25. Help.

1.1K 27 3
                                    

***

Kathryn's POV


"Waaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!! Huhu!!! Ayaw ko! Ayaw ko!" Huhuhu tulungan nyo ko!!!! Mami! Dadi!

"Ang OA Kath ah! Umayos ka nga!" Sigaw sa akin ni Julia sabay hatak na naman ng damit ko para alisin ako sa pagkakapit sa railings ng hagdan namin. May warak na nga ito eh, balak pa ata nila sirain dahil kanina pa nila ako hinahatak.

"Huhuhu! Kayo na lang! Jusko! Hindi na ako makakauwi ng buhay!" Hindi na talaga! Alam ko na yun!

"Ayyy grabehan Kathy ah! So ayaw mo kami kasama?" Ayaw na ayaw!

Sino ba kasi ang may gusto na sumama sa kanila kung lahat sila ay shoppoholic! Oo lahat sila! Hindi ko alam na mahilig din palang magshopping itong sila Cristine, Sofia at Genemy kaya tuloy ang bilis nilang magkasundo ni Julia! Huhuhu. Pagod na pagod na nga ako kapag si Julia lang eh, paano kaya kapag sila pang tatlo?! Mamamatay ako nun mga bes!

"Kathryn Alexis Salvador. Umayos ka kung ayaw mo pagsuotin kita ng maiksing dress mamaya." Bakit kasi walang pasok ngayon eh! Huhu. Binablock mail na naman ako ni Julia!

Nagtext yung school sa lahat ng estudyante sa Ashton High na wala daw pasok ngayon. At nagulat na lang ako dahil sinugod ako ng mga bruhildang to sa bahay! Nagplano pala silang magmall tapos idadamay ako!

Nagpaalam pa sila kanila nanay, pinayagan sila syempre. Kasabwat nila yun eh. Umalis na din kaagad ang mga magulang ko kaya hindi na ako nakaangal. Ako nga hindi nila natanong kung gusto ko ba? Hinila na lang nila agad ako.

"Kath. Ayos na kela tita oh. Ikaw na lang inaantay namin." Sabi ni Sofia.

"Huhuhuhuhuhu! Ayaw ko talaga!"  Magwawala na talaga ako dito! Paano ba ako makakatakas sa kanila?!

"Kathryn."sabay nilang sabi. Lahat sila nakatitig sa akin ng seryoso kaya napabitaw ako sa pagkakapit sa hagdan at napaayos ng tayo. Okay. Natakot ako dun ah. Huhu. Tinatakot nila ako!

"Magbihis ka na!" Sigaw ulit nila sabay tulak sa akin papunta sa banyo. Wala na talaga akong kawala.

Naligo na lang din ako kahit labag sa loob ko. Nang matapos na akong maligo lumabas na ako sa banyo. Nakita ko sila na may hawak na damit. Jusko! Pati damit ko sila pa rin mamimili! Wag naman sana maiksi yan dahil hinding hindi ko yun susuotin!

Laking pasasalamat ko at hindi maiksi yung napili nila. Pumunta kaagad ako sa kwarto ko dahil naiinip na daw sila. Kung iwan na lang nila ako edi natuwa pa ako non! Sinuot ko na yung damit na napili nila para sa akin. Longsleeves na white pero may butas sa bandang gilid. Parang off shoulder na pinahaba. Tapos paldang kulay black na above the knees. Pinartner ko dun eh flat shoes na dark blue dahil panigurado, mananakit yung paa ko kapag nagheels ako. Lalo pa't sila ang kasama ko.

"KATHHHHH!!!"


"ETO NA!!!" Mabilis akong bumaba sa hagdan nang matapos ko ng ayusan yung sarili ko. Pagkababa ko, nakita ko sila na nakaupo sa upuan at nagkekwentuhan tungkol sa mga pupuntahan namin mamaya, sa mga bibilhin nila. Sila na magastos! Naku! Sayang pera!

Pagkakita nila sa akin, hinila agad nila ako palabas. Mga brutal! Kanina pa nila ako hinihila! excited na excited eh!

***

*After 2 hours*

"Waaaahhhh! Pahinga muna tayo! Pagod na ako!"

"Hay naku Kathy! Keribels mo pa yan!"

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon