***Kathryn's POV
Nanlaki ang mata ko nang biglang tumilapon si Zack dahil sa malakas na suntok. "DANIEL!" agad na sigaw ko at pinigilan sya sa muling pagsugod ulit. Nanginginig ang kamay nya na parang gustong manakit ng tao nito. Ang mga mata nya ay naging seryoso din, maging ang kanyang aura.
Tiningnan ko si Zack na nakaupo sa lapag habang pinupunasan ang dugo sa kanyang labi. Hinigpitan ko ang hawak sa braso ni Daniel para hindi sya makalapit dito.
"Hindi ko hahayaang mapunta sya sayo, Emith. Magkakamatayan muna tayo." Seryosong saad ni Daniel habang nakikipagtitigan ng seryoso kay Zack. Tumayo si Zack mula sa pagkakaupo. "Handa ako, basta ba, sya ang premyo." Nakakalokong saad nito bago ako sulyapan at nginisian si Daniel. Ang kaninang seryosong mukha ni Daniel, mas naging seryoso pa. Nakakatakot na ang aura nya.
"Fuck. You." Madiing saad ni Daniel kay Zack. "Gusto mo sya bilang premyo?" Bigla ay ngumisi si Daniel kay Zack na syang ikinagulat nito. Maging ako. Anong gusto nyang palabasin? Na papayag sya sa gusto ni Zack? "Yun ay kung papayag ako." Bawi nya na nakapagpahaplos sa puso ko. Akala ko.. akala ko ipamimigay na nya ako.
"Kung hindi kita madadaan sa ganitong usapan. Mabuti pa na si Kath na lang ang kausapin ko. Sasabihin ko sa kanya lahaaat.. ng alam ko tungkol sayo." Nakangising saad ni Zack. Naramdaman ko ang pagtigil ni Daniel. Bumalik sya sa dating walang emosyong mukha matapos marinig ang sinabi ni Zack. Nagtataka akong sumulyap sa kanya ngunit deretso lang ang kanyang tingin. Ano bang ibig sabihin ni Zack sa sinabi nya? Bakit kailangang ako pa? "Payag ka na ba don? Daniel Kyle Ashton.. marami pa naman akong ikekwento sa kanya. Tungkol lahat yun sayo. Paano ba naman kasi, kilala na kita?" Nakakainsulto ang way ng pagsasalita ni Zack. Ang ibang side nya ay ngayon ko lang nakita na syang ikinagulat ko. Para bang lumalabas sa kanya na malakas sya. Na kaya nyang makuha ang mga gusto nya. Na kaya nyang patumbahin ang humaharang sa dinaraanan nya.
Nag-aalalang tumingin ako kay Daniel. Wala pa rin syang emosyon at kaimik-imik. Habang ako ay sobra ng kinakabahan. Gusto ko silang pigilan, pero alam ko sa sarili ko na wala akong magagawa. "Pano ba yan.. parehas lang pala tayo?" Sa isang iglap ay nagpalit ang emosyong nakikita sa mukha ni Daniel. Katulad ng kay Zack, nakakainsulto din ang pagsasalita at ang mga sinasabi nya. Na para bang sya na ang panalo sa laban. Ang gulo! Bakit ba kasi humantong sa ganito? "Kilala din naman kita eh. Not only as Thorse Zack Emith."
"Daniel..."
"Talaga? Paano mo naman nasabi na tama yang mga nakuha mong impormasyon?"
"Like what you've said, kilala mo na ako. Siguro naman, sa mga nalaman mo ay nandodoon ang mga kaya kong gawin. Siguro ay alam mo naman na yon, Zack." Sa pag-uusap nila. Feeling ko, mas may point si Daniel. Syempre naman no! Kahit hindi ko alam ang mga pinagsasabi nila, sa boyfriend ko pa rin ako kakampi. "Kumbaga sa 1 out of 10 quiz.. dalawa pa lang ang hula mong nakakatama, ako, nasa kalahati na." Nakangising sabi iyon ni Daniel. Hindi sa paraang nakakainsulto.. kundi sa paraang seryoso.
Tiningnan ko si Zack, naging seryoso na din sya. Mukhang natamaan sa sinabi ni Daniel. "Kung pati ang girlfriend ko ay idadamay mo, magkakamatayan tayo dito, Emith."
"Edi maganda, atlis may pag-asa akong mapasaakin sya diba?" Ano ba naman 'tong si Zack! Bakit ba kung ano anong lumalabas sa bibig nya? Lumalala yung sitwasyon eh!
"Daniel.. tigilan mo na please.."
"Gago," madiing bulong ni Daniel. Pero ako lang ang nakarinig. Galit na talaga sya. "You don't know how I play a game, Emith. Baka pagsisihan mo sa huli."
"Bakit ba puro salita ka lang Ashton? Ayan ba yung tinatawag nilang, 'pinakakinatatakutan' dito? Mukhang hindi naman eh."
"Baka kapag pinakita ko sayo, umatras ka?"
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...