***Kathryn's POV
"Wait, wait! Stop!" Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Daniel sa aking kamay at hinihingal na huminto na naman sa harap nya! Pero sya, prente pa ring nakatayo sa harap ko at parang hindi nakakaramdam ng pagod! "Kanina pa tayo paikot-ikot? Anong balak mong gawin dito?" Two hours na kaming palakad lakad na parang isang pulubi sa mall na 'to! Palinga linga lang kami sa bawat brunch na makikita namin pero hindi naman kami papasok!
"Ayaw mo namang bumili eh." Kibit-balikat nyang saad habang nakangiti ng malawak. Napairap na naman ako dahil panigurado naalala nya na naman yung kiss ko sa kanya kanina.
Nakarinig ako ng tili sa paligid kaya napatingin ako doon. Pinalilibutan na naman kami ng mga babaeng halos mangisay sa sobrang kilig habang nakatingin sa boyfriend KO. Kanina lang ang onti ng tao dito, bakit biglang dumami? Ang bilis naman kumalat ng tsismis na nandidito ang isang Daniel Kyle Ashton.
"Lumipat na lang kaya tayo ng ibang lugar?"
"We don't have enough time to do that."
"Edi dyan na lang tayo sa tabi tabi?"
"I want this date to be memorable."
"Memorable naman lahat ng ginagawa natin eh!"
"Gawin mo na lang ang lahat ng gusto mo dito. Kahit ano. Hindi tayo aalis dahil wala na tayong oras."
"Hay.. ano bang gagawin ko dito?" Pabulong na tanong ko sa aking sarili habang nililibot ang aking tingin. Pero naiinis lang ako dahil bawat sulok na nadadaanan ng mata ko eh may nakikita akong babaeng nakatingin kay Daniel! Aba! Dinaig pa nila ako sa lagkit ng titig nila ah?
Kinontrol ko ang aking inis at nagpatuloy na naghanap ng magandang puntahan. May Tom's World dito sa loob, pwede na yon para puntahan namin. Makalapaglaro kami ng iba't ibang games. Pero gusto ko may puntahan muna kami bago kami pumunta doon!
Biglang huminto ang aking mata sa isang shop na puro make-up. Napataas ang kilay ko habang may nakakalokong ngiti sa aking labi.
Inilingon ko ang aking ulo kay Daniel na cool lang na nakamasid sa akin. Nginisian ko sya ng nakakaloko dahilan para taasan nya ako ng kilay. "Sabi mo, kahit anong gawin ko ay pede diba?" Napakagat ako ng labi. Pigil na pigil ang ngiti sa kalokohang naiisip ko.
"Ah, yeah? What's with the smile?"
"Masaya lang ako." Masaya akong makita ang reaksyon mo! "Hindi ka aangal ha?"
"Okay."
"Alright! Deal na yan! Walang atrasan!"
Suot ang nakakalokong ngiti sa aking labi ay hinila ko ang kamay ni Daniel papasok sa shop na nakita ko. Gustong gusto kong tumawa na parang demonyo pero pinipigilan ko lang. Hahahah! Hindi ko na maintay makita ang reaksyon ng isang Daniel Kyle Ashton kapag napapahiya sa karamihan! Whahahaha! Pasensya sya. Hindi ako masyadong matinong girlfriend hindi katulad ng iba dyan. Minsan, tinotopak din ako. At kapag tinopak na ako, kabahan ka na.
"At kailan ka pa nahilig sa make-up?" Kunot noong tanong sa akin ni Daniel nang makapasok na kami sa loob.
Hindi ko sya sinagot sa halip ay patuloy ko lang syang hinatak. May lumapit sa aming isang babaeng maputi at may itsura. Medyo magulo ang buhok at damit nya pero pinatili nito ang kanyang magandang tindig at ngiti. Na alam ko nang para kay Daniel.
Tumingin ako sa kanyang likod at doon ko nakita ang higit sa sampung babaeng nagtutulakan at masama ang tingin sa babaeng nasa harap namin. Oh oh. Mukhang nagkagera pa sila kung sino ang magaassist sa amin ah. Problema talaga kapag gwapo ang kasama mo eh.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...