16. How?

951 26 2
                                    


***

Third Person's POV

Hindi pa rin nawawala ang pagkamangha ni Kath sa mansyon nila Daniel hanggang sa makapasok sila. Umupo sya sa sofa gaya ng sinabi ni Lester sa kanya.

"Kath, dyan ka muna"

Tumango lang si Kath habang pinagmamasdan pa rin ang paligid. Hindi nya lubos maisip na makakarating sya sa ganitong kagandang lugar.

Habang si Lester naman ay pumunta sa Room nilang magkakaibigan. May sarili silang room sa bahay ng mga Ashton. Request din yun ni Daniel para hindi manggulo ang SHAYDON sa kwarto nya sa tuwing pupunta ang mga ito.

Pagkapasok ni Lester sa loob ng kwarto, nadatnan nya ang kanyang mga kaibigan na palakad lakad na parang hindi mapakali. Well, maliban kay Seth na nakasandal lang sa pader.

"Bro! Nandyan na ba si Kath?!" Tanong sa kanya ni Katsumi ng makita nya ito. Hindi alam ni Lester kung matatawa ba sya sa itsura ngayon ni Katsumi. Nanlalaki kasi ang mga mata niya habang nagtatanong sa kanya.

"Oo. Teka bakit ba ganyan ang itsura nyong dalawa?"

"Bro, bro, bro. Wala dito sina tito at tita" pagkasabing pagkasabi nun ni JC ay parang namutla si Lester. Alam kasi nilang katapusan na nila ngayon.

Ang plano sana nila ay papuntahin dito si Kath nang hindi alam ni Daniel. Dahil naaawa sila kay Kath at gusto nilang pagtripan si Daniel. Alam nyo naman kung gaano sya kabadtrip kapag si Kath ang usapan. Pero mapagtitripan lang nila si Daniel kapag nandodoon ang mama nya. At gusto din daw nilang mapasaya ito kasi alam nilang gusto nyang makita na may kasama si Daniel na babae. Tho, hindi naman talaga nya alam yun.

Pero yun nga, wala yung mama ni Daniel at alam nilang kapag nalaman nito na nandidito yung babaeng pinakaayaw nyang makita sa pamamahay nya at sila pa ang may pakana ng lahat. Katapusan na nila.

"Hala!? Ano ng gagawin natin? Saan na ba si Kyle?!" Maski si Lester ay hindi na din mapakali. Ayaw pa nilang mawalan ng buhay. Si Seth lang ata ang kalmado sa kanila eh.

"Naliligo pa! Shit! Ano ng gagawin natin?! Huhuhu ayaw ko pang mamatay!"

"Ikaw kasi eh! Sabi mo gagana tong plano natin! Siraulo ka talaga Kats!"

"Huhu sorry na nga diba! Langya! Kung umalis na kaya ako ngayon para hindi nya ako maabutan"

"Tanga! Mahahanap ka pa rin nun"

"Huhuhu"

Kahit nasa piligro na ang buhay nila ay nagagawa pa nilang magharutan. Hay naku SHAYDON. Goodluck na lang sa inyo.

Sa kabilang banda naman ay nakaupo pa rin si Kath sa sofa. Para syang estatwa na hindi gumagalaw doon maliban lang sa ulo nya na pinagmamasdan ang paligid. Ang creepy tuloy tingnan na ulo nya lang yung gumagalaw. Natatakot kasi sya na baka sa isang galaw nya lang ay may mabasag syang gamit sa bahay na yun.

Ngunit may naramdaman syang hindi kanais nais.

"Oh My! Naiihi ako! San ba yung banyo?!" Tanong nito sa sarili nya. Hindi na nya mapigilan at baka maihi na lang sya doon sa pwesto nya at ayaw nyang mangyari yun. Nakakahiya din naman kasi masyado.

Dahil hindi nya alam kung saan pupunta, tumakbo na lang sya sa isa pang lugar doon. At nagulat sya dahil yun pala ang kusina. Maraming maids ang nagtatrabaho at abala sa pagluluto ng pagkain. Aalis na sana sya kaso may biglang kumausap sa kanya.

"Iha anong ginagawa mo dito" napatingin si Kath sa isang matandang babae na nakasuot na pang maid na uniform. Pero mas bongga iyon tingnan. 'Siguro ito yung head ng mga maids'  Napag isip isip ni kath.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon