigan nya, nasa likod nya lang at nanonood sa amin. Mga nakapamulsa pa sila at tila enjoy na enjoy yung mga nakikita nila ngayon habang etong nasa harap ko bored na bored na sa mga nangyayari. Bakit parang...... parang may nararamdaman akong masamang mangyayari ngayon? Sya ba yung masamang mangyayari, o may iba pang susunod? Parang mas pipiliin ko pang mamatay ng sinusunog ako, kaysa mamatay sa masasama nyang titig.
"It's YOU! The only one who f*cking entered my condo without my P.E.R.M.I.S.S.I.O.N!" Sabi nya sabay tingin sakin. Nakakatakot sya. Promise.
Walang halong biro, dahil sa sitwasyon ko, hindi ko na kaya pang magbiro ng kung ano ano Bakit ko ba kasi ito ginalit eh? ako tuloy ngayon ang kakawa. Dapat talaga hindi na ako sumama kay Julia na pumunta dito, edi sana, nasa mabuting kalagayan pa ang buhay ko. Hindi tulad ngayon, ang daming matang nakatingin sa akin. At mukhang aatakihin pa ako sa puso."Uhmmm a-ahhh h-hi?" sabi ko sa kanya sabay ngiti ng pilit. Pero parang mali ata yung ginawa ko mas lalo syang nagalit sa akin. Huhuhu. Ano ba dapat kong ginawa? Tama lang naman diba? Batiin ko muna dapat sya bago magsimula ang digmaan. Tama naman ako eh!
"I'm not joking around with you miss." sabi nya habang nakatingin sakin ng sobrang sama. Palapit sya ng palapit sakin kaya naman paatras ako ng paatras. Hindi naman kasi ako nagbibiro. Ano bang akala nya? Puro biro ako? Eh kitang nasa panganib ako ngayon, makukuha ko pa bang magbiro?
Umatras ako ng umatras. Palayo ng palayo sa kanya. Umaasang hihinto sya pero nagkamali ako.
Hanggang sa wala na akong masandalan. Nakasandal na ako sa kotse ngayon. Nasa parking lot nga kasi kami diba? Tuloy ay napakapit ako ng mahigpiit sa kotse. Habang nakatingin sa kanya, medyo kinakabahan na ako. Gustong gusto kong tumakbo pero ayaw makisama ng katawan ko. Pinagtataksilan ako.Inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko pagkatapos may binulong sya sakin na talaga namang nakapagpatindig ng balahibo ko.
"You'll pay from what you did. Mark my word." huling sabi nya bago umalis kasama ng mga kaibigan nya. Nakakatakot sya, sobra sobra.
"Bes! Uyyyy ayos ka lang ba? Ha?!" Tanong agad sakin ni juls pagkalapit na pagkalapit nya. Wala sa sariling napatango ako. Alalang alala na namin ko kasi sya.
"Huh? Oo ayos lang." Kahit hindi talaga. Nakakatakot kasi yung lalaking yun. Ni hindi ko pa nga alam yung pangalan nya. Pero hindi ako magpapadala sa takot. Kala nya ha?! Hindi din kaya ako basta-basta. Kaya ko din namang protektahan ang sarili ko eh, ewan ko lang, kung uubra ako sa kanya.
"Bes!!! Paktay ka talaga!!! Sya pa yung nakabangga mong babaita ka. Ano bang ginawa mo? Parang may galit talaga sya sayo." Tanong nya bago ako hawakan sa balikat. "Kath, may ginawa ka no?" Tanong nya. Tumango naman ako dahilan para manlaki ang mata nya. "Meron nga." Saad ko.
"Sa dinami-dami, bakit sya sya pa?!"
" Ang OA mo! Tara na nga lang. Kung nag-aalala ka sa akin, ayos lang ako. Hindi mo kailangan mag-isip ng kung ano-ano." Nagpakawala sya ng malalim na buntong-hininga. Mukhang naniwala naman sya sa sinabi ko. Wala din namaa syang magagawa kung hindi ang maniwala. Kilala ako ni Julia, alam nyang totoo ang sinasabi kong kaya ko ang sarili ko. Kaya ko talaga, pero hanggang maaari, ayaw kong may nadadamay sa mga mahal ko sa buhay. Mahirao lumaban kapag may nadadamay na maraming tao. Delikado. Masyadong delikado.
"Hay naku bes, bahala ka nga sa buhay mo. May tiwala naman ako sayo eh. Pero, humanda ka na. Mukhang marami ka ng kaaway ngayon. Tsk tsk. Babaita ka talaga." sabi nya sabay tingin sa mga babaeng nakatingin sakin ngayon ng masama. PATAY NA TALAGA. Wala na akong takas sa pinasok ko. Mukhang dito sa paaralang 'to luging lugi na agad ako. Kahit hindi pa nagsisimula ang lahat.
______________________________________________________________________________________
~KN~
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...