23. Dark Guild

1.1K 28 0
                                    

***

Kathryn's POV

Kung pwede lang pumatay ng tao, nagawa ko na yon kanina pa. Kaso hindi ako marunong at wala din naman dito yung papatayin ko.



"Hindi ba pwedeng magpahinga?" Tanong ng isa naming kasamahan. Si Leah.



"Hindi! Walang pwedeng magpahinga!" sigaw ni Cherry sa kanya kaya nanahimik na lang ulit sya.



Kanina pa kasi kami sumasayaw dito. Walang pahinga. Bawal magpahinga. Nagpatawag sila ng meeting kuno, pero ang nangyari, pinapahirapan nila kami.



"Lambutan nyo pa girls! Wala pa ba kayong ilalambot?!"



Napairap na lang ako sa hangin sa sinabi ni Cherry. Palibhasa kasi sya hindi sumasayaw. Nakatayo lang sya sa harap namin at pinapanood lang kami. Sya kasi yung ginawang leader ng SHAYDON para maglead sa amin. Syempre, tuwang tuwa si bruha.



"Bes, papatulan ko na talaga yang bruhang yan! kanina pa sigaw ng sigaw wala namang naitutulong! Dapat ikaw na lang yung leader eh. Kanina pa tayo pinapahirapan eh." Inis na sambit ni Julia.



"Sabihin mo yan sa SHAYDON mo"



"Baka mautal pa ako, wag na!" Ang bilis nyang tumanggi pero sa loob loob nyan gustong gusto na nyang makausap yung SHAYDON.



May mga nagquit na kanina. Hindi dahil sa ayaw na nila, kundi dahil tinanggal sila ni Cherry. Lagi nya kasing pinupuna yung mga babaeng nakatingin sa SHAYDON na nasa harap namin. Mayroong glass sa pagitan ng SHAYDON at namin. Para bang dalawang kwarto na pinagsama pero hinati sa dalawa tapos yung ginamit na panghati eh glass. Para makita nila kami at makita namin sila. Kaso nga lang ang kaibahan, naririnig nila kami pero hindi namin sila naririnig. Kaya pwede silang mag usap ng kahit ano. Pa VIP pa kasi yang mga yan. Ginawa nilang condo yung pwesto nila.


Si JC nakaupo sa sofa habang kumakain at nanonood sa amin. Para syang nanonood ng sine kasi nakataas pa yung dalawa nyang paa sa lamesa.


Si Lester naman sumasayaw habang nanonood sa amin. Kaya nga ang daming natanggal kasi napapahinto sila at mas pinipiling manood na lang sa kanya. Eh bawal pa namang huminto dahil kautusan yun ng PRESIDENT.


Si Seth nakaupo lang sa upuan habang may earphone sya sa tenga pero nakatingin ng seryoso sa amin.


Si Katsumi naman, nakikiagaw ng pagkain ni JC.


Lahat sila seryosong nanonood sa amin. Maliban na lang kay Katsumi na patuloy pa ring nakikiagaw ng pagkain ni JC. Kaya hindi naming maiwasang mapressure. Para kasing sinasabi ng mga mata nila na "Once na nagkamali ka, wag mo ng aasahang buhay ka pa bukas"


Kung tinatanong nyo naman kung asan si Daniel, pwes WALA SYA. As in wala. At magpasalamat syang wala sya dito dahil mapapatay ko talaga sya ngayon!



Oo! Alam ko na sa sarili ko na gusto ko sya! Gusto ko na si Daniel. Matapos nung nangyari sa CR. Pero wala akong balak ipaalam sa kanya. Gusto palang naman hindi pa mahal. Kaya ko pang pigilan kung saka sakali.



At sa oras na to, gusto ko ng pigilan yung sarili kong magustuhan sya! Nakakainis sya! Nakakabwiset! Ang sarap nyang patayin ngayon! Hindi pa rin pala mawawala sa kanya ang pagiging bossy kahit kailan! Di ko alam sa sarili ko kung bakit ko sya nagustuhan! Langyang pusong to oh! Ang bilis mafall! At sa lalaking walang pakealam pa! Great. Just great.



Sya kasi ang nagtalaga kay Cherry bilang Dance Leader namin bago sya umalis.
Sya din ang nagpatawag ng meeting dahil sya ang PRESIDENT ng club na to, pero langhiya! Umalis ba naman kaagad! May tumawag lang sa kanya aalis na sya ng ganoon kabilis! Eh wala pa ngang isang minutong nandidito sya. Gaano ba kahalaga yung kausap nya sa phone para iwan kami sa ere?! Emergency ba emergency?!


That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon