67. Excitement.

784 25 1
                                    


***

Kathryn's POV

Excited na excited akong bumaba sa hagdan at pumunta sa kusina upang saluhan ang aking pamilya sa aming almusal. Ewan ko ba kung bakit ganito ako pero sobra akong excited ngayon! Hihi. Ngayon na kasi ako bibili ng regalo ko kay Daniel para bukas. Omo! Monthsary na namin! At ngayong alam ko na ang monthsary namin, hindi pepwedeng hindi namin iyon icelebrate!

"Goodmorneeeeeng!" Masayang bati ko sa kanilang lahat pagkapasok ko sa kusina. Isa isa kong hinalikan sina lolo, tatay at nanay. Habang si kuya Ken ay pabiro kong sinuntok sa balikat. Napahinto naman sila sa ginagawa at taka akong tiningnan. "Baket?" Nakangiti kong tanong sa kanila bago umupo sa isang upuan katabi ng upuan ni kuya Ken. "Penge." Kinuha ko ang hawak nyang pagkain na hindi nya pa sinusubo.

"Ang lawak ng ngiti naten ah?" Sabi ni kuya Ken bago kumuha ng panibagong tinapay dahil kinuha ko yung kanya.

"Syempre naman!" Malawak ang ngiting saad ko.

"Magdedate ba kayo ni Daniel Kyle, apo?" Tanong ni lolo na nakaupo sa dulo ng mesa at may hawak na isang tasa ng kape sa kanyang kamay.

Umiling ako habang nakangiti pa rin ng malawak. "Hindi pooo~~" Kahapon pa nga kami hindi nagkikita. Ni text wala akong natanggap sa kanya. Marahil ay nagiging busy na naman sila. Malapit ng mag-exam at maggagraduate na din kami kaya marami siguro silang trabaho.

Basta bukas hindi pwedeng busy sya! Amin ang araw na iyon! Hahaha.

"Bakit ang lawak ng ngiti mo, 'nak?" Tanong ni nanay bago ilapag ang kanyang niluto sa lamesa.

"Konti na lang, mapupunit na iyang labi mo." Saad naman ni tatay na tinutulungan si nanay sa paghahanda.

Tumayo ako para tulungan sila. "Wala lang po! Hehe.. may maganda po kasing mangyayari bukas!" Masigla kong saad sa kanila bago isaayos ang plato sa lamesa at ang ibang kubyertos.

Nang matapos kami sa paghahanda, umupo na kami at nagsimula ng kumain matapos magdasal.

"Anong meron bukas insan?" Tsismosong tanong ni kuya Ken. Kahit puno ang bunganga nya, pinilit nya talagang magsalita.

"Hmm," hindi ko talaga mapigilan ang ngiti ko kapag naiimagine ko ang mangyayari bukas. "Sekretong malupet!" Saad ko ka kanya. Nakita ko naman kung paano lumukot ang kanyang mukha at irapan ako.

Napanguso ako doon. Sama!

"Napakadamot."

Hindi ko na lang pinasin ang pagtatampo ng pinsan ko bagkus ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko para makaalis na ng maaga. "Nay! Tay! Aalis po ako mamaya." pagpapaalam ko kanila tatay.

Napaangat sila ng tingin. "Magdedate kayo ni Daniel?" Simpleng tanong ni tatay. Namula naman ako pero hindi ko pinahalata. Porket ba talaga aalis makikipagdate kaagad?!

"May bibilhin lang po ako." sagot ko. "Busy po kasi si Daniel, baka hindi nya ako masamahan kaya ako na lang."

"Oh sige, basta umuwi ka ng maaga." Napangiti ako kay tatay. "Magpaalam ka din sa lolo mo."

Sumaludo muna ako kay tatay bago harapin si lolo na biglang natulala at mukhang malalim ang iniisip. "Master lolo?" pagaagaw ko ng kanyang atensyon. "Yuhoo? Master lolo?" Napaangat sya sa akin ng tingin.

"Ano yon, apo?" Bumalik sa dating itsura si lolo. Nawala ang pagiging seryoso nya at napalitan iyon ng ngiti. Ngiting natural talaga.

"Magpapaalam po sana ako na aalis ako mamaya. Wag po kayong magaalala sa akin dahil kaya ko ang sarili ko. Apo nyo ko eh!"

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon